Chapter 35 - Fixed Timeline

1.7K 61 2
                                    

- CARRIE -

'' The number you have dialed is not in service or out of coverage area, please try your call later ''

'' letse nakailang beses na ba na ang operator ang sumasagot sa akin? Kagabi ka pa izzy huh. Nasaan ka na ba? tsk bahala ka na muna nga kailangan ko itong gawin. ''

Bumaba na ako sa istasyon at sumakay ng tren. Pagkaupo ko pa lang ay naalala ko ang mga sinabi niya kagabi. It's really weird, bakit parang iba ang pakiramdam ko? Nagpapaalam na ba siya sa akin?

Marahas kong iniling iling ang aking ulo at iwinaksi ang nakakapagpabagabag sa akin.

Dahil hindi pa naman umaandar ang tren ay nag tingin tingin muna ako sa cellphone ko ng mga larawan namin ni izzy. Habang busy ako ay may biglang humawak sa braso ko na nakapagpatigil sa ginagawa ko.

'' carrie anong gagawin mo??? '' si papa

'' pa kailangan kong gawin ito '' determinado kong sagot. Alam ko naman kasi na alam niya ang plano ko.

'' Hindi bababa ka sa tren na ito at sasama ka sa akin ''

Hinila niya ako patayo na naging dahilan para mahulog ang lahat ng gamit ko sa bag. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at umupo para pulutin ang mga nalaglag.

'' ano to? bumalik ka para kunin ito!!! '' tukoy niya sa dokumentong ninakaw ko sa bahay ng kalaban.

Dahil sa sigaw niya ay nagsitinginan na sa amin ang mga tao. Inagaw ko sa pagkakahawak ng tatay ko ang nasabing dokumento at isinilid sa bag.

'' this will be the proof against him pa kaya huwag mo akong pakialamanan pakiusap po ''

'' Hindi! diba sinabi ko sayo huwag mong pakikialaman ang mga pangyayari doon ''

Binigyan diin niya ang mga sinasabi sa akin at pilit akong hinihila palabas. Dahil pumupumiglas ako ay may dalawang lalaki na humarang sa may pintuan.

'' may problema po ba tayo dito?? miss? '' tumingin sila sa akin.

'' huwag kayong mangialam, alis!! '' bulyaw ni papa sabay tulak sa dalawa.

'' aba hindi purke matanda ka kesa sa amin ay hindi ka na namin papatulan! '' badya na nilang susuntukin ang tatay ko kaya mabilis ko silang pinigilan.

'' HUWAG!! tatay ko siya, salamat pero okay lang ako ''

Ibinaba na nung dalawa ang mga kamao at tumango bago bumalik sa dati nilang pwesto kanina.

'' HALIKA NA! '' pilit pa rin niya.

Humawak ako sa bakal at nagsalita.

'' pa please, hayaan mo na ako. Ayaw kong mamatay si izzy '' pakiusap ko pa rin kasabay ng pagpatak ng aking luha.

'' Hindi mo alam ang magiging kapalit ng gagawin mo anak, tadhana niya ang mamatay kaya wala na tayo roon magagawa ''

'' meron '' pilit ko.

Hindi ko kasi talaga kaya na magising isang umaga na wala siya. Basta hindi ko kaya. Yun yun!

'' Anak  tama na! '' utos niya sa madiin at ma awtoridad na boses.

Nagawa niya akong mahila hanggang sa mismong may pintuan at ang isa kong paa ay nakalabas na. Nang mapansin ko na pasara na at aalis na ang tren ay ubod lakas kong itinulak ang tatay ko na nakapag paupo sa kanya sa sahig.

'' Patawad papa kailangan ko lang itong gawin! '' sambit kong umiiyak bago tuluyang sumara ang pintuan ng tren.

May patuloy na sinasambit ang tatay ko habang pilit pa ring humahabol sa akin, pero hindi ko na ito nakuha pa . Muli akong bumalik sa pagkakaupo ko na hindi pinapansin ang mga matang nakatingin sa akin.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon