Baekhyun's pov
"Sehun????"
"Baekhyun hyung?"
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Babe.... Oh.. Andito ka na pala Sehun...." Biglang sumpulpot si Yeonseok sa tabi ko.
"Babe??? Teka hyung wag mong sabihin sya ang asawa mo?" Tanong ni Sehun
"Pumasok ka muna Sehun." Alok ko. Pag pasok nya naiwan kami sa sala at inexplain ko yung sitwasyon namin. Agad naman nya itong naintindihan.
"Nakita mo na si Chanyeol hyung?" Wala si YeonSeok kinuha yung bag nya.
"Oo. Isa kami sa mga investor ng Park Corp."
"Ang liit talaga ng mundo. Di ko akalain na boyfriend ka ni Hyung."
"Kamusta si Luhan?" Tanung ko.
"Ayun nag aalaga sa mga anak namin. Miss na miss ka nun."
"Ako din naman. Sa week end baka pumunta kami dun para makita naman ng kambal yung lola nila. Isasama ko na din si Kyungsoo isusuprise ko ang asawa mo. Wag mong sabihin ah." Tumango naman sya bilang pag sang ayon. At ilang minuto lang at bumababa na si Yeon Seok kasama yung kambal na humihikbi.
"Dada sama Sky please."
"Atoh din daddy sama.. Cloudy miss dada.." Kinuha ko si Cloudy na umiiyak na.. Pati si Sky.
"Mga anak si daddy nyo ay pupunta sa lola nyo. May sakit ngayon ang lola nyo at kailangan alagaan sya ni daddy nyo at ni tito Sehun nyo. "
"Sama tame para aalagaan din po namin lola."
"May pasok kayo mga anak kaya di pwede... "
"Oo nga mga anak may school kayo. " mas lalong umiyak ung kambal.
"Sige ganito na lang. Susunduin naten si Daddy sa weekend. Para makita nyo na din yung lola nyo okay ba yun?" Tumango sila habang pinapahid yung mga luha nla.
"Very good talaga ang mga anak ko. "
"Tara na po hyung." kinuha ni Sehun ung gamit ng kuya nya isinakay na sa kotse.
"Tara na Sky aalis na si daddy."
"Ayaw toh... Gusto ko sama daddy."
"Sky wag na makulit... Pupunta naman kayo ni mommy sa week end. Para di mo ko mamiss mga video chat tayo okay ba yun anak???" tumango naman si Sky bilng pag sang ayon. hinatid namin si Yeon Seok sa pintuan. humuhikbi parin yung kambal.
"honey sigurado ka ba na kaya mo?"
"oo naman, ako pa.. wag ka nang mag alalala andyan naman yung mga yaya ng kambal sila ang mag babantay habang nasa office ako"
"Behave ka ah pag nasa office ka. baka may kapreng may malaking tenga na umaaligid sayo" sus eto nanaman po tayo
"Sira ulo ka talaga wala ka bang t6iwala sa akin ha?"
" sa iyo meron pero dun sa kapreng may malaking tenga wala"
"ewan ko sa iyo sige na lumakad na kayo baka matraffic kayo"
" Bye" hinalikan niya ako sa lips ganun din yung kambal
" Bye daddy" sabi ko. After umalis ni YeonSeok pinakuha ko yung kambal sa mga yaya nila para mabihisan na sila ng school uniform baka kasi malate sila. At ako naman ay nag handa na din para pumasok sa office.