Chapter 29 - The Accident

1.8K 86 1
                                    

- CARRIE -

Tinanong ko si lola patungkol sa nalalaman niya sa tatay ko, na si kuya manuel. Hindi rin daw maintindihan ni lola kung papano nabuhay ang tatay ko na kasamang namatay ni mama sa isang aksidente.

Dahil naguguluminahan si lola matilda sa pangyayari ay ako na mismo ang kakausap sa kanya. I called him for his address at ibinigay naman niya kaagad. And here I am standing infront of his apartment door.

Kumatok ako na halos hindi na maramdaman ang aking mga kamay sa pagkamanhid. Nanlalamig din ako at sari sari ng pakiramdam ang umiikot at pumalibot sa katawan ko.

Kabado kong tinitigan si kuya manuel ng kanyang binuksan ang pintuan. Nagsimula ako sa ulo. Napansin ko na ang dami na niya palang mga puting buhok. May nunal din siya sa may kanang sintido at sa may gilid ng kanyang pisngi. Dahil na rin siguro sa stress at edad, halata na rin ang mga guhit sa kanyang mukha lalo na sa gilid ng kanyang mga mata.

Maganda ang pangagatawan niya pero hindi siya yung taong mahilig magbihis ng maganda. Ganito kaya talaga siya o naghihirap ba ang tatay ko?

'' p...pasok ka carrie... '' utal nyang pag imbita sa akin

'' ahm c...cge po ''

'' upo ka '' aya niya pagkasara ng pintuan. Umupo ako katabi ng isang maliit na lamesa.

Maliit lang ang nirerentahan niyang tirahan. Sa apat na sulok ng bahay ay wala kang ibang makikita kundi ang  isang maliit na kama at isang upuan at lamesa. Sa gilid ng kama ay may maliit na drawer na may nakapatong na isang lumang picture frame. Sinisipat ko ito ng mapansin niya ako.

Napalingon siya sa dako roon at kinuha ang bagay na tinitingnan ko.

'' Mama mo at ikaw '' sambit niya bago iabot ang picture frame sa akin.

Kinuha ko ito sa kamay niya at masiil na tinitigan. Kahit hindi ko masyadong tanda ang hitsura ni mama alam ko na siya nga ang nasa larawan at ang batang kanyang karga karga ay ako. Napatigil ako ng bigla siyang nagsalita.

'' Alam ko kailangan ko magpaliwanag ''

Tumango ako at inihilig ang hawak ko sa katabi kong lamesa.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsimula.

'' Nung araw na yun ay pupunta  kami ng mama mo sa isang lugar para kitain ang kapatid niya. Sa bus dapat kami sasakay pero dahil traffic at punuan ay napag desisyunan namin na sa tren na lang sumakay. ''

Tumigil muna siya habang tahimik na tumitig sa akin. Bakas pa rin sa kanya ang sakit ng kahapon.

'' Siguro laking gulat ng lola mo ng makita niya ako ang buong akala niya kasi namatay ako kasama ng anak niya - ng mama mo ''

'' ano po bang nangyari? kung buhay naman po pala kayo bakit hindi ka umuwi sa atin? ''

'' Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko ''

'' Ano po ba ang ibig niyong sabihin? ''

'' Nang sumakay kami ng subway nagkaroon ng gulo, may nagkasagutan sa loob na umabot sa suntukan. Ang sabi ng mama mo huwag na akong mangialam dahil hindi naman nga namin kakilala at marami na din tumutulong para umawat. Pero hindi ako nakinig at nakisali pa rin. Dumating ang mga guwardiya at pinagdadampot ang mga nanggulo, nakasama ako dun. Sinabi ko na umaawat lang ako pero hindi sila nakinig. Nilabas kami, tinatawag ko si Grace para sumunod sa akin. Palabas na sana siya ng biglang sumarado ang pintuan at simula ng umandar ang tren. Sinenyasan ko na lang siya na hahabol ako. At yun na nalaman ko na lang na naaksidente ang tren. Sumabog ito. ''

Natahimik kaming dalawa, hindi kasi nakwento ni lola na sa subway pala namatay ang mama ko.

'' Kinagabihan pumunta ako sa pinangyarihan, nagbabakasakali na makita ko ang katawan ng mama mo pero wala, lahat ng katawan ng mga naging pasahero ay sunog at nagkanda lasog lasog '' Tumingin siya sa ibaba.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon