Chapter 16

498 20 2
                                    

Baekhyun's pov


Ilang buwan na ang makalipas at ganun pa din ang pakikitungo sa akin ni Chanyeol. Nag iiwasan pa din kami pag nasa opisina. Di na din sya pumupunta sa bahay ng mga Oh pag iniinvite sya ni mama. Pinapasundo na lang nya si Samsam kay Sehun. Na annul na pala ang kasal nila Nana. At napunta sa kanya yung custody ni Samsam. Pero si Nana talagang may saltik habol pa din ng habol kay Chanyeol. Minsan nakikita ko sya sa lobby na kinakaladkad ng guard palabas Di na sya nahiya.



Papasok na ako ng kumpanya ng may sumabunot sa akin.


"Ano masaya ka na at annuled na ang kasal namin ni Chanyeol?" Pag tingin ko si Nana





"Aray... Teka nasasaktan ako.."




"Ano bang sinasabi mo?"




"Ng dahil sa iyo nasira ung pag sasama namin. Ikaw ang nang agaw sa asawa ko!" Di na ako nakapagpigil at nakalmot ko yung mukha nya.




"Ouch...my face... You fucking bitch..." At sinugod nya ulet ako. Pasalamat na lang ako at may mga guard na umawat sa amin.





"Nababaliw ka na Nana. Di ako ang dahilan kung bakit ka hiniwalayan ng asawa mo. Walang ibang dapat sisihin kundi ikaw, pabaya kang asawa at higit sa lahat wala kang kwentang ina sa anak mo. "





"Malandi kang bakla ka. Mabuti na lang at namatay yung anak at nanay mo!" Nagpanting ung tenga ko sa sinabi nya. Bakit kailangan idamay ang anak ko at ang nanay ko. Kaya kumawala ako sa guard na humahawak sa akin at sinabunutan at pinagsasampal si Nana.  Wala akong pakielam kung mamatay sya. Hanggang sa may umawat sa amin.




"Baekhyun ok ka lang?" Si Chanyeol





"Bitawan mo  ako ilayo mo sa akin yang baliw mong asawa. At ikaw babaeng baliw tignan mo muna yung sarili mo bago ka mambintang. Unang una di ko inagaw sa iyo si Chanyeol dati. Iniwan mo sya para sa pangarap mo. Pangalawa ikaw ang umeksena sa amin dati na naging dahilan ng pagkawala ng anak at nanay ko at huli wag na wag mong idadamay ang anak ko sa usapan. Kundi magkakamatayan tayo." Nakita ko na kinaladkad sya ni Chanyeol palabas ng kumpanya.




Pagpasok ko sa opisina nag ayos ako ng buhok ko at yung damit ko.




"Mae bigyan mo nga ako ng yelo at pagtimpla mo din ako ng kape please kailangan ko lang kumalma." Utos ko sa secretarya ko. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.
Maya maya dumating na ung kape ko pero si YeonSeok yung nagpasok sa opisina.





"Honey are you okay? Anung ginawa sa iyo ni Nana? Nasaktan ka ba,?" Sunod sunod na tanung ni YeonSeok.





"Ok na ako hon. Sinumpong ng kabaliwan si Nana kaya sinugod ako. Takot sa sariling multo."






"Kailangan natin sampahan ng kaso si Nana para magtigil."





"Wag na hon. Masasayang lang ang oras natin sa baliw na yun."






"Sige. By the way dont forget na may fitting tayo mamaya para sa suit na susuotin natin sa wedding wag mong kalimutan. Magkita na lang tayo sa botique may meeting pa kasi ako before nun."





"Okay."







"Bye honey." At hinalikan nya ako sa labi at umalis ng opisina.



Samantalang nilagyan ko ng yelo yung mukha ko medyo makirot dahil sa pagsampal sa akin ng bruhang baliw na yun.









Chanyeol's Pov



"Mr. PARK yung asawa nyo po nag iiskandalo po sa lobby at sinasaktan po si Mr. BYUN." Napatigil ako sa pagpirma ng mga dokumento ng marinig yung sinabi ng secretarya ko. Agad agad akong lumabas ng opisina patungo sa lobby. Pag dating ko dun agad ko silang nakita nag sasakitan. Kaya kinuha ko si Baekhyun para awatin sya palayo kay Nana.




"Baekhyun ok ka lang?" Sambit ko pero nag pupumiglas sya.




"Bitawan mo ako ilayo mo sa akin yang baliw mong asawa. At ikaw babaeng baliw tignan mo muna yung sarili mo bago ka mambintang. Unang una di ko inagaw sa iyo si Chanyeol dati. Iniwan mo sya para sa pangarap mo. Pangalawa ikaw ang umeksena sa amin dati na naging dahilan ng pagkawala ng anak at nanay ko at huli wag na wag mong idadamay ang anak ko sa usapan. Kundi magkakamatayan tayo." Nabitawan ko sya at kinaladkad ko si Nana palabas ng kumpanya.






"Ano ba Chanyeol nasasaktan ako aray .." Pero mas hinigpitan ko pa ang pag hawak sa braso nya. At ng makarating kame sa parking lot binuksan ko ung pinto ng kotse ko at pinasok sya.






"Anong kabaliwan yang pumasok sa utak mo at sinaktan mo si Baekhyun? Nanahimik yung tao tapos sasaktan mo."




"Tama lang sa kanya yun. Sya ang dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin." Gusto ko syang sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahet paano babae pa din sya at ginagalang ko yun.




"Walang kasalanan si Baekhyun kung bakit ako nakipaghiwalay sa iyo. Isa lang ang sagot ko dyan dahil di kita mahal. Tapos na yung pagiging puppet ko sa inyong mag ama. Kaya sa susunod saktan mo pa si Baekhyun ako na ang makakalaban mo. Naiintindihan mo?"




"Ganun mo ba sya kamahal? Na isasakripisyo mo ang sarili mo maging ligtas lang sya."




"Higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko kay Baekhyun."



"Di kayo magiging masaya. Ikakasal na sya sa iba at ikaw mapupunta pa din sa akin. At magsasama tayo habang buhay... Tandaan mo yan. Park Chanyeol.. Hahahahaha" At umalis na sya ng kotse.


"Baliw ka na Nana. HINDING HINDI mangyayari yun."




Minsan ang pagmamahal ay nakakasakal. Katulad ng nangyari kay Nana. Basta ang mahalaga sa akin ang kaligtasan ni Baekhyun. Kahit di man kami magkatuluyan hanggang sa huli proprotektahan ko sya sa abot ng makakaya ko dahil Mahal na mahal ko siya.




………………………………………………………………………………………
Nako naman Nana wag na epal... Hahahaha

Chanbaek no more na kaya???

Abangan...

Abangan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon