- CARRIE -
Dahil mataas pa rin ang pader na pumapagitna sa amin ni izzy ay ako na ang gagawa ng paraan para malaman ko ang buong katotohanan.
Sumakay ako ng subway at tumungo sa taon kung kailan namatay ang kanyang inang si dulce.
2002
Sa nakikita ko ay sigurado ako na kakalibing pa lang ng kanyang ina. Nasa labas ng kanilang bahay ang dalagitang si isabelle, naka puting t-shirt at luma ang suot na pantalon, nakatulala at mugto ang mga mata na halatang kakatapos pa lang nitong umiyak.
Pinagmamasdan ko siya sa may di kalayuan. Hindi ko mapigilan maiyak at madurog ang puso when she started to cry again.
'' ISABELLE!!!! '' narinig kong may sumigaw mula sa loob ng kanilang bahay.
Boses ito ng isang lalaki na mukhang galit na galit. Nakailang tawag na ito subalit hindi gumagalaw si isabelle sa kanyang kinauupuan. Nakatingin lang ito sa lupa at patuloy na umaagos ang kanyang mga luha.
Biglang bumukas ang gate at lumabas ang dalawang babae, yung nakita ko sa hospital.
Itinulak ng malakas nung isang may maikling buhok ang umiiyak na si isabelle kung kaya't halos mahulog ito sa maliit na silyang kanyang kinauupuan. Pinunas lang ni isabelle ang kanyang luha at umayos sa pagkakaupo.
'' at talagang wala ka ng pakialam kay papa? kanina ka pa niya tinatawag isabelle. Ligpitin mo na yung mga kalat sa bahay! '' sigaw nung isang may mahabang buhok na akala mo ay maganda at wagas ang make up na hindi naman natakpan ang tigyawat na namumutawi sa kanyang mukha.
Napailing yung may maikling buhok na medyo mataba at hinila ang buhok ni isabelle. Napapikit lang si isabelle, iniinda ang sakit ngunit hindi pa rin nagsasalita. Hinawakan niya ang kamay na sumasabunot sa kanya at pilit itong tinatanggal.
'' Ano lalaban ka na??? ipapaalala ko lang sayo isabelle ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang nanay mo. Kaya wag kang umiyak dapat pa nga magpasalamat si nanay dulce dahil wala na siya. Ang malas niya kasi dahil ikaw ang naging anak niya! Bwisit ''
Itinulak bigla nito si izzy at bumulagta sa lupa. Halos gusto ko ng tumakbo papalapit sa kanya ng makita ko na dumugo ang labi nito dahil napatama sa isang magaspang na bato. Napakuyom ako ng aking mga kamay sa pagpipigil nang maalala ko ang dahilan ng ipinunta ko dito at yun ay ang malaman ang lahat.
Tumayo si izzy at itinulak ang babaeng maikli ang buhok na siya namang nakapagpasandal dito sa pader.
'' araaay! '' sigaw nito.
Binawian naman ng may mahabang buhok na puro tigyawat si isabelle sinapak siya nito at halos matanggal ang panga ng girlfriend ko sa lakas ng pwersa. Mukhang lalaban si isabelle pero ang sunod na pangyayari ay halos makapag pahimatay sa akin.
Binasag nung may maiksing buhok ang bote ng alak na kanyang hawak hawak at isinaksak sa kaliwang likod ng kawawang isabelle.
'' Araaaaay!!!!! '' sigaw ni isabelle na halatang namimilipit sa sakit.
Napaluhod ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang pagdanak ng dugo sa likod niya habang malademonyong nakangiti yung dalawa na tinititigan lang siya.
Hindi ko kinaya ang nakikita ko, wala man lang tumulong kay izzy??? what the hell.
Tumalikod ako hawak hawak ang bibig ko para mapigilan ang paghagulhol.
I can't watch her sufferring like that. I just cant.
babalik ako izzy pangako - bulong ko sa sarili ko bago umalis.

BINABASA MO ANG
ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG)
Science Fiction'' I never thought na mangyayari sa akin ito. It's 2018 already pero bakit may ganito? Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni lola. Yun ang akala ko. '' * Mataas ang ginawa kong pader para maprotektahan ang aking sarili. Napagtagumpayan ko ito ng mah...