Baekhyun's Pov
"Chanyeol gising... gumising ka aray..." niyuyogyug ko na si Chanyeol para gumising para madala na niya ako sa hospital. Pero sobrang tulog mantika tong lalaking to kaya mahirap gumising. Kaya hinampas ko sya sa braso para magising.
"Aray.. ano yun?" papungaspungas niyang sambit.
"babe lalabas na si baby." sambit ko habang hawak hawak yung tyab ko.
"lalabas lang pala..." at bumalik ulit sa pag higa.
"Hoy manganganak na ako aray..." at dun sya natauhan. kaya dali dali syang bumangon at kumuha ng damit at yung baby bag na inihanda ko na para pag dumating ang araw ng panganganak ko madali na itong dalhin.
"Halika ka na babe.."
"Paano yung mga bata?"
"Mamaya tatawagan ko si Kyungsoo para puntahan yung mga bata. Sa ngayon si Manang muna ang mag babantay sa mga bata. Halika na sa hospital. Natawagan ko na Si Dr. Zhang para makapag prerpare na sa panganganak mo." At inalalayan niya ako pababa hanggang sa makasakay ako sa kotse. Inilagay niya yung mga gamit ng bata sa likodan at saka siya sumakay. Habang papunta kami ng hospital tinawagan ko na si Kyungsoo nag dridrive kasi si Chanyeol kaya ako na ang tumawag at pinakiusapan na pumunta muna sa bahay para sa mga bata dahil manganganak na nga ako at pumayag naman siya.
Chanyeol's POV
" Inhale... Exhale... sabayan mo ako babe...." sambit ko.
" Aray...Malapit na syang lumabas."
" Malapit na tayo sa hospital." Pag dating namin sa hospital sinalubong agad sya ni Dr. Zhang at dumeretcho na sa may delivery room. Naiwan naman ako sa labas ng delivery room at naghihintay. Di ako mapakali lakad dito... lakas doon. Maya maya dumating sila Sehun at Luhan. Si Kai kasama naman ni Kyungsoo sa bahay dahil sa mga ibang anak namin.
" Hyung kamusta na si Baekhyun hyung?"
" Di ko pa nga alam di pa lumalabas si Dr. Zhang." Habang nag uusap kami sa labas biglang lumabs yung isang nurse.
" Mr. Park Chanyeol?"
" Ako po baket po may masama bang nangyari sa mag ina ko?" Kinakabahan ako.
" Wala naman po. pinapatawag ka lang po ni Mr. Byun." At agad akong pumasok at binigyan ako ng mask, gloves at yung suit. Pag pasok ko nakikita ko si Baekhyung sa operating table. Cesarean Section pala ang gagawin sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya.
" Babe kaya mo yan. Andito lang ako." Maya maya may umiiyak ng bata.
