Chapter 3 - Back to the present time

2.6K 119 10
                                    

- CARRIE -

'' lola! lola!!!!! '' sunod sunod at hingal kong tawag kay lola matilda.

Inikot ko ng mabilis ang door knob at pumasok na sa bahay. Kalalabas lang ni lola sa banyo.

'' oh bakit humahangos ka aking apo??? ''

Bigla ko itong niyakap.

'' La namiss po kasi kita!!!! ''

Napatawa si lola at hinimas himas ang aking likod.

'' ikaw talaga, mag hapon ka lang naman nawala para sa trabaho namiss mo na ako kaagad? ''

maghapon lang ako nawala? eh halos late na ng gabi ako nakaalis sa 2017 ah, tapos maghapon lang talaga ako nawala.

Teka anong oras na ba?

Kumalas ako sa pagkakayakap kay lola at sumulyap sa wall clock.

7:30pm pa lang, so ibig sabihin halos hindi gumalaw ang oras? Eto kasi yung oras na eksakto sa pag uwi ko galing trabaho.

Hay ano ba naman yan, kaloka! Oh panaginip lang ang nangyari??? Oo tama panaginip lang yun, nakatulog siguro ako sa byahe.

Ngumisi ako.

'' Ineng okay ka lang ba? bakit nakangisi ka? ''

'' wala po lola, may napanaginipan po kasi ako kanina. ''

'' Ano naman yun? ''

'' ahmmm wala po, hayaan na natin yun ''

'' Lola happy birthday po!! '' masigla kong pagbati.

Iniabot ko sa kanya ang aking regalong wallet, hindi ko na ito nabalot at nakalimutan ko talaga sa sobrang pagka busy.

Sumilay ang ngiti sa maamong mukha ng aking lola.

'' salamat apo '' hinalikan niya ako sa pisngi.

'' halika na apo at kumain, alam ko gutom na gutom ka na '' aya niya sa akin.

Hindi na rin ako nakabili pa ng pansit, nagmadali na kasi talaga akong umuwi para naman masigurado ko na 2018 talaga ngayon.

At eto nga ang totoo 2018 talaga ang taon.

Hay buhay.

Pagkakain namin ni lola ay agad na rin kaming nagpahinga. Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay naisip ko na naman yung naging panaginip ko, para kasi talagang totoo.

Mula sa pagkakatihaya ay umikot ako pakaliwa at napatingin sa labas ng bintana. Inayos ko rin ang kumot ko hanggang sa aking dibdib atsaka na nagpakuha sa kadiliman ng pagtulog.

------------------------

'' carrie my friend goodmorning! ''

Napatingin ako sa likod ko, si Ingrid lang pala ang kaibigan ko simula sa pagkabata.

'' Wow full of energy ah, goodmorning '' ngumiti kami sa isa't isa matapos naming mag beso.

'' uyyy pasensya na ha hindi man lang ako nakadaan kagabi para sa birthday ni lola matilda '' ngumuso ito sa akin habang ang bigat ng kanyang katawan ay nasa kanang paa nito.

'' okay lang atsaka kumain lang naman kami ni lola e ''

Magsasalita pa sana si Ingrid ng may marinig na kaming mga pagbati mula sa iba pang empleyado.

'' goodmorning mam Isabelle ''

Dumating na pala ang boss namin and as usual wala ito sa mood. Hindi man lang ito sumagot sa mga pagbating ibinato sa kanya at mas lalo ng hindi man lang siya tumingin.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon