Chapter 25 - The scar

2.1K 111 4
                                    

- ISABELLE -

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, hindi na rin namin naitago pa ang relasyon naming dalawa. Sa una pa naman talaga gusto ko naman itong ilantad si carrie lang ang may gusto na ilihim daw muna namin para maiwasan ang tsismis but the time has come hindi na rin napigilan ang pagkalat ng balita, pero wala naman akong pakialam kahit pa may mga naririnig rinig na akong mga iba't ibang komento tungkol sa aming dalawa.

Well basta walang masasaktan especially si carrie wala naman akong pakialam. Komento nila yun and I care less, as long I'm the boss and carrie is under my watch walang makakagalaw sa kanya. I can easily get rid of them kung sino man sila but thankfully wala pa namang nangahas, mabuti naman.

Naglalakad ako patungo sa puwesto ni ingrid na napag alaman kong kaibigan niyang matalik, nagtext kasi ako sa kanya at wala siya sa sarili niyang lamesa, ang sabi niya may kinukuha lang daw siya kay ingrid.

Palapit pa lang ako ay narinig ko na itong tumatawa. Nakita ko na nga ang likod nito, nakatayo siya sa harap ng lamesa ng kaibigan.

'' hey '' bati ko sabay hawak sa bewang niya.

Kapag nasa trabaho kami ay medyo pormal naman kami. The cue here is medyo pormal, hindi kami nag ki-kiss dito we're more on linking our arms and like this pahawak hawak sa bewang niya.

'' hey '' bati naman niya pabalik.

Bumati rin naman sa akin si ingrid na parang ilang pa rin even I told her not to anymore. Ang hirap naman daw kasi baguhin yung nakasanayan na. She got her point naman so hinayaan ko na lang din.

'' hi mam isabelle may kailangan po ba kayo? '' si ingrid.

'' ahm wala naman just your friend '' tumingin ako ng makahulugan kay carrie na inihilig naman ang kanyang mukha sa sahig. Nahihiya na naman at halatang halata ang pagkapula ng kanyang mga pisngi.

'' ahhh ganun po ba mam, pwede niyo na po siyang kunin '' sagot naman nito na may nakausling pigil na ngiti sa mga labi.

Napatingin tuloy sa kanya ang kaibigan at tinapunan ng tingin na may pag babanta.

Natatawa na lang ako sa loob loob ko ng may bigla akong naalala.

'' on the second thought is director Richards here? ''

'' yes mam you want to talk to him? sabihan ko po na nandito ka ''

'' No it's okay ako ng bahala '' ngumiti ako.

Bago ako pumasok sa opisina ng kakausapin kong tao ay bumulong muna ako kay carrie.

- CARRIE -

'' I have something for you later ''  - bulong ni izzy sa akin bago pumasok sa opisina ni Director Richards.

'' ui anong sabi ni boss? '' sinisiko siko ako ni ingrid na nasa katabi ko na nakatayo.

'' wala ''

'' wala daw bakit namumula ka dyan?? ''

'' namumula? hindi naman ah '' tanggi ko sabay hawak sa mukha kong nanginginit.

Si izzy naman kasi may pa something something pang nalalaman. Ayan tuloy.

'' ay sus first base na ba? ''

'' anong first base? '' parang tanga kong tanong kay ingrid.

Pinaikot niya lang naman ang mata niya sa akin.

'' hay naku naive here '' bumuga pa siya ng hangin.

'' ano nga? pwede namang sabihin na lang hindi yung may pang iinsulto kang pauna ''

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon