Prologue / Chapter 1

45.3K 568 31
                                    

Prologue

"Sam! Glad you're here, kanina pa kita hinahanap!" masayang sabi ng manager ko na si Vince.

"Saan ka ba galing? Ako rin kaya hanap nang hanap sa 'yo! Buti naman nagpakita ka pa," madiing sabi ko naman sa kanya.

Bumunot siya ng panyo sa bulsa niya at ipinunas 'yon sa pawis niya. "Sorry, natagalan ako sa labas ng recording studio kasi tinawagan ko pa sa phone 'yung producer. We need to wait, three hours pa raw bago siya dumating," nalolokang sabi ni Vince sa akin.

"What?! Three hours?! 'Di ba mahuhulas ganda ko diyan?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Naku, mag-usap na lang tayo tungkol sa mga bago mong songs," sabi niya pagkatapos ay kinuha niya 'yung bag ko.

Hinalungkat niya ang laman ng bag ko at kinuha 'yung notebook ko na puno ng mga kantang sinulat ko. "Grabe..." manghang sabi niya. "Ang dami naman nito, kailan ka nagsimulang magsulat ng kanta?" tanong niya habang patuloy pa rin sa pagbuklat ng notebook.

"I've been writing songs since I was thirteen. Basic songs with basic lyrics, mostly," I answered.

Tumango siya at muling ibinaling 'yung tingin niya sa notebook. "Sa nakikita ko, most of your songs are love songs. 'Wag mo namang sabihing thirteen ka pa lang malandi ka na," sabi niya sabay tumawa nang nakaka-inis.

"Hindi 'malandi' tawag do'n, ang tawag do'n, inspired," sabi ko sa kanya at kinuha 'yung notebook sa kamay niya na ikinagulat niya.

"E 'di okay! Fine! Inspired ka. Kailangan ba nagsusuplada?" sabi niya at muling kinuha yung notebook. "So, inspired ka nga. Kanino? Is it to something... Or to someone?" he intriguingly asked.

"Well, to someone," I answered while smiling at him.

"Really?!" he shockingly asked. "Magkwento ka naman about sa love life mo, please! Sige na!" halata sa mukha niyang excited siya sa kung ano man ang ikukwento ko.

"Ayoko, 'wag na!" kinuha ko yung notebook ko sa kanya at ibinalik 'yon sa bag ko. "Tara na! Doon na lang tayo sa coffee shop maghintay," pagyaya ko sa kanya at tumayo na mula sa kinauupuan ko. Agad naman niya akong pinigilan at hinila pabalik sa pagkaka-upo.

"Sige na! Gusto ko naman marinig 'yung love story ni Sam Chua a.k.a. Sky!" sabi niya habang kinukumpas 'yung mga kamay niya sa hangin.

"Ayaw ko nga, wala namang kwenta e," sabi ko at muling tumayo pero pinigilan niya pa rin ako.

"Sige na, please? Three hours pa naman tayo dito e, kaysa naman tumunganga tayo nang tatlong oras, mabuti na 'yung nalilibang tayo sa chikahan," pagpupumilit niya ulit.

Bumuntong-hininga ako at ibinaling ang tingin ko sa kanya. "Sige na..." sabi ko na ikinangiti niya. "Third year high school ako no'n, first day of school."

* * * * * * * * * * * * * *

Chapter 1

"Sam!" sigaw ni Miles nang makita niya akong naglalakad papunta sa room namin. She's my best friend, sobrang saya niya kasama, 'yung tipong bawat problema ay tatawanan niya lang, kaya nga kahit bakla ako ay na-inlove ako sa kanya, pero dahil sa magkaibigan kami at bakla ako, hindi ko na lang tinuloy, ayaw kong makabuntis 'no.

"Miles!" sigaw ko at dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. "Namiss kitang babae ka! Anong section ka?" tanong ko sa kanya.

Hinila niya ako papunta sa pinto ng classroom namin kung saan makikita 'yung mga pangalan ng mga estudyante. "'Yan 'te, tingnan mo, magka-klase tayo!" sabi niya at nagtilian kami. Sandali lang din 'yon ay dumating na rin si Lyn, isa ko pang best friend at partner sa kalandian, minsan makikita niyo na lang kaming dalawa na nakasakay sa motor at may hinahablot na bag.

I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon