Chapter 2

711 32 9
                                        

Chanyeol's pov


"Papa...." Napatingin ako sa pintuan ng opisina ko at isang cute na batang babae ang bumungad sa akin.



"Oh my princess bakit ka andito? Wheres your mom?"




"Di ko po alam."


"Yaya nasaan si Nana?"



"Umalis po eh sabi nya may pupuntahan sya."



"Sinundo nya ba tong bata? "



"Hindi po."



Kahit kailan talaga tong si Nana napakairesponsableng nanay. Hahayaan lang nya yung anak nya at gagala na parang walang pamilya.




Yes kinasal kami ni Nana after magrand yung annulment namin ni Baekhyun. Pero sa 4 na taon namin nagsama hindi ako naging masaya. Iisa lang ang laman ng puso't isip ko walang iba kundi si Baekhyun. Napakatanga ko ng sumuko ako. Napataka ko kasi naging mahina ako. Pinakawalan ko ang taong pinakamamahal ko.











4years ago



"Ano ito? Bakit ganito ang sales? Bakit ang baba?"



"Sorry Mr. Park marami tayong ka kumpitensya sa produkto na ginagawa ng kumpanya naten."






"Bakit di nyo gawan ng paraan? Ang baba ng kinita natin sa mahigit tatlong buwan. "





"Yes Mr. Park" sabay sabay na sambit nila. For the past 3 months ang baba ng sales ng kumpanya. Maaari ma bankrupt ang kumpanya. At yun ang pinakaayaw kong mangyari dahil ito ang iniwang legacy ng pamilya ko.




Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko si Baekhyun na natutulog. Kahit anung sama ng araw ko sa opisina andyan ang asawa ko para pagaanin ito. Hinalikan ko sya sa pisnge at nagising sya tinanung nya ako kung kumaen na ko. Kung ok lang ba ako sa opisina. Syempre ayoko syang maistress kaya di ko sinasabi na may problema ang kumpanya. Maya maya nag virbrate ang cellphone ko. At pagtingin ko si Nana ang nag txt.



Dream Paradise Cafe
Tomorrow at 5pm

See you Love ❤❤



Nagbalik na sya. Halong emosyon ang naramdaman ko. Aamin ko naexcite ako na dumating sya. Pero may part sa akin na ayaw syang makita. Una dahil may asawa na ako at hindi magandang tignan na magkita kami ulit. Pangalawa may galit pa din ako sa kanya dahil sa pag iwan nya dati.




Pero mas maigi na makipagkita na ako sa kanya para tapusin kung anu man ang namagitan sa amin. Gusto ko nang mamuhay ng maayos kasama ang asawa't anak ko. Para sa akin tapos na ang lahat sa amin ni Nana. Dahil si Baekhyun na ang mahal ko.



Pumunta ako sa cafe na sinabi ni Nana. Sakto naman ang dating nya at nauna na syang pumasok. Pinark ko muna ung kotse bago sumunod sa kanya pero laking gulat ko ng makita ko si Baekhyun kasama si Kasper.

Nagsinungaling ako kanina kay Baekhyun na may inaayos pa ako sa opisina. Pero ang totoo nun ay makikipagkita ako kay Nana. Nakita ko na naluluha sya ng makita kami ni Nana. Nagaway kami ng gabing yun pero di nagtagal at nagkapatawaran. Ayoko syang saktan ayoko na malungkot sya pero sa ginagawa ko nasasaktan ko sya.

Sa mga sumusunod na Linggo mas bumaba yung sales namin. Hanggat sa may dumating na notice of bankrupcy. Kaya nagpatawag ako ng stockholder meeting. Pero di maganda ang resulta ng meeting, gusto nila akong paalisin as President ng kumpanya. Di pwede nilang gawin yan dahil pinaghirapan ito ng pamilya namin.



Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon