Baekhyun's Pov
"What I mean is Ready ka na bang makaharap ulit ang dati mong asawa? Si Park Chanyeol??"
Napatigil ako sa pagkain sa sinabi nya. Handa na nga ba talaga ako makaharap sya? Sa totoo lang natatakot akong makaharap sya. Natatakot di dahil mahal ko pa sya. Natatakot ako kasi manunumbalik yung sakit nung naramdaman ko nung minahal ko sya. Ok na ako pero para kay YeonSeok gagawin ko ang lahat.
Isa sa stockholder ang pamilya ni Yeonseok sa kumpanya ng mga Park small world diba? Nung namatay yung tatay ni Yeonseok sya na ang namahala at nagpatuloy sa mga naiwang negosyo ng pamilya nya. Sa edad na 20 napasa sa kanya ang malaking responsibilidad magpatakbo ng mga negosyo. Samantala yung nanay niya ay nag asawa naman ulit. Nang nag asawa ang mama nya nanirahan ito sa ibang bansa kasama ang bago niyang pamilya. At naiwang mag isa si Yeonseok dito. May kapatid si Yeonseok sa ina pero di sila close. Tuwing birthday ng mama ni Yeonseok pinapaunta sya para mameet nya yung kapatid nya. Pero di sya pumupunta nagpapadala na lang sya ng regalo.
Tinaguyod ni YeonSeok ang mga negosyo na naiwan sa kanya at napalago naman nya ito. Hanggang sa nakilala nya yung asawa nya. Tinulungan nya si Yeonseok sa kumpanya. Pero nung nanganak sya sa kambal binawian sya ng buhay. Sabi nga ni Yeonseok blessing in disguise ang pagdating ko sa buhay nya. Ngayon sabay namin haharapin ang hirap ng buhay.
"Hon ok ka lang?" Bumalik yung ulirat ko ng magsalita si YeonSeok
"O..oo naman... Ready na ko makaharap sya. Besides nakamove on naman na ako."
"Sigurado ka ah?" Tumango ako bilang pag sang ayon "okay papaayos ko na yung opisina mo. "
"Okay.. But for now family time muna. Since Sunday naman pahinga ka muna hon."
"Pero hon... Madami..."
"Hep hep hep...wala munang work daddy... Family time muna. " eto ang madalas naming pag awayan. Yung pagka workaholic nya. Minsan inuuwi nya ung mga trabaho nya. Kaya minsan nakikita ko sya na nakatulog sa office nya dito sa bahay. Minsan din nawawalan na sya ng time sa kambal. Kaya ako na lang ang nagpapaliwanag sa mga bata kung bakit ginagawa iyon ng tatay nila. Buti na lang at malawak ang pagunawa ng kambal at naiintindihan nila ang ginagawa ng daddy nila ay para sa kanila.
"Sige na po daddy nuod po tayo ng movie.." Lambing ni Sky
"Matatanggihan mo ba yang cuteness ng anak mo hon??"
"Sige na nga. Movie time.." At nagtalunan sa tuwa ang kambal.
"Anung sasabihin nyo mga anak??"
"Thank you daddy..." Sabay na sambit ng kambal
"Yun lang ba? Wala ba akong kiss.." At lumapit yung kambal sa tatay nila at pinaliguan ng maraming halik...
"Thank you hon." Hinawakan ko ang kamay nya.
"Di mo ba ako ikikiss mommy???" Sabi nya habang naka pout ung lips nya.
"Sige na po mommy kiss kiss na daddy.." Sabi naman ni Cloudy.
"Ayaw naman ako ikiss ni mommy mag wowork na lang ako ulit. " biro nya sa mga bata.
"Mommy please kiss daddy.." Pagmamakaawa ni Sky
"Ok ok... Talagang ginamit mo pa ung mga bata naka chansing sa akin ah." At hinalikan ko sya sa lips. Mag iisang taon na kaming mag karelasyon pero kiss and hugs lang ang ginagawa namin. Di pa ako handa ulit ibigay ulit ang sarili ko, mahal ko si Yeonseok pero alam ko na naiintindihan nya ako. At nirerespeto naman nya ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/164453303-288-k462957.jpg)