Chapter 8

601 27 3
                                    

Baekhyun's pov



Pagkalabas ko ng cr dumeretcho agad ako sa opisina ni YeonSeok. At nag umpisang mag trabaho,Maraming mga documents na dapat kong pirmahan in behalf of YeonSeok. Isa din kasi ako sa mga signatory sa company. Naging busy ako sa sumunod na oras kaya di ko namalayan na lunch break na pala. Buti na lang may dala akong lunch. Nakasanayan ko na ang mag dala ng baon pag pumapasok ako sa opisina. Para makatipid at di kakainin ung oras mo para makahanap ng makakainan. Pag pasok ko may mga mangilan ngilan ang kumakaen dun.



"Pwede bang makisalo sa inyo?" Tanong ko. Nagulat naman sila ng lumapit ako sa kanila.




"Nako kayo po pala Mr. Byun. Sige po pwede po kayo makisalo. " at umupo ako at binuksan ung baonan ko. Marami akong binaon gusto ko din kasi mag share sa iba. At para makilala ko din yung mga empleyado.




"Uy kumuha kayo dito sa ulam ko."





"Nako wag na po nakakahiya boss po namin kayo."



"Sus ok lang yun noh. Tao  din ako.. At saka gusto ko talaga matikman nyo luto ko."




"Sigurado po ba kayo?"




"Oo nga.. Akin na yung plato mo para malagyan ko. Masarap ito for sure " kinuha ko ung plato nya at nilagyan ng ulam na dala ko.binigay ko ito at tinikman nya.


"Wow ang sarap po nito."


"Talaga ba?"



"Opo pang five star restaurant  ung luto."



"Sus nambola ka pa."

"Masarap ka naman magluto kahit noon pa," takte andito nanaman ung asungot na lalaki. Nagsi tayuan ung mga empleyado para batiin ung kapreng may malaking tenga.



"Oh bakit andito ka? "




"Bakit pumupunta sa pantry ang mga tao?"




"Para kumaen."




"Exactly kakain ako."




"Wala ka namang dalang pagkain."



"Ayang dala mo. Diba nagshashare ka?"



"Sige po Mr. Byun and Mr. Park mauna na po kami." Paalam ng isang empleyado.




"Teka di pa kayo tapos kumaen ah." Pero tuloy tuloy sila sa paglabas ng pantry hanggang sa kami na lang ni Chanyeol ang matira sa pantry. Umupo si Chanyeol sa harap ko at nagsimulang kumuha ng pagkain na baon ko.





"Hoy sino nagsabi sa iyo na kainin mo yan? "





"Diba sabi mo nagdala ka ng baon para maishare mo sa mga tao dito. At para makilala mo na din sila. Kaso wala na sila kaya ako na lang ang kakain. "





"Sa mga emplyado yan di para sa iyo. Teka nga ikaw may ari ng kumpanyang ito di ka makabili ng pagkain mo,"




"Namiss ko lang kasi ung lutong bahay. Puro fastfood kasi ung kinakain ko. Un kasi ung available around the area."


"Bakit fastfood ang kinakaen mo? Di ka pinapabaonan ng magaling na asawa mo?" Umiling sya. Hinayaan ko na lang sya kumaen kasi mukhang di pa sya kumakain ng breakfast. Kumpara nung mag asawa pa kami malaki ung pinayat nya.




"Hindi marunong magluto si Nana. Minsan late na ako dumadating kaya sa fastfood or restaurant na lang ako kumakain."



"Wala ka bang mga helper sa bahay para ipagluto ka?"





Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon