Chapter 1 - Subway

4.5K 149 16
                                    

- CARRIE -

Ako nga pala si Carrie Gomez, 27 years old going 28 ngayong taon. Isa akong sekretarya sa isang napakalaking kumpanya na pagmamay ari ng mga Navarro, oooppps! I take it back ni Ms. Navarro lang pala. Wala na nga pala itong pamilya, yun ang sabi sabi. Ewan ko lang din ump.

Akala ko madali lang ang maging sekretarya pero hindi pala lalo na kung ang boss mo ay ang katulad ni Isabelle.

Si mam Isabelle na ang akala mo ay pinagbagsakan na ng langit at lupa, hindi man lang kasi ngumiti. Bagay na bagay talaga sa kanya ang napakaitim nitong buhok. It represents her personality, ang itim itim kasi ng budhi niya.

Kainis!

Sa dalawang taon ba naman na paninilbihan ko sa kanya, wala man lang ako narinig na salitang '' thank you ''. Would you believe that? mapasa tama at tama ang trabaho ko ay nagagalit pa rin ito.

Kahit sa mga simpleng bagay lang, katulad ng kulay ng folder kapag naubusan ka ng stock at nakita niya ito ay naku po manawagan ka na sa mga santo tiyak ang buhay mo. Gusto niya kasi color coding - hay naku kaloka talaga, kung may malilipatan lang ako na ibang pagtatrabahuan ay matagal na akong nag resign.

Kaso wala eh. I tried searching pero wala ako mahanap na mas mataas na sahod compare to Navarro Industries. Hindi naman pwede na umalis ako para lang sa kakarampot na suweldo, kawawa naman si lola, may sakit pa naman yung diabetes kung kaya't I need enough penny para sa mga gamot niyang maintenance.

Wala naman na akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko na lang. Sumaka bilang buhay na kasi mga magulang ko, may aksidente raw kasi na nangyari dati pero hindi ko alam kung anong klase, bata pa kasi ako that time tapos ayaw na rin magkwento ni lola, at syempre ayaw ko na rin naman at baaaaabalikan na naman namin ang nakaraan. I mean the entire history....

Simula sa panahon ng mga kastila, mga ginawa nilang pagtatago ni lolo. Gaano kalayo ang nilalakad nila para lang pumasok sa eskwelahan. Na parang lyrics sa kanta ni Calum Scott na You are the reason

''  I climb every mountain and swim every ocean ''

Yan ulit ulit niyan si lola, isama mo pa ang baon niya daw na kamote at ang bag niyang plastic pati na rin ang sapin niya sa paa na butas na raw gawa sa layo ng nilalakad makapag aral lang.

tsk...

Minsan nga gusto ko ng irecord ang sinasabi niya eh at nakakaawa na. Baka mapagod na sa pag uulit ulit.

Aaayy ito pa pala, may nabanggit pa yan na huwag na huwag daw ako pupunta sa sulok na masikip at madilim at baka daw pagmulat ko ay nasa kabilang dimensyon na ako.

Akala ko nga dati iba ang tinutukoy niya sa sulok na masikip at madilim. When I confirmed it to her nabatukan ako, bastos daw ng nasa isip ko. Ang ibig niya daw sabihin ay ang mag time travel.

Ano daw?? papano naman kaya yun mangyayari diba, hay si lola talaga kung hindi ko lang siya mahal hindi talaga ako magtatyagang makinig sa litanya at kuwentong barbero nito.

Kaso siya na lang ang kapamilya ko na nag aaruga at may pakialam sa akin. Yung iba deadma parang hindi nila ako kamag anak, kahit nga makasalubong nila ako sa daan ay hindi nila ako pinapansin.

Ay di wow! sila na ang nakakaangat sa buhay. Masyado naman akong maganda para problemahin pa sila.

ehehehe.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon