Chapter 11

536 23 1
                                    

Baekhyun's Pov



Pagkauwi namin ng bahay dumeretcho kami sa kwarto ng kambal at pinalitan ko sila ng pangtulog.



"Mommy bad yung mommy ni Samsam." Napatigil ako sa pag papalit ng damit ni Sky dahil sa sinabi ni Cloudy. Nako anak ang panget talaga ng ugali ng impaktitang yun, gusto ko sanang sabihin sa kambal pero wag na lang. Di naman nila ikakayaman yun kung malaman nila. Nagpipigil lang talaga ako kanina na saktan sya. Kung wala lang mga bata sa paligid kinalbo ko na sya eh.




"Oo nga eh. Ang bad nya, buti na lang mabait ka sa amin mommy kahit di mo po kami tunay na anak." Alam nila na di ko sila tunay na anak. Pagtungtong nila ng 5years old pinaliwanag namin ni YeonSeok na hindi ko sila tunay na anak. Na patay na yung totoo nilang nanay. Alam namin na bata pa sila para malaman yung bagay na yun. Pero mas maganda pag maaga pa lang alam na nila ang totoo. Laking pasalamat ko na lang na kahit bata pa sila matured na sila mag isip. Nanay pa din ang turing nila sa  akin. Kaya mahal na mahal ko yung mga batang yun.




"Halika nga kayong dalawa."lumapit sila sa akin at niyakap ko sila ng mahigpit. "Kahit di kayo nanggaling sa tummy ko mahal na mahal ko kayong dalawa. Anak na ang turing ko sa inyo. Kayo ang nagpuno ng kakulangan sa buhay ko." At pinaliguan ko sila ng halik.




"We love you po mommy." Sabay nilang sambit at pinaliguan din nila ako ng halik.





"Mahal ko din kayo mga anak.. Teka magluluto muna si mommy.. Alam ko nagutom na kayo. Tutulungan nyo ba ako mag luto?" Tumango naman ung kambal bilang pagsangayon.  At sabay sabay kaming bumaba papuntang kusina.




Pagkababa namin sa kusina sumampa agad ung kambal sa may counter. Habang ako nilalabas yung mga sangkap sa pagluluto. Tinolang manok yung lulutuin ko. Favorite kasi yun ng kambal. Maya maya nag ring ang cellphone ko.





"Cloudy paki kuha ung cellphone ni mommy sa sala." Agad naman tumakbo papuntang sala si Cloudy at kinuha ung cellphone. Si YeonSeok pala ung tumatawag. Video call to be exact.






"Mommy si Daddy po tumatawag,"







"Sagutin mo nak. Nagluluto pa si mommy." Agad naman nila ito sinagot at bumugad ung napaka gwapo kong boyfriend.





"Hello daddy...." Bungad ng kambal






"Hey buddies... Kamusta na kayo? Miss ko na kayo."




"Daddy... Alam mo po pumunta kami sa bahay nila tito Chanyeol. Kasi ininvite kami ni samsam mag swim sa kanila. Ang laki po ng swimming pool nila. Tapos po ang daming foods ang niluto ni tito Chanyeol kaso di kami kumaen..." Nako naman Cloudy bakit ang daldal mo...






"Bakit naman?"





"Kasi po dumating ung mommy ni samsam tapos pinalo nya si Sky" pagtinamaan nga naman ng kadaldalan tong batang to. Lagot ako nito.






"Ano?.. Wheres your mom? Can you give the phone to him?" Sabi na eh. Kinuha ko yung phone at pumunta ako ng sala.








"Hi honey..." Bungad ko.





"What happen?bakit nasa bahay kayo ng ex mu? Anung ginawa ng asawa ng ex mo sa anak ko? What!" Halatang galit sya sa tono ng boses nya.




"Nasira kasi ung kotse ko nung Martes then nag magandang loob si Chanyeol na ihatid ako sa school ng mga bata...." Di pa ako tapos magsalita bigla syang sumingit.





"Bakit di ka nag taxi papuntang school ng mga bata? Bakit kay Chanyeol ka pa sumama."





"Di pa ako tapos mag explain ok. Wag ka munang magalit dyan. Sinubukan ko mag taxi or mag grab pero wala akong nakuha kahit isa. Kasi rush hour na yun. At baka nag hihintay na yung kambal sa school nila. At nagmagandang loob si Chanyeol na ihatid ako. Eh dun din pala nag aaral yung anak nya kaya pumayag na ako. Tapos nun nagkakilala ung kambal at ung anak nya at inivite ni samsam yung kambal para magswimming sa kanila."





"Bakit di ka tumanggi?"






"Paano ako tatanggi kung dradramahan ka ng mga anak mo para lang payagan sila mag swimming wala na ako nagawa at pumayag na ako. Tapos nun dumating ung malditang asawa ni Chanyeol. Natapunan ng juice na dala dala ni Sky ayun napalo nya. Pero agad ko naman sya pinagsabihan. Kung wala nga lang mga bata dun nasabunutan ko na yung bruhang yun pesteng un."





"Okay naman ba yung mga bata?"





"Oo okay naman sila. Nakauwi na din kami. Bukas pupunta kami dyan susuprise namin si Luhan. "




"Okay."





"Galit ka pa ba? Sorry kung di ko nasabi sa iyo yun. "




"Hindi naman ako galet eh. Sabihin na lang naten na na treathen ako kay Chanyeol. Kasi magkasama kayo baka kasi maagaw ka nya sa akin."




"Sus in short nagseselos ka?"




"Ganun na nga. I really love you Baekhyun. Pero pag may naramdaman ka ulet sa kanya sabihin mo sa akin para mapaghandaan ko yung araw na iiwan mo ako at sasama ka sa kanya."




"Ano ba yang pinagsasabi mo? Wala na akong pagmamahal sa kanya. Naubos na dati. Sa iyong sayo lang ako tandaan mo."




"I love you...."



"I love you too YeonSeok." At natapos ung usapan namin ni YeonSeok at pumunta ako sa kusina at tinignan yung niluluto ko.






YeonSeok

"Ganun na nga. I really love you Baekhyun. Pero pag may naramdaman ka ulet sa kanya sabihin mo sa akin para mapaghandaan ko yung araw na iiwan mo ako at sasama ka sa kanya." Natatakot ako na baka isang araw iwan na lang ako ni Baekhyun. Sa totoo lang nung sabihin nya sa akin na gusto nyang pumasok sa opisina nag aalangan ako kasi alam ko na magkikita at magkakasama ulet sila ni Chanyeol.
Pero kailangan kong maghanda sa maaring mangyari.




"Ano ba yang pinagsasabi mo? Wala na akong pagmamahal sa kanya. Naubos na dati. Sa iyong sayo lang ako tandaan mo." Sana hanggang sa huli sa akin ka lang at hinding hindi mo ako iiwan. Dahil mahal na mahal kita.




"I love you...."



"I love you too YeonSeok."  At binaba na nya ung phone.

………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon