- ISABELLE -
Today is my birthday, ang iba masaya kapag dumarating ang araw ng kapanganakan nila. But for me? it's a No.
Siguro during the early years of my life. The time when my mom was still alive, masasabi ko pa na masaya ako.
Siya lang naman kasi ang palagi kong nakakasama eh, may mga kapatid naman ako well not really pala *ngiting mapakla*, dahil they can't even accept me and treat me like one.
But whatever! it's all in the past.
So here I am, nasa opisina ko na naman at nag iisa. Bakit ba kasi kailangan pa na dumating ang araw na ito, hindi ba maaaring huwag na lang? Pinapaalala lang kasi sa akin na ito rin ang araw ng kamatayan ni mama.
Kung bakit ba naman nagpilit pa ako na lumabas kami during that time. Kung hindi sana ako nagpilit na kumain kami sa labas ay di hindi sana kasama ko pa siya hanggang ngayon.
Pinahid ko ang aking mga luha nang akin na namang maalala ang pait ng nakaraan. Miss na miss ko na si mama, kung sino pa ang bukod tangi na nagmamahal sa akin ng totoo ay siya pa itong kinuha ng lumikha.
Ganito ba talaga kalupit ang tadhana?? o sadyang minalas lang ako?
Hay.
May papatak na naman sanang luha sa aking mga mata ng may marinig akong kumatok sa pintuan.
'' come in '' saad ko kahit puno ng pagtataka ang aking isip kung sino ang nasa kabilang dako.
Binuksan nito ang pinto at nagulat ako when I saw Ms. Gomez na kanina lang ay inakala ko na may dinaramdam na sakit.
Napakunot ako ng aking noo at halos magsalubong na ang aking mga kilay.
Lumapit ito sa akin na halos kinakabahan. The way she walk and the way her muscles tensed alam ko na she's here with a purpose, pero ano yun?
Hmmm...
Tumingin ako simultaneously sa kanya at sa dala dala niyang bulaklak at box?
Nang nasa katapat na siya ng mesa ay inilapag niya ang box na cake pala ang laman at sinindihan ang kandila sabay iniaabot niya sa akin ang bulaklak.
What the heck? napapano ito si Ms Gomez?
'' H...ha..... ''
Napalunok ito ng laway.
She cleared her throat then continue.
'' ahemmm.... Ha...Ha...Happy Birth...day Mam '' pahina nitong pagbati sa akin.
When I heard her greeting ay biglang may tumibok sa gitnang bahagi ng aking dibdib, na matagal ko ng hindi nararamdaman.
Sa lahat ba naman kasi ng naranasan ko ay wala na talaga akong maramdaman na kahit ano and I truly outcasted myself to the world.
Pero papano kaya talaga nalaman ng aking sekretarya ang kaarawan ko? Wala kasing ibang nakakaalam nito bukod kay nanay Ida.
'' h..how did you know?? '' taka kong tanong sa kanya.
Hindi naman umimik ang kaharap ko bagkus ay hinawakan niya ang aking nanlalamig na kamay para mailagay niya ang bulaklak na kanina niya pa hawak hawak.
Matapos yun ay iniangat naman nito ang cake at binati akong muli.
'' Happy birthday Mam Isabelle ''
My heart starts to beat erratically, first time kasi na may gumawa sa akin nito, to the fact pa na ang sekretarya ko na madalas kong napapagalitan sa pag di - day dreaming ang gumagawa nito sa akin.
Hinipan ko muna ang may sinding kandila bago muling ibinato ang tanong.
'' h..how did you know? ''
Pilit kong itinago sa boses ko ang biglang pagka utal na never pa sa tanan ng buhay ko na nangyari sa akin.
Nagbuntong hininga ito at inilapag ang cake sa mesa.
'' I just thought mam '' tipid nitong sagot.
Ofcourse hindi ko siya pinaniwalaan.
'' don't fool me Ms Gomez '' pigil galit kong sagot.
Tumitig ito sa akin at binigyan ako ng napakalabong sagot.
'' I just know mam please don't ask furthermore ''
Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa sagot niya, hindi niya ito nakita dahil bumawi agad ito ng tingin.
Napaka mysterious kasi ng datingan nito sa akin at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kaunting saya.
I didn't pry her more, isa rin naman kasi sa naging ugali ko ay ang huwag ipilit ang ayaw naman sabihin, dahil ganun din naman ako. Pinaka ayaw ko ay ang tanungin ako ng tanungin at piliting sumagot sa mga tanong na ayaw ko namang sagutin. Kairita kaya.
Kinuha niya ang disposable plate and fork at inilagay niya dito ang hinati niyang piraso ng cake.
Naglagay siya ng kaunti sa tinidor at plano itong isubo sa akin.
'' Mam dahil po kaarawan ninyo ngayon ay kailangan mong kumagat dito sa cake na hawak hawak ko ''
Napaurong ako at ang oa naman ata nun.
'' why should I? ''
'' nakaugalian na po kasi namin yun ng lola ko, so....''
Itinaas niya katapat ng bibig ko ang tinidor.
Wala na akong nagawa kundi ang ngumanga at kumagat sa ibinibigay niya.
Ngumiti siya sa akin at inilapag ang plastic fork sa lalagyan.
Hindi ko alam kung papano at bakit may nararamdaman akong kakaiba towards my secretary. Ang puso ko kasi ay halos hindi mapanatag sa pagtibok. Hindi ko rin maialis ang aking mga tingin sa kanya.
At nung akmang aalis na ito ay akin siyang tinawag.
'' Carrie ''
Lumingon ito sa akin pero nanatiling tahimik lang.
'' carrie right? ''
'' y..yes mam ''
'' I don't know how you discovered that today is my birthday and I understand if you don't want to tell it to me but with what you've done tonight was commendable. So tell me how can I repay you for this? ''
Umiling ito sa akin at ngumiti.
'' Just a simple thank you will do mam ''
I frowned at her.
'' but you know that I don't say thank you Ms. Gomez ''
Bigla kasi akong nainis alam naman kasi sa buong kumpanya na hindi ako nagpapasalamat talaga. Dahil ayaw ko.
'' then I'll wait until you say so mam ''
Muli kaming nagkatitigan and this time I feel this strange feeling, para akong nanlambot at nanghina. Pakiramdam ko rin ay nalulunod ako sa mga titig niya.
Dahil alam niya na I won't say anything more ay nagpaalam na ito sa akin.
'' Goodnight Mam Isabelle and Happy Birthday po ulit ''
Ngumiti ito sa huling pagkakataon at isinara ang pintuan.
And here I am again mag isa sa opisina ang kaibahan nga lang ay may sumilay na mumunting ngiti sa aking mga labi ng pagmasdan ko sa pangalawang pagkakataon ang cake at ang bulaklak na ibinigay sa akin ng aking sekretarya na may ngalang CARRIE.
BINABASA MO ANG
ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG)
Ficção Científica'' I never thought na mangyayari sa akin ito. It's 2018 already pero bakit may ganito? Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni lola. Yun ang akala ko. '' * Mataas ang ginawa kong pader para maprotektahan ang aking sarili. Napagtagumpayan ko ito ng mah...