- CARRIE -
'' ngiting ngiti ah, anong meron?? '' si nemia.
'' wala kaya, ngumingiti ba ako? '' pagkunway ko sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pag type sa harap ng computer ko.
'' ay hindi ka nga ngumingiti dahil ngumingisli ka(mas malalang term kesa pagngiti). Ang taray girl may kasintahan ka na ba? ''
Itinago ko ang pagkagulat sa sinabi ng kaibigan ko. Bigla kong naalala na ngayon ang araw na tinaningan ni izzy ang buhay ko bilang single, ayyy naku kahit itago at ipagpilitan ko pa kasi sa sarili ko na ayaw kong makipagrelasyon sa kanya ay mas nangingibabaw ang go for the gold, meaning ang pumayag sa kagustuhan ng boss ko.
'' kasintahan? yuck ha lola matilda ikaw po ba yan? ''
Pinalo ako nito sa braso ng hawak niyang logbook.
'' maka lola matilda ka diyan, purke kasintahan lang ang ginamit na salita? '' umirap ito. Tumawa naman ako.
'' eh kasi pwede naman yung makabago diba. ''
'' tseee pakialam mo ba! '' asik nito.
'' o siya sige at may gagawin pa ako '' paalam na niya
Pag kaikot nito ay eksakto naman ang paglapit sana ni izzy sa desk ko, tuloy nagkabanggaan yung dalawa. Agad humingi ng paumanhin si nemia sa boss namin. Alam niya kasi na mabubulyawan siya nito.
'' so...sorry po mam. Hindi ko po sinasadya '' yumuko yuko pa ito.
Pero kabaliktaran ang nangyari na labis niyang ikinagulat.
'' it's okay, no worries ''
Ibinaling naman ni izzy ang kanyang pansin sa akin at makahulugang bumati.
'' goodmorning carrie '' ngumiti lang ito at dumiretso na rin sa opisina niya without waiting for my answer.
Muling lumapit sa akin si nemia.
'' wow nakita ko yun, amoy malansa ah ''
Napakunot ako ng aking noo, mas ngumisi kasi ng nakakaloko si nemia.
'' hindi naman ako kumain ng isda ah ba't malansa? '' inamoy ko pa ang hininga ko para makasigurado.
Bumusangot ng mukha ang kausap ko sabay hila sa buhok ko.
'' maganda ka sana, inosente at engot lang '' sabay talikod nito sa akin.
Tiningnan ko lang ang kaibigan ko hanggang sa mawala na ito ng lumiko na sa kaliwa patungo sa kanyang sariling lamesa. Napailing na lang ako at iwinaksi ang sinabi niya na hindi ko talaga malaman kung anong ibig sabihin.
Naging normal naman ang maghapon, hindi ko nga ito expected eh, akala ko kasi mangungulit si mam isabelle pero hindi naman at bumalik ito sa pagkaseryoso sa pagtatrabaho.
Medyo disappointed nga ako na hindi ko alam kung bakit, makailang ulit na akong palabas masok sa loob pero hindi lang ako nito pinapansin, hindi kaya nagbago na ang isip niya? grabe naman kung ganun nga, may expiry date lang? kastress ha. tsk!
Eto na nga gabi na at hindi pa rin ako nito pinapansin bukod sa pag goodmorning niya kaninang umaga ay hindi na ito nasundan. May pangiti ngiti pa siyang nalalaman yun pala yun na ang una at huli ngayong araw.
Kabwisit talaga hmp!
Marahas kong kinuha ang bag at isinukbit sa balikat ko. Hindi ko na talaga ito hihintayin akala niya ha.
Makaalis na nga.
'' where are you going? '' nagsalita ito sa likuran ko.
Humarap ako na may inis pa rin sa mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/165718426-288-k634602.jpg)
BINABASA MO ANG
ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG)
Ciencia Ficción'' I never thought na mangyayari sa akin ito. It's 2018 already pero bakit may ganito? Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni lola. Yun ang akala ko. '' * Mataas ang ginawa kong pader para maprotektahan ang aking sarili. Napagtagumpayan ko ito ng mah...