Chanyeol's POV
" Daddy.... gising na si Papa Baekhyun...."
" Baekhyun....." Agad akong tumakbo papasok sa kwarto ni Baekhyun at nakita ko siyang naka dilat na. For how many months sa wakas gising na siya. "Babe...salamat at gising ka na. " at niyakap ko siya.
" Chanyeol.." tawag niya sa akin at pilit na bumangon. Tinulungan ko naman siya para makaupo siya. Natanggal na din yung tubo na nakakabit sa kanya few months ago. naging mabilis kasi yung recovery niya.
" Papa..." sambit ng mga bata.
" Mga anak..." at lumapit yung kambal para mayakap si Baekhyun.
" Sky anak ok ka na anak?"
" Opo papa magaling na po ako. "
" salamat sa diyos at magaling ka na. "
" Opo lagi po kasi akong binabantayan ni Cloudy eh at saka ni Sam. " Tinignan naman niya si Sam na nasa kilodan ng kambal.
" Sam... halika dito anak." at lumapit si Sam kay Baekhyun.
" salamat sa pag bantay kay Sky ah."
" Wala po yun. Kapatid ko na po sila diba?" Tumango naman si Baekhyun.
" Mga anak bumaba muna kayo dyan sa kama ng papa Baekhyun niyo. Baka masagi niyo si baby."
" Baby...." tumingin siya sa kanyang tyan.
" Chanyeol kamusta yung bata? di ba sya napaano sa nangyari sa akin?" Lumapit ako sa kanya at hinimas yung tyan niya.
" Ok at malusog ang anak natin Baek. Fighter siya...Katulad mo"
" Salamat sa Diyos at di sya bumitaw. Hindi ko na alam ang mangyayari kung mamatayan pa ako ng anak." At bigla na lang siyang umiyak.
" Shhh tahan na babe... Hinding hindi na iyon mangyayari andito ako at yung mga bata para sa iyo at sa magiging bago nilang kapatid. "
