Baekhyun's Pov
Halos 3 weeks na nasa ICU si Sky. Araw araw may improvement sa kondisyon nya. Ang sabi ng doktor lumalaban yung bata. Kaya hinihintay namin syang magising. Binibigyan kami ni Sky ng pag asa na lumaban. Pero nung isang araw inilipat na sya sa regular room. Wala naman nang komplikasyon sabi ng doktor. Ang pag gising na lang ni Sky ang hinihintay namin. Samantalang wala pang improvement sa pag huli sa walang hiyang gumawa nito kay Sky. Sana mahuli na sya para mapagbayaran nya ang ginawa nya sa anak ko. Biglang tumunog ang cellphone ko at pag tingin ko si YeonSeok ung tumatawag.
"Hello.... "
"Honey papunta na akong hospital may gusto ka bang kainin? Bibilhin ko?" Simula nung na aksidente si Sky naging mas sweet sa akin si YeonSeok. Yung tipong ayaw nya umalis sa tabi ko. Palagi naman nya akong niyayakap dati pero ngayon parang mas naging O.A na sya, na ako yung parang may sakit hindi yung anak nya.
"Wala naman. Mag ingat ka sa pag drive mo."
"Yes po. Mag iingat pa ako kasi mag papakasal pa tayo at mag kakaanak. I love you Hon." May kurot sa puso ko ng marinig ung mga sinabi nya. Sa totoo lang mahal ko sya pero di sya katulad ng pagmamahal ko para kay Chanyeol. Kaya hirap na hirap akong amin yung tungkol sa amin ni
Chanyeol."Basta mag ingat ka pag punta mo dito." Pagkababa ng cellphone saka naman may kumatok. Pag bukas ko ng pinto si Chanyeol ang bumungad sa akin.
"Oh bakit di ka magtxt muna na dadating ka?"
"Para suprise. Eto pala mga prutas para kay Sky."Kinuha ko yung basket ng prutas at pinapasok siya.
"Kamusta na ung kondisyon ng bata" tanong nya.
"Medyo ok na sya. Hinihintay na lang namin magising sya."
"Buti naman at ok na sya. Ikaw kamusta? Baka pinapabayaan mo yung sarili mo?"
"Wag kang mag alala i'm fine." Nabigla ako ng yakapin nya ako ng mahigpit.
"I missed you babe" bulong nya sa akin.
"Ano ba Chanyeol makita ka ng mga doktor at ng mga nurses dito. Baka anung isipin nla. Alalahanin mo di pa kami hiwalay ni YeonSeok. At ang alam nila ako ang ina ng mga bata at asawa ko si YeonSeok" bumitaw ako sa pagkakayakap nya. Pero hinila nya ulet ako palapit sa kanya at niyakap.
"Wala akong pakielam sa sasabihin ng iba ang mahalaga ay makasama kita. Alam ko naman na dadating ung panahon na magkakasama na tayong dalawa. "
"Pero di ko pa nasasabi kay YeonSeok ung tungkol sa aten." Hinalikan nya ako sa noo.
"Gusto mo bang tulungan kitang kausapin si YeonSeok? Para di ka na mahirapan?"
"Wag na. Ako na lang."
"Honey andito na ako.." Nabigla kami ng bumukas ung pinto at pumasok si YeonSeok. Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Chanyeol.
"Oh Chanyeol andito ka pala,kamusta?" Inilapag nya ung dala dala nya sa side table at nilapitan ako. Tumayo ako at nabigla ako ng halikan nya ako sa labi. Di usual ang ginawa ni Yeon Seok. Sa pisngi lang nya ako hinahalikan pag dumadating sya ng bahay.
"Honey may dala akong pagkain tara kain tayo. Sumalo ka na din Chanyeol."
"Wag na. Paalis na din ako."
"Oh bakit aalis ka na? Kararating ko lang di pa tayo nag kakamustahan. Or better yet mag usap tungkol sa isang mahalagang bagay....." Napatingin ako kay YeonSeok ano yung sinasabi nya? May alam na kaya ito.
"Sa bagay may gusto sana akong sabihin sa iyo.. May matagal na akong gustong bawiin sa iyo.." Napatingin ako ng di na oras kay Chanyeol.
Ramdam ko ung tensyon sa pagitan nilang dalawa."Kung mababawi mo pa."
"Nako tama na muna yan halika na kayo at kumaen muna tayo."
Iniayos ko yung dalang pagkain ni YeonSeok. Naupo si Chanyeol sa harapan namin ni YeonSeok."Nga pala hon ready na pala yung suit mo para sa kasal natin. Excited na ako maging tunay na misis kita." At hinawakan nya yung kamay ko.
"Di ba nyo pwedeng ipostpone ung kasal kasi tignan mo andito pa sa hospital si Sky?" Sabi ni Chanyeol
"Bakit kailangan pang patagalin. Alam ko naman na gusto din ni Sky na makasal kami para maging isang pamilya."
"Di ba parang makasarili naman yung ganun? "
"Hindi pagiging makasarili yun Mr. PARK. Pag mamahal ang tawag dun. Pag mahal mo yung tao lahat gagawain mo. Para sa future namin diba honey?"
"Kumain na lang tayo."
Tahimik na kumakain si Chanyeol samantalang sobrang sweet naman yung pakikitungo sa akin ni YeonSeok. Hanggang sa mag paalam na si Chanyeol.
Naiwan kami ni YeonSeok dito sa kwarto. Maglalakas loob na ako sabihin sa kanya yung tungkol sa amin ni Chanyeol.
"YeonSeok pwede ba tayong mag usap?"
"Oo naman halika dito sa tabi ko." Hinila nya ako papunta sa tabi nya.
"Ano kasi...." Ano ba yan bakit di ko masabi..
"Honey look ok na daw ung mga invitation pwede na tayo mamigay lalo na sa mga ninong at ninang..."
"YeonSeok mukhang tama si Chanyeol kung pwede natin i postpone muna ang kasal."
"Bakit?"
"Kasi nga andito pa sa hospital si Sky."
"Honey para din naman sa atin to. Alam ko naman na magiging masaya si Sky kung pag gising nya tunay ka na nyang mommy. Legal na tayong pamilya."
"Pero kasi ang hirap mag celebrate pag alam mong may sakit ung anak mo."
"Un ba ang dahilan o may iba pa?"
Yeon Seok's Pov
Tell me Baekhyun tell me the truth gusto kong manggaling sa yo ung tungkol sa inyo ni Chanyeol.
"Baka kasi anu ang isipin ng ibang tao sa atin na mas mahalaga pa ung kasal kaysa sa anak na nasa ospital."
"Ano ba ang pakielam nla, buhay natin to at wala silang pakielam."
"Pero kasi...." Humarap ako sa kanya at hinawakan yung mga kamay nya.
"Baekhyun please be honest to me Change of Plans na ba or better yet Change of Heart?? Do you still love him? "
"If I say I still love him,would you let me go?"
"No.."
………………………………………………………
Hello
Sorry now lang nakapag update………
Enjoy