Chapter 23 part 2

387 14 4
                                        

Kai's POV

"...Gusto kita..." nagulat ako ng sabihin sa akin yan ni Kyungsoo.  Di ko alam kung ano ang irereact ko. Pero isa lang ang alam ko. Na hindi kami pwede. Bakit? Kasi di nya ako diserve. Sobrang bait na tao si Kyungsoo at di nya diserve ang masaktan. Isa akong playboy or fuckboy. Kung mag palit ng karelasyon ay parang pagpalit ng damit. Bawat lugar na puntahan ko lagi akong may napapaiyak na babae o lalaki. Kaya di sya para sa akin.

Pero sadyang matyaga talaga si Kyungsoo. Gabe gabe nag pupunta ng bar. Pero nasa malayo lang sya at tinatanaw ako. Kaya para di na sya pumunta doon gumagawa ako ng paraan para ma turn off sya sa akin. Pag nakikita ko na sya may mga babae o lalaki akong hinahalikan. Nakaupo lang sya sa isang sulok at pinagmamasdan ako. Katulad ngayon andito nanaman sya. Kaya hinila ko ung isang babae na regular customer dito at alam kong may gusto sa akin ito,napakandong sya sa akin at hinawakan ko ung leeg nya at hinalikan sya. Habang hinahalikan ko sya kitang kita ko si Kyungsoo na nakatingin sa amin. Maya maya tumayo ito at nagpunta ng cr. Kaya binitawan ko na ung babae at pina alis sa harapan ko.

Mga ilang minuto bumalik sya at pulang pula ang mata at ilong halatang umiyak ito.  This is me Kyungsoo. You don't deserve the guy like me.

Habang nakikipagkwentuhan ako nakita ko may isang lalaki ang lumapit kay Kyungsoo. Inaalok sya ng inumin pero di tinatanggap ni Kyungsoo. Pero sadyang makulit ung lalaki at pinipilit si Kyungsoo na uminom, ang alam ko di sya umiinom ng alak kaya tinatanggihan. 

Maya maya iba na ung ginagawa ng lalaki. Unti unting hinahawakan si Kyungsoo sa mga hita nya, lumalayo na si Kyungsoo pero sadyang manyak yung lalaki at  pilit na hinahalikan si Kyungsoo. Sa nakita kong pangyayari nag init agad ang ulo ko at lumapit sa kanila at bigla ko na lang hinila ung manyak na lalaki sabay suntok sa mukha.

"Pu@ta!ng i?a mo manyak ka! Mamatay ka na!!!!" Nararamdaman ko na lang na inaawat kami ni Kyungsoo.

"Tama na Kai mapapatay mo na sya. Tulong..."  Sigaw nya at nag sidatingan ung mga bouncer sa club at pilit na pinaghihiwalay kame.

"Tumawag kayo ng pulis pakulong nyo yang manyak na yan. At ikaw..."  Humarap ako kay Kyungsoo na umiiyak dahil sa pangyayari.

"Sumunod ka sa akin." Hinatak ko sya palabas ng bar at nag tungo kami sa condo ko. Wala kaming imikan sa kotse tanging hikbi lang nya ang naririnig. Nakaramdam ako ng selos ng makita ko na may lalaki syang katabi.

Pag dating ng condo pinaupo ko sya sa sofa at nag punta ng kwarto para kumuha ng damit. Pinunit kasi ung manyak na un ung damit ni Kyungsoo. Buti na lang nasa malapit lang ako kundi na rape na sya. Nasa sulok na bahagi kasi nakaupo si Kyungsoo. Madilim at konti ang tao.kaya walang nakakapansin na may mga nangyayari na doon.

"Oh magbihis ka muna. Andun ung cr dun ka magpalit."

"Jong in sorry..."

"Magpalit ka muna at mag usap tayo pagkatapos mo." Tumango sya at nagtungo sa cr. Habang nagpapalit sya nag handa ako ng makakain, isang ramyeon at kimchi lng ung nakita kong mabilis na maluto na pagkain.
Maya maya lumabas na sya ng banyo at naupo ulit sa sala.


"Halika dito at kumaen,.,." Utos ko.

"Jong in sorry..."

"Bakit kasi pumupunta ka pa..,diba sinabi ko sa iyo na di kita gusto."  Pero sa totoo lang unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Tuwing nalalasing ako ng sobra sya ung nag mamaneho ng kotse ko pauwi dito sa condo. Nagigising na lang ako kinabukasan na may tubig at paracetamol na sa side table ng kama ko.or di kaya may lutong pagkain sa mesa. Lahat ng yun si Kyungsoo ang gumagawa.

Missing Piece (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon