Chanyeol's pov
Papunta ako ngayon sa mansyong ng mga Oh. Pinapunta kasi ako ni Tita, yung mama ni Sehun. Nabalitaan ko din na inatake sya sa puso kaya dadalawin namin sya ni Samsam.
Nanay na ang turing ko sa kanya. Simula pagkabata mag kakasama na kami nila Sehun at Kai. At ang mama ni Sehun ang pinakaclose sa akin. Tinuring nya akong anak kaya madalas kami na nagpupunta dito. Alam Kong may half brother si Sehun pero hanggang ngayon di ko pa siya nakilala.
Pagbukas ng pinto isang tao ang di ko inaasahan na makita doon...
"Baekhyun???" bakit sya andito?
"Tita Bikhyun" sigaw ni Samsam at dali daling nag pakarga kay Baekhyun.
"teka bakit andito...." di pa ako tapos magsalita ng may humawak sa bewang nya.
"Dahil dito nakatira yung future mother in law niya." sabat ni Yoo Yeon Seok.
"So ibig sabihin ikaw yung half bother ni Sehun?" tumango sya bilang pag sang ayon. Sa tinagal tagal naming mag kaibigan ni Sehun ngayon ko lang nalaman na yung half brother nya at si Yeon seok ay iisa.
"Hyung andito ka na pala" salubong sa akin ni Sehun
"Pwede ba tayong mag usap Sehun?" Bulong ko sa kanya. Tumango naman sya bilang pag sang ayon. Nagpunta kami sa may pool area at dun kami maguusap.
"Bakit di mo sinabi sa akin na kapatid mo si YeonSeok? "
"Hyung alam mo naman istorya ng buhay ko. At saka ayaw ko nang halungkatin yung nakaraan. At saka di naman kami close eh. Kung di lang kay mama di naman yan uuwi dito. "
"Ang liit talaga ng mundo. Pinagtatagpo kami ng tadhana."
"Hyung do you still love Baekhyun hyung?"
"Hindi naman nawala sa puso ko si Baekhyun. Mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon."
"Bakit di mo pinaglaban?"
"Naduwag ako noon. Di ko sya kayang harapin dahil sa laki ng kasalanan ko."
"Kung di mo sya nagawang paglaban noon...baka ngayon pwede mo na syang ipaglaban. Sabi mo nga pinagtatagpo kayo ng tadhana." Napatingin ako kay Sehun.
"Boyfriend na ng kapatid mo si Baekhyun."
"So? Asawa nga naagaw boyfriend pa kaya.. Wag ka nang maging duwag... Ipaglaban mo kung ano yung tinitibok ng puso mo."
"Ayaw mo talaga sa kapatid mo ah."
"Di naman sa ganun. Alam ko naman na mahal mo pa si
Baekhyun hyung eh. "
"Salamat Sehun...pero ang taong mahal pa ba kaya ako ni Baekhyun..."
"Ayun lang."
"Love kakain na tayo. Kayo na lang hinihintay sa hapag kainan." Tawag sa amin ni Luhan. At agad naman kaming sumunod sa kanya.
Pagdating namin sa dinning area nakaupo na silang lahat. Nasa tapat ko si Baekhyun katabi nya si YeonSeok sa kanan naman andun si Sky then katabi naman ni YeonSeok si
Cloudy.
