Chapter 10

553 25 9
                                    

Nana's Pov


Pagbalik ko ng Manila agad kong tinawagan si Chanyeol. Pero walang sumasagot sa cellphone nya. Kaya tinawagan ko yung opisina nya baka kasi busy sya sa work nya. Pero ang sabi ng secretarya nya wala si Chanyeol sa opisina, pinacancel din daw yung mga meetings nya for today. Himala at di sya pumasok at pina cancel yung mga meeting nya for today. Kaya nagpaderetcho na lang ako sa bahay namin.



Pagpasok ko sa bahay may batang tumatakbo at nabangga ako. Tumapon yung dala dala nyang juice.



"Lintik kang bata ka!!! Tignan mo yung ginawa mo sa damit ko!!! Kakabili ko lang nito!! Ang mahal mahal nito tapos tatapunan mu lang ng juice!!!" Umiyak bigla yung bata. Pinalo ko sya sa sobrang inis ko. Katulad sya ni samsam na sobrang iyakin. Kaya ayoko ng bata eh. Binuhay ko lang si samsam para bumalik sa akin si Chanyeol. Pero wala akong pakielam sa batang yun.





"Hoy wag mong saktan yung anak ko..."




"Eh ang tanga..... Baekhyun?" Nagulat ako ng makita ko si Baekhyun na nasa pamamahay ko.




"Nana...."



"Anong ginagawa mo dito?" Nilapitan nya yung bata binuhat at pinunasan yung luha.



"Nana?" Lumingon ako sa pintuan at nakita ko si Chanyeol.




"Anong ibig sabihin nito??bakit andito si Baekhyun?? Bakit kayo magkasama??? Bakit!!!" Galit na galit na ako.. Pagkauwi mo galing sa ibang bansa ganito ang madadatnan ko. Yung asawa ko kasama nya yung ex husband nya.




"Mama.." Sigaw ni samsam lumapit sya sa akin pero hinawi ko sya at natumba sya.





"Nana!!!! Ano ba!!anak mo yan!" sabi ni Chanyeol lumapit si Chanyeol sa bata at binuhat ito. Umiiyak na din ung lintik na batang yun.






"Ano ba!! Tumigil kawna sa pag iyak mung yan.." Sigaw ko kay samsam."At ikaw bakla ka umalis ka sa pamamahay ko. Isama mo yang mga impaktong mga anak mo!!"



"Mas impakto ka. Bago ka mag wala tanungin mo muna asawa mo kung bakit kami andito. Tara na mga anak umalis na tayo sa bahay ng bruha."



"Grrr.... Nakakainis ka!!" Paalis na sila ng lumingon ulit si Baekhyun






"Kawawa ang pamilya mo sa iyo."





"Wala kang pakielam."






"Baekhyun sandali.." At talagang pipigilan nya pang umalis ung kabit nya.





"ANO? HAHABULIN MO PA YUNG KABIT MO!" Hinawakan nya ako sa braso. Kitang kita ko yung galit sa mga mata nya.



"Namumuro ka na. Maguusap tayo mamaya."








Chanyeol's Pov




"Baekhyun... sandali." Lumabas ako at sakto paalis na sila. Pinapunta ko muna si samsam sa kwarto nya.





"Bitiwan mo ako."




"Baek im sorry sa mga ginawa ni Nana."


"Saktan nya na ako wag lang yung mga anak ko."



"Im sorry."


"Ipaliwanag mo sa baliw mong asawa kung bakit kami andito. "



"sorry." At umalis na sila ng bahay.


Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Nana na nasa sala nakaupo.


"Oh umalis na ba ung kabit mo?" Nagpanting yung tenga ko kaya nilapitan ko sya hinawakan sa braso ng mahigpit.



"Aray.. Nasasaktan ako."



"PAgod na pagod na ako sa iyo Nana. Kaya andito sila Baekhyun dahil inimbita ng anak mu na mag swimming yung mga anak nya. Dahil nalulungkot yung anak mu dahil wala syang kaibigan.. Pati ung nanay nya na dapat mag alaga sa kanya wala."




"Eh ayoko nga sa batang yan. Dapat pala pinalaglag ko na yan tutal nakuha naman na kita..." Di ko na pinatapos ung sinasabi nya at nasampal ko sya ng malakas.


"Wala kang kwentang ina.. Pagod na ako sa iyo mag hiwalay na tayo."



"Bakit? Dahil ba andyan na lintik na Baekhyun na yan?"



"Di na kita mahal. Matagal na kitang di mahal. Mas mahal ko si Baekhyun sa iyo."



"Please love dont leave me. Please gagawin ko ang lahat.. Magpapakananay ako kay Samsam.. Bibitawan ko na yung modeling career ko wag ka lang mawala. " pilit nya akong niyakap pero nagpupumiglas ako.

"Bitawan mo ako Nana." Nang maialis ko yung mga kamay nya pumunta ako sa kwarto pero nakita ko si samsam na umiiyak sa isang sulok.




"Daddy di ako love mama!!" Naawa ako sa bata dahil narinig nya yung mga sinabi ng nanay nya. Binuhat ko sya at pinunta sa kwarto nya.




"Pero love na love kita. Wag ka nang umiyak ha. Ganito na lang aalis tayo ngayon pupunta tayo sa malayo."




"Wag sama mama kasi palo nya ako. Gusto ko sama tita bikhyun pati kuya sky and kuya cloud."



"Sige dyan ka muna ha." Tumango naman sya at lumabas ng kwarto ni samsam. Dumeretcho na ako sa kwarto at kinuha ung maleta at nag hakot ako ng gamit ko.

"Please love wag mo akong iwan." Pero di ko sya pinakinggan at nagpatuloy ako sa pag impake. "Aalis ka talaga..."




"Oo"




"Sige lumayas ka... Magsama kayo ng kabit mo. Magsisisi ka. Babagsak yung kumpanya mu. Sasabihin ko sa daddy ko ipull out nya ung shares nya. At pati yang Baekhyun ay maghihirap din." Natigil ako sa pag iimpake ng sabihin iyon ni Nana.




"Wag na wag mong idadamay si Baekhyun. Kundi mananagot ka sa akin. At kung gusto mo akong isumbong sa tatay mo go ahead. Wala akong pakielam kung i pull out nya yung stocks nya na ininvest nya sa kumpanya. " matagal ko na itong pinag handaan. Sobrang nag boom yung sales ng kumpanya ko. Nasa top 1 ito as best company in Asia. Marami ang gustong mag invest. Di mapipilayan yung Park company kung ipull out ng tatay ni Nana yung share nya. At saka may nalaman ako na ginagamit nya yung kumpanya ko para sa mga masamang transaction nya. May mga ebidensya na ako laban sa kanya pero mas maganda kung mahuhuli sila sa acto para walang kawala.


Pagkatapos kong mag impake dinaanan ko si Samsam sa kwarto nya at binuhat papuntang kotse. Dun muna ako sa dati naming bahay ni Baekhyun.di ko yun pinag bili marami akong magagandang memories ang andun. Palabas na kami ng gate ng humabol si Nana at kinakalampag yung kotse. Pero di ko sya pinansin at tuluyang umalis.



Eto na ang simula ng panibagong buhay ko kasama ng mga taong mahal ko. At isa na dun ang pagbuo ng pamilya ko kasama si Baekhyun.

…………………………………………………………………………………………

Oh……palaban na si Yeol
Ang tanung mapaibig nya kaya ulit si Baekhyun

Abangan……

Abangan……

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon