Chapter 12 - Kuya Manuel

2.1K 123 9
                                    

- CARRIE -

Ngayon ang itinakdang araw para malaman ko ang totoo tungkol sa kababalaghan na nangyayari sa akin.

I contacted the guy na may kakayahan din na mag time travel. Actually nung nakaraang araw ko pa siya gustong makausap pero hindi ito sumasagot sa tawag. Mabuti na lang at ngayong araw ay natyempuhan ko na nakabukas ang kanyang cellphone and speaking of him nakita ko na siyang papalapit sa aking puwesto.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa kumpanya. Tapos na rin kasi ang trabaho at mabuti na lang din at kahapon maging ngayong araw ay hindi pumasok si mam Isabelle dahil hindi ko rin talaga alam ang mukhang ihaharap ko sakanya matapos ang mga isinagot ko sa mga tanong na ibinato niya sa akin nung kaarawan nito.

Napatigil ako pansamantala sa pag iisip ko na naman sa boss ko ng umupo na sa aking harapan ang lalaki.

'' magandang gabi '' pormal niyang pagbati.

Nakasuot ito ng jacket na itim, nakapantalon at nakasandalyas lang. May sombrero din ito na halos nakatakip na sa kanyang mga mata.

Mukha itong may pinagtataguan kaya naman sa kanyang mga datingan ay bigla akong kinabahan na agad ko naman ring iwinaksi ng maalala ko ang totoo kong pakay.

'' m..magandang gabi po ''

Hindi ito umimik at nagpalinga linga na naman sa paligid. Lalo tuloy akong nangilabot sa inaasal ng lalaking ito.

'' a....ako nga po pala si carrie '' inabot ko kamay ko sa kanya.

Hindi niya ito pinansin at sinabi lang ang kanyang pangalan.

'' manuel ''

Binawi ko ang aking kamay.

Nakakatakot talaga itong si kuya kakainis bakit ba siya pa ang naging katulad ko???

'' ahem mister? bakit po ba lingon kayo ng lingon??? '' pabulong kong tanong sa kanya.

'' baka kasi nandito din sila '' sagot naman nito.

'' po? sino pong sila?? ''

'' tayo! '' madiin niyang sabi.

Hay naku naman talaga itong kausap ko nakakawala ng bait. tsk!

'' tayo??? ano pong tayo?? ''

'' hindi mo pa rin ba nakukuha? kung tayo sa kasalukuyan ay may kakayahang makabalik sa nakalipas at sa hinaharap ganun din sila ''

Ang creepy ng boses ni kuya, bigla tuloy nagsitaasan ang balahibo ko. Napalunok rin ako ng laway.

'' s...sige po ipagpalagay po natin na makita natin yung sarili natin so ano po ang problema? eh tayo din po sila diba '' napataas pa ako ng isa kong kilay.

'' Hindi yun maaari!! '' halos mapasigaw ito kasabay ng pagpukpok niya ng kanyang kamao sa mesa.

Halos tumalbo ang kaluluwa ko sa pagkagulat, bigla bigla kasi ang pagbabago ng mood nito.

Bipolar ata ang kausap ko, diyos ko naman.

Napayuko ito matapos ang kanyang ginawa, nakatingin kasi sa direksyon namin ang ibang customer sa shop.

'' Makinig ka carrie '' tumigil siya panandalian para huminga.

Lalo tuloy ako nininerbiyos sa inaasal ng kaharap ko.

'' May mga dapat tayong sundin sa time travelling. Hindi ito luho o kapangyarihan na ipinagkakaloob kung kani kanino lang. Kahit nga ang dahilan kung bakit may kakayanan ako na tumalon sa ibang dimensyon ay hindi ko pa rin matukoy hanggang ngayon. Pero ito lang masasabi ko. Ang kakayahang ipinagkaloob sa atin ay dapat huwag nating abusuhin. Hindi ito isang laro, mahiwaga ang bawat kaganapan na matutunghayan mo sa nakalipas o sa hinaharap kaya huwag na huwag kang gagawa ng kahit na ano na alam mong makakaapekto sa kasalukuyan at hinaharap '' seryoso nitong paliwanag sa akin.

Napahawak ako sa aking sentido at muling tumingin sa kanya.

