Baekhyun's Pov
Para kaming isang pamilya na sabay sabay kumaen kasama ang mga anak namin. Alagang alaga si Samsam nila Sky and Cloudy na parang mga kuya nya. Pero lahat ng ito ay di totoo. Yung pamilyang pinangarap ko kasama sya ay nawala na.
"Mommy pwede po ba kami mag swim sa bahay nila samsam? Sabi kasi ni Samsam may pool sila eh."
"Pwede kayo magswimming sa bahay namin tuturuan pa kita mag swimming. Sa weekend kung ok lang sa mommy nyo?"sagot naman ni Chanyeol
"Di pwede mga anak kasi diba pupuntahan natin si daddy nyo sa bahay ng lola nyo." Sumimangot naman yung kambal.
"Sa friday. Diba half day lang kayo? So pwede ko kayong sunduin." Biglang lumiwanag yung mukha ng kambal.
"Pero nakadepende yun pag pumayag yung mommy nyo." At lumapit sa akin yung kambal with their puppy face.
"Mommy please... Please..." Sabi ni Sky
"I want to swin po mommy please.." Sabi naman ni Cloudy
"Please tita Bikhyun... Payag nyo na para swim kame." Sabat naman ni samsam.
"Oh sige na nga... Wag na kayong magpacute dyan dahil tumatalab sa akin yang mga cuteness nyo." At pinisil ko yung kanilang mga ilong.
"Yehey....." Sabay yakap sa akin pati si Samsam ay napayakap sa akin. Yayakap din sana si Chanyeol pero sinupalpal ko ung mukha nya. Galawang hokage ang peg ng yodang to. Yung mga bata lang eh.
Pagkatapos namin kumain hinatid kami pauwi ni Chanyeol. Nakatulog na yung mga bata. Akmang gigisingin ko sila pero pinigilan ako ni Chanyeol. At binuhat si Sky and si Cloudy.
Kukunin ko na sana si Cloudy pero pinigilan nya ako.
"Kaya mo?" Tanong ko. Tumango sya bilang pagsangayon. Kaya si samsam na lang ang kinuha ko. At pumasok kami sa bahay at dumeretcho sa kwarto ng mga bata. Pinahiga ko muna si samsam sa kwarto ng kambal. Napagod ng husto yung tatlong bata dahil sa paglalaro.
"Dapat di mu na kinuha si samsam sa kotse. Uuwi naman din kami." Sabi ni Chanyeol.
"Ok lang. Hayaan mo muna makatulog ng maayos yang anak mo maya maya na kayo umuwi. Gusto mo magkape?"
Tumango sya at nagtungo kami sa kusina. Pinagtimpla ko sya ng kape at binigay sa kanya.
"salamat."
"Welcome." Tipid kong sagot sa kanya.
"Sorry nga pala sa sinabi ko kanina sa pantry. Alam ko na hinding hindi mo ako mapapatawad pero sana dumating yung panahon na mapatawad mo ako."
"Pwede wag na natin pagusapan ang nakaraan. Wag mong sirain yung mood."kaya tumahimik na lang sya at ininom yung kapeng tinimpla ko.
"Namiss ko to."
"Yung alin?"
"Yung timpla ng kape mo at saka....." Napatigil kami sa paguusap ng mag ring yung cp ko. Si YeonSeok ang tumatawag. Tumayo ako at sinagot ung phone.
"Hello honey....."
Chanyeol's Pov
"Yung timpla ng kape mo at saka..... Yung makasama ka." Yan ang dapat kong sasabihin sa kanya. Pero tumayo sya at sinagot yung phone nya. Si Yeon Seok yung tumawag.
"Hello honey.. Kamusta ka dyan?" Lumayo sya sa kinauupuan namin. Ako naman patuloy na ininom yung kapeng timpla nya. Ang tanga ko at pinakawalan ko ang isang Byun Baekhyun.
Tumayo din ako at nagpunta sa sala. Tinignan ko yung mga picture na nakasabit sa mga dingding. Ang saya nilang magkasama. Sana ako ang nasa pwesto ni YeonSeok. Sana ako ang kasama ni Baekhyun. Pero ang duwag ko para sumuko na lang sa pagmamahal ko sa kanya. Yung ngiti nya na dati ay para sa akin ngayon ay para na sa iba.
