Chapter 21

459 18 8
                                        

Yeon Seok Pov

Lumabas ako ng ICU para bilhan ng pagkain si Baekhyun. At para ipaalam na din kayla mama na ok na si Sky. Paalis na ko ng maalala ko na nakalimutan  ko pala yung wallet at susi ng kotse ko. Papasok na ko ng marinig ko na may kausap si Baekhyun.



"Wag muna ngayon Chanyeol. Pero pag ok na ang lahat sasabihin ko na ung tungkol sa atin." Teka si Chanyeol yung kausap ni Baekhyun. At ano yung tungkol sa kanila. Gulong gulo ako sa mga naririnig ko. Di ako umalis sa kinatatayuan ko hinayaan ko lang marinig yung pag uusap nila.



"Maraming salamat babe.."



"Nag thank you ako sa iyo."





"Whahaha alin ung Babe?"




"Mahal na mahal din kita babe." Parang may milyon milyon na karayom na tumutusok sa puso ko ng marinig yung mga katagang yun mula sa taong mahal ko. Pakiramdam ko marami akong pagkukulang sa kanya. Pero saan ako nagkulang sa kanya? Yan ang malaki kong katanungan.  Pumasok ulet ako ng ICU  at nagulat si Baekhyun ng mabilis akong bumalik.



"Oh Hon baket parang ang bilis mo naman bumalik?" Di na lang ako nagpahalata na may alam na ako sa kanila ni Chanyeol. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Baka eto na ung huling pagkakataon na mayakap ko sya ng ganito.




"Baket anung nangyari hon?" Di ko na kaya, bumigay na yung mga luha ko na kanina pang gustong kumawala dahil sa sakit ng nararamdaman ko.





"Teka Honey bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinaplos yung maamong mukha nya. Ung mukha nyang nabubungaran ko twing umaga pag gising ko at makikita ko bago ako matulog. At yung mga ngiti nya na masarap pagmasdan nakakawalang pagod at higit sa lahat ang buong pagkatao nya. Sya ang naging dahilan kung bakit naging masaya ako pati ang mga anak ko. Baka eto na yung huling pagkakataon na mahagkan ko sya.



"Wala.. Napagod lang siguro ako. Sorry naging emosyonal  lang ako. Maraming salamat at andyan ka sa tabi ko. Mahal na mahal kita Baekhyun. " hinintay ko syang mag i love you back pero wala akong narinig. Mas sumikip ang puso ko dahil dati rati may sagot sya pag sinasabi kong mahal ko sya.



"Ako na lang ang bibili ng pagkain mag pahinga ka na lang dyan Honey." Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.




Ng makaalis sya di ko na napigilan ang mag breakdown. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magalit pero di ko magawa. Dahil alam ko na kahit anung gawin ko wala akong binatbat pag dating kay Chanyeol. Siya ang first love ni Baek. Kasama nya ito sa sobrang happiness at sadness ng buhay ni Baek. Samantalang ako walang wala sa kalahati. Alam kong minahal ako ni Baekhyun pero di kapantay ng pagmamahal niya para kay Chanyeol.




Di ko alam ang gagawin pag dumating ang araw na iiwan na nya ako para sumama kay Chanyeol. Di ko alam kung paano ito iexplain sa mga anak ko.





"Sky sorry mukhang di ko na kayo mabibigyan ng isang kumpletong pamilya. Alam nyo naman na hiniram lang naten sa totoong mahal nya ang papa Baekhyun nyo. Sorry anak sorry.." Iyak ako ng iyak hanggang sa makatulog ako sa sofa. Nagising ako ng may umaalog sa akin.




"Honey gising ka muna para kumaen." Nakahanda na yung pagkain na binili nya sa harapan ko.




"Wow ang dami naman nyan Hon.."




"Kumaen ka na para may lakas ka."





"Sabayan mo na ako. Alam mo naman na malungkot kumaen mag isa. "




"Busog pa ako."




"Sige na... Alam ko naman na last na pag sasalo naten to." Hininaan ko yung last na sinabi ko.






"Sige na nga. " paupo na sya ng hatakin ko sya palapit sa akin at napaupo sya sa lap ko. 





"Dito ka kumaen please..." niyakap ko sya mula sa likod pero Nagpupumiglas sya.





"Ano ba honey di tayo makakaen ng maayos" sambit nya




"Makakakaen tayo ng maayos subuan mo ko.. Ah......."



"Sus ngayon ka pa nag pa baby.. Mahiya ka nga sa anak mo. Hahahaha"



"Totoo naman ah baby mo ako diba?" Hinihintay ko sya sumagot pero isang pilit na ngiti lang ang natanggap ko.




"Baliw tara kain na tayo. Uuwi pa ko mamaya para makausap si Cloudy." Tumayo na sya at umupo sa sofa. At nag simula na kaming kumain. Pingmamasdan ko lang sya hanggat nasa akin pa sya baka bukas or sa makalawa wala na sya sa piling ko. Kinakabisado ko  ang mukha nya na babaunin ko habang buhay.
Tahimik lang kami kumaen. Ramdam ko na may gusto syang sabihin sa akin pero nag dadalawang isip lang sya kung sasabihin o hindi nag hahanap ng tyempo para sabihin sa akin.




"Balisa ka Hon may bumabagabag ba sa iyo? Pwede mo naman i share sa akin."




"Ah... Wala wala.. Kain na lang tayo."




"Basta pag may problema pwede mong sabihin sa akin. Malapit na tayo ikasal kung ano ang problema mo ay problema ko na ok ba yun?" At ngumiti sya ng pilit." Honey I LOVE YOU..." Pero wala akong natanggap na tugon mula sa kanya.



………………………………………………………………………………………………
Teka naiiyak ako…… yeonseok akin ka na lang…

Anu gusto nyo magpa ubaya si yeon Seok or lalaban sya para kay Baekhyun??

Anu gusto nyo magpa ubaya si yeon Seok or lalaban sya para kay Baekhyun??

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
























Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon