Flashback ulit tayo mga ka beshie... love story naman ng HUNHAN..
sorry kung natagaln sa pag update..
bawi ako promise....
Luhan's POV
" LIVE WITH ME" Sabi ni Mr. OH . Nagulat ako ng sabihin niya sa akin yun. Hindi naman kami masyadong close para patirahin niya kami sa bahay niya.
" Ha??ano po?"
" Ang sabi ko sa condo ko na kayo tumira."
" Bakit po?"
"Diba wala kayo matutuluyan ngayon kaya I offer my space for you and sa mga kapatid mo."
" Sige na kuya pumayag ka na po. Para kay Mark, tignan mo po siya." tinignan ko yung kapatid ko at naawa sa kalagayan niya.
" Ok sige payag na po ako. Pero di tayo mag tatagal doon ah. kasi nakakahiya kay Mr. Oh" Sagot ko kay Yerin.
" Ok lang naman. Mas ok nga na mag tagal kayo doon kasi parati walang tao dun. Tuwing gabi lang ako umuuwi doon dahil sa trabaho ko. "
"Sige po maraming salamat."
" Yehey... may bahay na tayo.." masayang sambit ni Mark.
"Akin na yung bags niyo para mailagay ko na sa kotse." bigla niyang kinuha ito pero inagaw ko ulit.
" Ay naku ako na lang po malaking abala na yung nabibigay namin sa inyo Mr. Oh."
" Mr. Oh.. Mr. OH.... nakakatanda naman yan call me Sehun. Friends naman na tayo since asawa na ng best friend niyo si Chanyeol hyung."
"Nakakahiya po kasi. Kahit na po kasi na asawa na ni Baekhyun si Mr. Park eh boss pa rin namin sya. tapos kaibigan nya kayo kaya parang boss na din namin kayo." nabigla ako ng tumawa siya ng malakas. "Baket po kayo natatawa?"
"alam mo ang cute mo.." at pinisil ang ilong ko. Naramdaman ko na lang ang pag init ng pisngi ko. Kaya hinayaan ko na lang siyang buhatin yung mga gamit namin at ipasok sa kotse. naupo yung dalawang kapatid ko sa likod samantalang nasa tabi ako ni Mr. Oh este ni Sehun nga pala. Sa totoo lang kinikilig ako kasi aminado ako na crush ko si Sehun. Pero syempre kailangan kong pigilan kasi di kami pareho ng estado ng buhay. Ang swerte ng magiging asawa ni Sehun. Gwapo na mabait pa.
Mga ilang minuto lang mula sa hospital nakarating na kami sa condo unit niya. Siya ulit nag buhat ng mga bagahe namin.
" Pasok kayo." sabi niya. Halata sa condo niya na mayaman siya. Mukhang mamahalin lahat ng gamit doon. Kahit na mag isa lang siya, malinis ito.
"Kuya ang ganda ng bahay ni Kuya Pogi" Sabi ni Mark sa tabi ko. Tinakpan ko na lang yung bunganga niya. At ngumiti kay Sehun.
"Eto magiging kwarto niyo. Guest room ito, ag kayong mag alala malinis ito. may tagalinis ako na pumupunta every week. Pero mukhang di yata kayo kasya sa kama. " Tinignan ko yung kama pang dalawang tao lang yung kakasya.
"Bibili na lang tayo ng isa bukas." sabi niya.
" Ay wag na po. Pwede na ako sa sofa, Yung mga katadi ko na alng ang sa kama."
" Sure?"
" Oo naman."
" Ok sige maiwan ko muna kayo at bibili lang ako ng pagkain natin. " Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.
