Ang buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lalaking kinasusuklaman ng kanyang asawa. Si Xander, ang karibal ni Lars sa puso ni Antonette, dati itong nobya ni Lars bago siya nito nakilala.
“Ikaw ang magiging kabayaran sa kasalanan ni Lars sa akin. Tingnan ko lang kung hindi mabaliw si Lars sa kakahanap sa iyo. Hmmm..... hindi rin naman masama ang hitsura mo, actually you can be my toy habang kasama kita. How about kissing you huh? At tumingin ito sa mga labi niya.
Kinabahan siya sa sinabi nito. Napaatras siya at napahawak sa kanyang dibdib na para bang anumang oras ay sasagpangin siya nito.Pero bakit habang palapit ito sa kanya ay hindi niya maiwasan ang kilig na naligaw sa puso niya ng mga sandaling iyon.
“Get a grip on yourself, Lara”kastigo niya sa kanyang sarili. Kakakasal pa lang niya kanina ay ito na ang nararamdaman niya.
Paano nga ba kung mainlove siya sa kanyang abductor? Paano kung ang iniingatang dangal ay dito niya maisuko? Paano na siya pagkatapos kung sa simula pa lang alam niyang pangbayad utang lang siya?
“ah! Bahala na......”
This is my first time to write here in Wattpad. I'm not a writer, but I love to write. I am trying my best to write, that's it. haha, well just support me, it's my dream to become one.
Here is my very first short story in wattpad entitled The Virgin Bride... enjoy!!!
CHAPTER ONE
It was a fairytale come true.
Tatlong buwan na ang nakakaraan mula ng magtrabaho siya sa ibang bansa para makatulong sa mga magulang. At dalawang uri pa ng trabaho ang pinasok niya para masulit ang panahong ilalagi niya sa ibang bansa. Ngayon, parang panaginip lang ang lahat ng paghihirap na iyon. Dahil sa gabing ito, isa na siyang ganap na Mrs. Licarte. Kaninang hapon siya ikinasal kay Lars Licarte, isang sikat na arkitekto ng bansang Europa. Noong una ang akala niya ay talagang taga Europe ito, ngunit ng makilala niya ito ng lubusan ay nalaman na lang niyang taga- Pilipinas din ito gaya niya. Niligawan siya nito, sinuyo ng apat na taon bago niya ito nagawang sagutin. Ito ang nagtupad sa lahat ng pangarap niya. Hindi niya alam na ang boyfriend pala niya na asawa niya na ngayon ay isang sikat na arkitekto. Umuwi sila sa Pilipinas para mamanhikan sa mga magulang niya. At ngayon nga ay isa na siyang ganap na Mrs. Licarte.
Ang saya-saya niya. Lahat halos ng tao sa paligid ay alam na masaya siya. Nakita niya si Lars na nakikipag- usap sa mga kaibigan nito. Lalapitan na sana niya ito ng lumapit ang kanyang ina.
“O ang anak ko, mawawala na sa akin.” Madramang bungad nito.
“Mama, hindi naman po eh, andito pa rin ako. Nag-asawa lang naman po ako.” Halatang masaya para sa kanya ang kanyang ina. Dahil alam nito na mula bata pa ay pangarap niyang maikasal kagaya ng mga napapanood niya sa telebisyon. Yung tipong mala-cinderella ang kwento ng pag-ibig niya.
“ Masyadong mahal ang kasal mo, hija” singit naman ng Papa niya. “Pero bakit parang ang payat payat mo ngayon. Hindi ka na ba kumakain?”
“Hay naku Alberto, nag diet din ako nung ikinasal ako sa iyo. Takot akong baka hindi magkasya ang aking wedding gown-....pero mataba na ko ngayon dahil sa limang anak na binigay mo sa akin. Kaya hayaan mo ang anak mo sa pagiging payat, maano bang tataba din yan pag nag-kaanak na.”pagtatanggol ng kanyang ina.
Lima silang magkakapatid. Siya ang panganay kaya siya ang nag desisyong magsakripisyo sa pag-aaral para matustusan ang ibang kailangan para sa mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...