YeonSeok's Pov
Pag gising ko mukha nya agad yung nakita ko, nakayakap sya sa akin samantalang nasa ulo nya ung braso ko. Sa wakas naging isa na kami. Pumayag na sya to make love with me. I really love Baekhyun, he completes me. Kinumpleto nya ang pamilya ko. At nagpapasalamat ako kay Lord at dumating sya sa buhay namin ng mga anak ko. Nagpapasalamat din ako kay Chanyeol dahil kung di dahil sa kanya di ko makikilala si Baekhyun. Ang laki nyang tanga para pakawalan ang isang Byun Baekhyun.
Hinawi ko yung mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nya. Napakagandang tanawin. Unti unti akong lumapit sa kanya at hinalikan sa pisngi. Pero di pa din sya nagising kaya hinalikan ko sya sa labi. At ng dahil dun naimulat nya ung mga mata nya.
"Good morning honey.."
"Uhm.. Morning din hon.. Teka anung oras na ba? Baka malate na tayo pati yung mga bata." Pag tingin nya sa orasan dali dali syang tumayo. Pero hinila ko sya pabalik ng kama at bumagsak sya sa ibabaw ko. At hinalik halikan sya.
"Hon... Anu ba.. Di pa ako nagmumumog.. "
"Wala akong pakielam." At hinalikan ko ulit sya, hanggang sa lumalalim at ng huhubadin ko na ulit ung damit nya may mga makukulit na bata ang kumakatok sa pinto.
"Wrong timing naman tong mga anak ko.." Bulong ko at Natawa naman si Baekhyun sa sinabi ko.
"Mommy dada wakie wakie..."sigaw ni Sky
"Bumangon ka na dyan. May mga batang galit na sa labas.."
"Mommy... Daddy..!!!"sigaw ng kambal
"See..."
Wala na akong nagawa kundi tumayo sa kama at buksan ung pinto ng kwarto namin at tumakbo papasok ung kambal at nagtungo kay Baekhyun.
"Good morning sa mga babies ko. Did you sleep well?"
"Yes po."
"Mommy anu po yan?" May tinuro si Sky sa bandang leeg ni Baekhyun. Love mark ko yun kagabi. Tumawa na lang ako ng tignan ako ni Baekhyun ng masama.
"Ah... Ano... Kagat ng lamok.. Tama kagat ng lamok yan.. Mauna na kayo sa kusina para kumaen. Sunod na lang kami ng daddy nyo sa baba." Pagkasabi ni Baekhyun agad naman silang sumunod. Andun na yung mga yaya ng mga bata.
Pagkalabas ng mga bata lumapit sya sa akin at hinampas sa braso.
"Aray... Bakit?" Kunwari akong nasaktan sa pag hampas nya. At ngumiti ako ng nakakaloko.
"Nakakainis ka sa dinami dami namang parte ng katawan ko lalagyan mo ng love mark ko bakit sa kitang kita pa. Kailangan ko tuloy itago to. Ang inet inet ngayon tapos mag tuturlte neck ako.."
"Okay lang yan. Para makita ng iba na taken ka na. Para magtigil na sya sa pagpantasya sa iyo." Si Chanyeol yun. Alam ko na mahal pa rin nya si Baekhyun dahil kitang kita sa mata nya yung mga ningning habang nakatingin dito. Para magtigil na sya nilagyan ko ng hickey yung bandang leeg nya. Para ipaalam na akin lang si Baekhyun.
"Sus kung anu anu pa ang sinasabi mo eh. Di naman kita ipagpapalit. Tara na bumaba ka na dyan." Nagsuot muna sya ng bathrobe at lumabas nauna na sya para ayusin ung mga baon ng mga bata bukas pag papasok sila sa school. Naiwan ako sa kwarto para ayusin ung hinigaan namin.
Paalis na sana ako ng kwarto ng mag ring yung cp ko. Pag angat ko ng cp number ito ng kapatid ko sa ina. Una nag aalinlangan pa akong sagutin pero ilang sandali lang at sinagot ko din ito.
