Chapter 12

586 24 4
                                        

Baekhyun's pov

Maaga akong nagising dahil ngayon kami pupunta sa bahay nila YeonSeok. Sinabihan ko na din sila Kyungsoo na susupresahin namin si Luhan. Sabi ko sa kanya na aalis kami ng maaga. Kaya nagtxt ako kay Kyungsoo na mag convoy na lang kami, sa may nlex. Nasa Pampanga lang naman ung bahay ng mama nya. Nagtxt na din ako kay YeonSeok na papunta na kami. Di pa kasi alam ni Luhan na si Yeonseok ang boyfriend ko.



Ginising ko na din yung kambal. At bumaba ako para makapagprepare ng almusal at babaunin namin sa byahe. Naku madaling magutom tong mga batang ito. Kaya palaging may pagkain kaming dala pag nagbyabyahe kami lalo na pag malayuan. At saka 1st time nila makita yung lola nya. At mga pinsan nila kayla Luhan at Sehun. Medyo kinakabahan ako sa totoo lang.




Pagkatapos namin mag almusal pinaliguan ko na sila sa mga yaya nila habang nilalagay ko yung mga bag namin pati ung mga pagkain na inihanda ko. Kailangan ko din bumili ng regalo para sa mama ni Yeonseok. Nagtxt ako kay honey tinanung ko sya kung anu ang pwede kong iregalo sa mama nya. Ang sagot nya wag na daw magregalo. Alam ko na bulaklak na lang ang ibibigay ko. Ang sabi kasi dati ni honey na mahilig sa bulaklak yung mama nya kaya bibilhan ko na lang sya pag dumaan kami ng flower shop.




Makalipas and dalawang oras nakarating din kami sa masyon ng mga Oh. Indeed mayaman ang pamilya nila. Pinauna ko na sila Kyungsoo na pumasok sa loob then papalabasin nila si Luhan na may piring. Mga ilang minuto lang nakita ko na sila na palabas. Si Kyungsoo ang nag guguide kay Luhan then nasa likodan niya si Sehun at Kai.




"Ano ba buntis ano ba kasi yung sinasabi mong suprise at kailangan pang mag piring?"




"Gaga suprise nga eh... Bakit ko sasabihin." Tawang tawa ako sa dalawa kong bestfriend, "ready ka na?"





"Oo ready na..." Binitawan na nya si Luhan at lumapit sa akin hinila nya ako papuntang likodan ni luhan. Pagkaalis ng piring ni Luhan ang nakita lang nya ay ang kambal at si YeonSeok.





"Sino sila?" Tanong nya.





"Mga anak ko...." Sagot naman ni YeonSeok





"At anak ko din...." Bulong ko sa kanya at agad syang napalingon sa akin at nanlaki ung mata nya ng makita ako.




"Baekhyun.....!!" Sigaw nya at yakap sa akin! Namiss ko sya ng sobra!





"I missed you so much Luhan.." Umiiyak na kaming dalawa.





"Miss na miss na din kita. Saan ka ba nagpunta? Bakit di ka man lang nagparamdam ng 4 na taon? Bakit ngayon ka lang nagpakita..." Ang dami pa nyang sinasabi pero di ko sya sinagot bagkus niyakap ko na lang sya ng mahigpit. At maya maya naramdaman ko na niyakap na din kami ni Kyungsoo na umiiyak na din.





"Tama na yan honey pasok na tayo sa loob." Sabat ni Yeonseok




"Teka... Asawa mo ung Kuya ni Sehun? At may anak na kayo?" Tanong ni Luhan.





"Small world diba. Hahahaha Sky and Cloudy eto si tita Luhan nyo ang asawa ng kapatid ng daddy nyo si tito Sehun. Mag bless kayo." at lumapit ung kambal kay Luhan at nag mano.




"Ay matutuwa si Seth at Luna dahil makikilala na nila ung pinsan nila. At para may kalaro sila tara na." Binuhat ni Luhan si Sky samantalang si Sehun naman ang bumuhat kay Cloudy. At sumunod na din ung mag asawang Kai at ang buteteng buntis na si Kyungsoo.





Natira kami ni YeonSeok sa labas dahil kinuha namin ung mga gamit at binigay sa mga helper sa mansyon. At ako naman dala dala ung orchid na binili ko sa flower shop bago kami pumunta dito.



Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon