Chanyeol's POV
Iyak lang ng iyak si Baekhyun habang nasa biyahe kami pabalik ng Manila, di ko sya makausap. Katxt din nya si YeonSeok nakikibalita sa lagay ng bata. Kaya hinawakan ko yung kamay nya habang nag dridrive ako. Ayoko na makita syang umiiyak, lalo na malapit sa kanya ung bata.
"Chanyeol bilisan mo kailangan ako ng anak ko."
"Relax ka lang babe. Di sya papabayaan ng mga doktor sa hospital."
"Chanyeol ayoko na ulit mamatayan ng anak, baka di ko kayanin." At humagol-gol na sya. Kaya itinigil ko muna yung sasakyan para pakalmahin sya. Niyakap ko sya ng mahigpit at pinapakalma.
"Babe wag ka nang umiyak. Alam ko naman na makakaligtas si Sky. " tumango lang sya pero bakas pa din yung lungkot sa kanyang mga mata.
Hanggang sa makarating kami sa hospital na pinagdalhan kay Sky. Agad agad kaming pumasok sa hospital at nag tanong kung saan ang kwarto ni Sky.
"Nurse... Anong room Si Sky Yoo. "
"Family lang po ang pwedeng pumasok."
"Anak ko sya nanay nya ako, please.."
"Ay Mrs. Yoo Sa may ICU po sya ngayon unsta...." Di pa tapos mag salita yung nurse at kumirapas na ng takbo si Baekhyun.
"Ms. Anung floor yung ICU?"
"Sa 3rd floor po."
"Salamat." At kumaripas na din ako ng takbo at hinabol ko si Baekhyun.
Pag dating namin sa ICU, andoon ang pamilya ni YeonSeok. Si tita pati si Sehun at Luhan. Si YeonSeok nasa loob at binabantayan si Sky na maraming tubo na nakabit sa katawan.
"Baekhyun.. " Sambit ni Tita. Lumapit si Baekhyun kay tita at niyakap sya. At muling bumuhos ang luha ni Baekhyun. Samantalang nilapitan ako ni Sehun na takang taka kung bakit kami mag kasama ni Baekhyun.
"Chanyeol hyung? May dapat ba akong malaman?" Bulong nya.
"Wag muna ngayon Sehun. Sasabihin ko sa iyo pag medyo ok na ang sitwasyon. Ano bang nangyari? Nahuli ba yung sumagasa sa bata."
"Papasok na sila ng school tapos may sasakyan mabilis magpatakbo dapat si Cloud yung masasagasaan pero tinulak ito ni Sky para di sya masagasaan pero kapalit nun sya yung tinamaan ng sasakyan. Hit and run ang hinala nila. Pero sa tingin ko sinadya yun. Kasi marami namang mga bata that time pero bakit parang ung kambal ang puntirya."
"Naplakahan ba?"
"Ang sabi ng mga testigo. Walang plate number yung sasakyan. Itim lang na kotse yung nakita nilang nag patakbo ng mabilis pagkatapos sagasaan yung kambal."
Itim na sasakyan? Parang pamilyar yung insidenteng to. Di ko alam kung nag kataon lang yung pangyayari dati sa pangyayari ngayon. Pero malakas ang pakiramdam ko na may connect to sa nakaraan. Pero di ko alam kung ano ang motibo. Nagpaalam ako sa kanila at umuwi sa bahay.
Baekhyun's POV
"Anak andito na ko." Pagkatapos ko mag suot ng mask at lab gown at makapag dis infect pumasok na ako sa ICU. Nakakaawang tignan na maraming nakakabit na tubo sa anak ko. Di nya diserve ang sitwasyon nya ngayon. Napaiyak na lang ako sa nakikita ko. Parang nanumbalik yung mga panahon nung pinanganak ko si Byul. Ayoko na maulit yun. Di ko na kakayanin kung mawawala pa si Sky sa akin. Kahit na di sya nangaling sa akin pero sa puso ko anak ko sya.
