Baekhyun's Pov
Ngayon yung 5th death anniversary ni Mama at ng anak ko. Kaya dadalaw ako ngayon sa puntod nya. Masakit pa din sa akin ang pagkawala nila lalo na sa anak ko. Na di man lang nasilayan yung ganda ng mundong ibabaw.
Taon taon akong pumupunta dito sa puntod nila. At madalas gabi ako dumadalaw. Dahil alam ko na dumadalaw din si Chanyeol sa puntod ng anak namin. That time ayoko na magkita kami dahil mas masakit pag nakikita ko sya. Bumabalik yung sandaling yun. Alam ko na dumadalaw sya dahil may mga fresh flower na nasa puntod ng nanay at anak ko. Minsan may mga laruan or stuff toy sa puntod ni Byul at alam kong kay Chanyeol galing yun. Pero ngayon mas pinili kong maagang pumunta doon.
"hon are you sure na ayaw mong samahan kita?" Nasa kusina kami ni YeonSeok. Nag hahanda ako ng dadalhing pagkain kay mama,papa at kay Byul.
"Yes Honey..I can manage it. Dont you worry. At saka walang maiiwan sa mga bata at mamaya may meeting ka pa mamayang hapon diba?" Madalas kasi si YeonSeok ang kasama ko pag pumupunta sa puntod nila mama. Pero ngayon mas minabuti kong ako na lang mag isa mag punta. Sakto naman na may meeting sya ng araw na yun.
"Okay.. Basta tawag tawagan mo ako ha. Pag nakarating ka na sa Batangas."
"Oo naman."
"Magdala ka na din ng payong mukhang uulan. Nabasa ko sa news paper na may parating na bagyo. Keep safe honey."
"Opo. Sige na.. Ready na to. Kukunin ko lang yung pasalubong ko kay Byul. Ung susuotin mo mamaya sa meeting mo nakahiwalay na. Nasa may kama ok. Yung mga bata pakainin mo ng breakfast. Wag mo muna silang pakainin ng chocolate or mga chitchirya hanggang di pa sila kumakain ng kanin ok. "
"Opo mommy. "
"At saka paliguan mo yung kambal wag masyadong magbabad sa tubig baka mag kasakit yung bata maliwanag???"
"Aye Aye Captain... ingat sa pag drive" at hinalikan sya sa labi.
Makulimlim ang panahon habang nasa byahe ako, wag sana umulan para di maputik sa dadaanan papunta sa puntod ni Byul. At saka hindi masaydong traffic sa daanan kaya after 2 hours nakarating na ako sa cementeryo. habang naglalakad ako papunta sa puntod niya may naaninag akong tao na naka upo sa harap ng puntod ng magulang at anak ko. At hindi ako nag kamali si Chanyeol iyon . Inaalis niya yung mga damng ligaw na nasa puntod ng anak namin
"Hi anak... andito ulit si daddy , kamusta ka? sorry hindi ko nasama si Samsam. Nasa tita Yoora nyo sya.Di bale next week pupunta ulit kami dito at isasama ko sya para kwentuhan ka niya ng mga pangyayari sa buhay niya alam kong na miss mo na yun, at saka Eto pala may dala ulit akong laruan para sa iyo. Binili ko yan alam kong magugustuhan mo yan. sorry nga pala nak kung madalang na ako dumalaw sa iyo, maraming gawain sa opisina si Daddy eh, pero hayaan mo babawi ako sa iyo. At saka nga pala nak bumalik na si Papa Baekhyun mo. Ang ganda pa din niya, pero ikakasal na siya sa iba. Sorry anak kung sana hindi ako naging mahina dati sana ngayon masaya tayong namumuhay bilang isang masayang pamilya. Pero gago at mahina si Daddy, hinayaan ko kayo mawala. Pero masaya ako para sa kanya kahit na hindi ako ang dahilan ng hapiness niya ngayon.Alam ko naman na mabuting tao yung mapapangasawa ng papa Baekhyun mo, at hinding hindi niya sasaktan yung Papa mo. at mahal na mahal ko pa din siya kahit ayaw nya akong paniwalaan.... "
Habang pinanapakinggan ko siya na kausapin ang anak namin tuloy tuloy lang yung agos ng luha ko. Hanggang sa nakita ko na siyang umiiyak sa harap ng puntod ng magulang ko.
"Mama, Papa im so sorry po sa ginawa kong pananakit sa anak niyo. Pinagsisihan ko na po yun at eto na po yung kabayaran sa mga maling desisyon na nagawa ko noon. Patawarin niyo po sana ako...."
