Ilang araw na ba akong nandito? dalawa o tatlo? Hindi ko na rin alam. Pero papano nga ba ako nakapunta sa year 1995???
Ang alam ko lang ginawa kong muli ang pag sakay sa subway. Pumasok ako sa taong 2018 at lumabas ako ng 1995???
Hala! na i-engkanto na ata talaga ako?? tsk.
Diyos ko lord, wala naman po akong ginawa kung hindi ang maging mabuting apo sa lola ko pero bakit naman po ganito?????
Naglakad lakad pa ako ng dire-diretso. Ayaw ko kasing umuwing muli sa bahay namin dahil nung huli ko yung ginawa ay halos sabihan ako ni lola na adik, naaadik na daw ako gawa sa kung ano-anong pinapanuod ko.
Ang saya kayang manuod lalo na ng mga may mga kapangyarihan at kung anek anek pa. Hindi kasi na yun naappreciate ng mga matatanda eh, lalo na si lola Matilda. Wala yun alam kung hindi ang mga sinaunang kuwento.
Pero ang hindi ko lubos na maisip ay kung bakit nangyari ulit sa akin ang kababalaghang ito, bumalik ako sa taong dapat ay limang taong gulang pa lang ako. Sa taong musmos pa lang ako.
'' hay '' wala akong nagawa kung hindi ang magbuntong hininga.
Hinawakan ko ang back pack ko at kinapa kung nadala ko ba yung aking hand sanitizer. Ang haba na kasi ng naging lakad ko eh for sure madumi na ang mga kamay ko.
Nang masigurado ko na dala ko nga ay kaagad ko itong kinuha at naglagay na sa aking mga kamay.
Ibabalik ko na sana ito ng may bumangga sa aking batang babae.
'' ouch! '' sabi ko, di ko naman sadya na matarayan yung paslit, nagulat lang naman ako.
'' sorry po ate, sorry po '' sunod sunod na pag hingi nito ng tawad. Yumuyuko rin ito sa harap ko na animo'y natatakot.
Naawa naman ako kung kaya't hinawakan ko balikat niya at pinatigil.
Tinanong ko siya ng kanyang pangalan.
'' bata anong pangalan mo? ''
'' po?? a..ako po? '' tinuro niya sarili niya.
Ngumiti ako para maibsan ang takot na kanyang nararamdaman.
'' oo ikaw '' sweet kong saad.
'' I..isabelle po ''
Biglang nagpanting ang tenga ko..
Isabelle?? mukhang familiar ang name ah.
'' Isabelle ano?? '' mas pinabait ko pa ang boses ko.
'' Isabelle Navarro po ''
Nang marinig ko ang apelyido nito ay agad ko itong piningot.
'' AAAARAY KO PO ATE!! B...bakit po??? '' naiiyak na ito na nakatingin sa akin.
Tinitigan ko lang ang paslit at ngumisi sa kanya. Sigurado ako na siya ang batang ito...
Siguradong sigurado ako....Makakaganti na rin ako sayo letse ka.
At ang saya nito!!
Nagbubunyi ako sa loob loob ko. Dumating na kasi ang oras ng aking paghihiganti.
...............
BINABASA MO ANG
ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG)
Ficção Científica'' I never thought na mangyayari sa akin ito. It's 2018 already pero bakit may ganito? Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni lola. Yun ang akala ko. '' * Mataas ang ginawa kong pader para maprotektahan ang aking sarili. Napagtagumpayan ko ito ng mah...