Baekhyun's pov
"...BYUN BAEKHYUN WILL YOU MARRY ME?" Isang simpleng tanong pero bakit hirap sagutin. Tinignan ko si YeonSeok na nag hihintay ng aking kasagutan. Pati na din yung kambal at ang mga kaibigan ko. At napadako ang mata ko kay Chanyeol. Nakatitig sya sa akin at tila bang nangungusap ang mga mata na wag pumayag sa kasal.
"Mommy... Daddy is waiting for your answer?" Sambit ni Sky.
"Yes... Honey... Magpapakasal ako sa iyo." Ngumiti si YeonSeok at sinuot yung singsing sa daliri ko. At tumayo sya at hinalikan sa labi. Kitang kita ko yung saya sa bawat tao na nasa party. Except sa isang tao. Kitang kita ko sa mga mata nya ang kalungkutan. Shet.. Bakit ako naaapektuhan.
"Thank you everyone.. At naging part kayo ng proposal ko. Thank you din hon at tinanggap mo ito. Promise ko na di ka mag sisisi na pakasal sa akin. Dahil gagawin kitang reyna ng mansyon ko. Kasalanan na.. Hahaha" pagkatapos nya magsalita binigay nya sa akin yung microphone.
"Ayun maraming maraming salamat sa inyong lahat. At lalo na sa pinakamamahal kong fiancee..." At hinalikan ako ni YeonSeok sa labi.
After ng proposal mas naging mailap sa akin ni Chanyeol. Pag nakakasalubong ko sya sa opisina feeling ko iniiwasan nya ako. Pag nag meeting kami lagi syang mainit ang ulo parang palaging problemado. Di ko alam kung bakit ako naaapektuhan sa mga kinikilos nya. Dapat nga maging masaya ako pero iba ung nararamdaman ko. Nagsimula ito nung nagkiss kami.
"Knock knock pwedeng pumasok?" Nagbalik ako sa ulirat ng pumasok sa opisina si Luhan.
"Uy bakit ka napadpad dito?"
"Masama bang dalawin ung bride to be kong kaibigan?"
"Hahaha baliw ka talaga. Maupo ka dyan teka anu gusto mo? Coffee, softdrinks or tea?"
"Syempre coffee.. Anu ka ba?? Ang tagal na naten magkaibigan di po pa ba kabisado."
"Hahahaha oo alam ko naman yun. Malay ko ba kung nag iba na yung taste mo. Nga pala baket ka nga andito?"
"Sinamahan ko kasi si Sehun nagpunta sya kay Chanyeol. Kasama nya ung abogado para sa annulment nila ni Nana. At para mapunta ung custody ni Samsam sa kanya."
"Ah...okay."
"Teka baket ganyan ung mukha mo?"
"Baket ano meron?"
"Baket ang lungkot ng mukha mo?"
"Kasi naaawa ako sa bata. Sa murang edad nararanasan na nya ito ung pag hihiwalay ng magulang. At saka naawa din ako para kay Chanyeol. 2x na syang na annul.."
"Teka... Teka... Bakit ung tono mo parang concern ka sa kanya? Sa pag aakala ko sukdulan yung galit mo sa kanya."
"Oo may galit pa din ako sa kanya kaso bilang tao naaawa ako sa kanya."
"Yun ba ang dahilan? O may iba pa? Magtapat ka nga mahal mo pa din sya?"
"Baliw ka talaga... Ikakasal na ako kay YeonSeok.. Sya ang mahal ko."
"Hahahahahaha kahit kelan talaga di ka marunong mag sinungaling. "