'' saglit po ku...kuya manuel, ahm ano po ba ang ibig ninyong sabihin?? ''

Tumango ito at ipinagdugtong ang dalawa niyang mga kamay matapos itong ipatong sa mesa.

'' ganito yun, kapag may binago ka kasi sa nakaraan, kahit ano pa yan, mapa maliit na bagay lang yan ay maaaring mag iba ang kasalukuyan, yun ang tinatawag na paradox na nakapaloob sa dynamic time travel. Mayroon pang ibang klase pero halos hindi ito nangyayari dahil kalimitan sa mga time traveller '' daw '' hindi ko rin sigurado ay hindi naman nila binabago ang nakalipas na, dahil sabi nga nila it's all in the past ''

Naningkit ang mga mata ko at mas lalong tumaas ang pagnanais na mas matutunan ang time travelling.

'' so ibig mo pong sabihin I can go back and forth sa dalawang dimensyon? ''

'' oo maging sa hinaharap ''

'' pero papano po? ''

'' kailangan mo mag focus, sa una mahirap hindi mo makokontrol kung san ka mapupuntang taon, may kanya kanya kasing tinataglay na enerhiya ang bawat traveller at nasa saiyo ito kung papano mo kokontrolin para mapuntahan ang tinatarget mong taon ''

Pinakinggan ko si kuya manuel sa bawat sinasabi niya. Wala naman kasing ibang makakatulong sa akin kundi siya lang.

'' nung una po akong napadpad sa taong 2017 ay nakaramdam ako ng kakaibang pwersa na parang humihigob sa akin, then nakaramdam ako ng sakit ng ulo pati yung kakaibang tunog sa tenga, nawalan din po ako ng malay tao at bumulagta sa sahig ng tren. Ano po yun? ''

'' Yun na yung enerhiyang tinutukoy ko, kapag naramdaman mo na ito ay kailangan mo nang kalkuladuhin ang lahat, yung pagsakit ng ulo mo at pagkawala ng malay tao ay normal sa mga unang nakagawa pa lang ng time travelling, darating ang panahon na magagawa mo na ito ng walang kahirap hirap ''

Tumingin ito sa orasan niya sa kamay at akmang tatayo na sana. Agad ko itong pinigilan.

'' saglit po may tanong pa po ako ''

'' sige bilisan mo lang at may kailangan pa akong puntahan ''

Umupo siyang muli.

'' ano po ba ang timeline? ''

Inayos niya ang kanyang sombrero at sumagot.

'' timeline ito yun kung nasaan tayo ngayon, katulad ng sabi ko hindi mo maaaring makita ng harapan ang sarili mo dahil kapag nangyari yun ay pareho kayong mawawala sa timeline na parang bula  poooop!! ''

Nag gesture pa siya na parang pumutok na bubble.

'' a...ano pong ibig mong sabihin? ''

'' mawawala na kayo sa kahit sang dimensyon ''

'' you mean mamamatay ''

Tumango siya..

'' kung yan yung salitang mas maiintindihan mo, oo mamamatay kayo pareho ''

Sa kanyang huling nabanggit ay tuluyan na akong nangilabot at nanlambot. Parang ayaw ko pa ring maniwala pero papano ko ito maitatanggi kung nakarating ako sa taong 2017, 1995, at 2002??

Ang sakit sa ulo..

Nagpaalam na rin si kuya manuel sa akin at nangako na kung may iba pang katanungan ay nandyan naman siya para sagutin ito, huwag lang daw ngayon at may kailangan pa siyang puntahan.

Palagi naman siyang nagmamadali eh parang palaging may pinagtataguan. Pero kahit I find him creepy hindi ko pa rin maiaalis ang katotohanang siya lang ang makakatulong sa akin.

After namin mag usap ay umuwi na rin ako kaagad sa bahay, tulog na si lola kaya dumiretso na rin ako sa aking kwarto at pinag aralan ang lahat tungkol sa time travel.

Base sa mga nabasa ko ay may katotohanan ang mga sinabi sa akin ni kuya manuel, sa past sa present at sa future. Maging ang paradox, ang parallel dimensions, ang timeline at maging ang halos hindi pag andar ng oras sa kasalukuyan kapag ikaw ay pumasok sa pag time travel.

At ang lahat ng ito ay talagang nakakamangha. Totoo ang sinasabi ni lola matilda. Totoo pala talaga ang time travelling.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon