Chapter 14

527 25 7
                                        

Baekhyun's pov




Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Pagmulat ko wala si YeonSeok sa tabi ko. Tumayo ako at nagpunta sa banyo. Naligo muna ako at nag ayos bago lumabas ng kwarto. Nagtungo agad ako sa kwarto ng kambal at nakita ko doon si YeonSeok na nakikipaglaro sa mga anak nya.



"Good morning sa mga gwapong lalaki sa buhay ko." Pumasok ako at naupo sa sahig kung saan sila nag lalaro. Agad naman lumapit at hinalikan ako sa magkabilang pisnge ng kambal.



"Good morning din mommy."



"Good morning honey." Lumapit din si YeonSeok at hinalikan ako sa lips.



"Hinahanap kita kanina pag gising ko..."



"Nako namiss ako ng misis ko..." Nasa likodan ko sya ung likod ko nakasandal sa dibdib nya.



"Tumigil ka nga dyan."



"Bakit ayaw mo bang maging misis ko?" Napaisip ako sa sinabi nya. Handa na ba talaga ako magpakasal muli.?? Natatakot kasi ulet ako. Parang natrauma na ako sa salitang kasal.



"Hindi naman... "



"Ayun naman pala tara pakasal na tayo..."



"Sira ulo.. Tara na nga sa baba. Baka hinahanap na tayo ng mama mo. Tara na mga anak at kumaen na tayo ng almusal."



Pag baba namin unang tao na nakita ko ay si Chanyeol. Di ko maiwasan na di sya tignan, yung suot nya yun ung binigay ko sa kanya noong mag asawa pa kami. Peste talaga tong lalaking to. Tumuloy ako sa kusina at naabutan kong nagluluto sila Luhan at Kyungsoo.



"Gising na pala yung prinsesa." Bati sa akin ng buteteng buntis na si Kyungsoo.



"Ang haba ng hairlalu mo kahapon baklang two....pinag aagawan ng past and present." Biro sa akin ni Luhan.


"Magsitigil nga kayo. Walang agawan na magaganap. Mahal ko si YeonSeok period."



"Talaga ba? Kasi sa mga kinikilos mo mukhang may something ka pa sa ex husband mo."



"Ano bang pinagsasabi mo...?"



"Hindi ka komportable na magkasama yung ex and present mo. Then minsan nakikita kitang sumulyap kay Chanyeol."



"Wag mo nang bigyan ng malisya yun. May mga mata ako malamang makikita at makikita ko sya."



"Sus wag ka nang pilosopo... Pero mas ok na si YeonSeok na ang makatuluyan mo. Alam kung mahal na mahal ka nya." Sabi ni Kyungsoo




"Oo nga... Mahal na mahal sya ni YeonSeok tignan mo yung leeg niya. Puro love mark... Minarkahan na ni YeonSeok yung pagaari nya. " nagulat ako sa sinabi ni Luhan at bigla akong tumakbo papuntang kwarto. Pero di pa ako nakakarating sa kwarto nakabungo ko si Chanyeol. Tumalsik ako dahil sa pagkakabunggo namin at napaupo ako.





"Baek ok ka lang?" Pag aalala nya.  Tumango ako bilang pag sang ayon at dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang kwarto. Pagdating  ko ng kwarto agad akong nagpunta ng banyo at tinignan ko yung leeg ko. Ang dami ngang love mark na nilagay ni Yeonseok... Kaya kinuha ko ung concelear at nilagyan ito.






"Honey... Andyan ka ba sa banyo?" Binuksan ko ito at pumasok.




"Kanina pa kita hinahanap. Bakit ka ba nagpunta dito."




Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon