Chapter 13 - Let the love begin?

2.1K 129 9
                                    

- CARRIE -

'' friends alam niyo ba bumalik na ang boss nating bruhilda?. Oh my gosh!!! '' si Nemia, isa sa katrabaho ko na malimit din pagalitan ni mam isabelle sa pakikipag tsismisan, kagaya ngayon.

'' true ang saya pa naman last week at wala ito tahimik ang buong earth! '' sang ayon naman ni sarah sabay hatak ng envelope na hawak hawak ko.

Pumunta kasi ako dito sa section nila para ihatid ang envelope na para sa kapatid nito.

Napaupo muna ako saglit para ayusin ang stockings ko na nagkanda butas na hindi ko namalayan kung saan napatama. Tinawag naman ako ni ingrid para sarkastikong kumustahin.

'' ui friend carrie, kumusta naman ang buhay buhay natin dyan, nabugahan ka na ba ulit ng apoy ni boss?? '' ngingisi ngisi ito.

Umupo ako ng maayos at sumandal sa upuan.

'' huwag niyo naman pag usapan ng ganyan si mam Isabelle '' tugon ko sabay tingin sa aking kuko na hindi ko na pala nabibigyan ng pansin.

Bigla namang may kamay na humawak sa noo ko.

'' Carrie may sakit ka ba or na tipos?? '' si ingrid

'' Ano??? ''

'' eh kasi himala ata na pinagtanggol mo ang boss mo na boss nating lahat, samantalang dati rati ay ikaw ang nangungunang mangutya sa kanya! '' pinandilatan ako nito ng mata.

Nakapameywang naman na sumabad si sarah.

'' oo nga kulang na nga lang ay magpapirma ka ng kasulatan sa bawat empleyado dito para mapatalsik na itong si mam Isabelle, kaya nakapagtataka naman talaga na bigla bigla ay kumampi ka at ipinagtatanggol mo pa siya! '' nagpilantik pa ito ng kanyang kamay.

Tumango naman si nemia bilang pag sang ayon sa sinabi ng dalawa.

Tiningnan ko lang sila at ganun rin naman yung tatlo sa akin. Ngumiti ako at tinanggal ang kamay ni ingrid na nakalapat pa rin sa noo ko.

I stood up before them and say

'' huwag kayong mag isip ng kung ano okay? balik na ako sa trabaho ''

Iniwan ko ang tatlo kong mga kaibigan na naka awang ang mga bibig. Alam ko nagulat sila sa naging reaksyon ko towards mam isabelle, pero simula kasi ng masaksihan ko ang dalawang kabanata ng kanyang buhay ay biglang nagbago ang tingin ko sa kanya.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko but I feel somehow responsible to her. Pakiramdam ko kasi ibang katauhan ang inihaharap niya sa amin at ang totoong siya - si izzy ay nakakulong sa istrikta at masungit na boss ko.

Bumalik na ako sa aking pwesto, sa labas ng opisina ni mam isabelle. Paupo pa lang sana ako ng biglang tumunog ang telepono. Si boss pinapatawag niya ako sa loob.

Nagmadali akong pumasok sa opisina at naabutan ko itong may kausap sa telepono. She signal me to wait at yun ang  ginawa ko.

Matapos ang ilang sandali ay ibinaba na niya ang telepono at may kinuha sa kanyang drawer. Isang maliit na parisukat na kahon.

'' this is for you Ms. Gomez '' iniusog niya ang kahon papalapit sa akin. Nakatayo kasi ako sa mismong harapan ng kanyang lamesa.

'' ano po ito mam? '' tanong ko na hindi pa kinukuha ang kahon.

'' that's the payment for what you did for me on my.... you know ''  pinagdikit nito ng medyo madiin ang kanyang maninipis na mga labi.

'' pero hindi naman po ako naghihintay ng kapalit mam '' tanggi ko.

Tumayo siya at naglakad papunta sa aking harapan.

When she touched my hand nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya, para itong kuryente na nagmula sa malambot nitong kamay patungo sa akin.

Bigla rin akong kinabahan ng ito'y mas lumapit pa. Mas lalo ko pang naaamoy ang pabango nito na halos namamayani sa buo nitong opisina. Sa sobrang lapit ni mam Isabelle ay para na tuloy akong napako sa kinatatayuan ko.

Hindi na rin ako nakakahinga ng maayos dahil natatakot ako na baka kapag ginawa ko ay baka ako lalong mahimatay, grabe na kasi ang kabog ng dibdib ko.

Pero bakit kay mam isabelle ko lang ito nararamdaman??

Nanindig ang balahibo ko ng mas inilapit pa nito ng husto ang kanyang mukha sa akin. Naka tatlong lunok na nga ata ako ng nakabarang laway sa aking lalamunan nang bigla nitong inilihis ang focus ng kanyang makinis at magandang mukha sa gilid.

Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga ng siya'y bumulong

'' don't wait for a miracle to happen. I won't say thank you to you ''

gosh ang husky ng boses ni mam!

Matapos ng kanyang sinabi ay tumindig na ito ng diretso at naglakad pa balik sa kanyang upuan.

'' you may leave '' sambit nito na nakapag pabalik sa aking ulirat.

'' y...yes mam '' sagot ko na parang nahipnotismong lumabas ng opisina.

Hindi ko na rin namalayan na hawak hawak ko na pala ang maliit na kahon na iniaabot niya sa akin.

Ayaw ko naman talaga itong tanggapin, hindi naman kasi ako yung klase ng tao na kapag may ibinigay ay naghihintay ng kapalit. Kahit hindi naman kami mayaman at si lola lang ang gumabay sa akin ay masasabi ko naman na napalaki ako nito ng maayos.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito ang boss ko. Bukod sa hindi na masyadong nagsasalita ay hindi mo rin maintindihan '' palagi ''.

Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko pa rin ang napakalakas nitong pag kabog. Naloloka na talaga ako bakit ba  ganito na lang ang epekto sa akin ni mam?

Iwinaksi ko na naman si mam isabelle sa aking isipan at binuksan ang kahon na ibinigay niya.

Naninirahan na kasi talaga ang boss ko sa utak ko at inaamin ko na its starting to freak me out.

Balak ko naman itong isauli sisilipin ko lang ang laman. Baka diyamante eh ha ha ha pero joke lang titingnan ko lang talaga.

Pagkabukas ko sa kahon ay isang hindi ko inaasahang surpresa ang sumambulat sa akin. Sa buong pag aakala ko ay isang mamahaling krystal o diyamante ang laman nito subalit mas mahal pa pala ang nasa loob.

Isang kapirasong papel ang nakita ko na may nakasulat na...

Let me say thank you properly tonight. Have a dinner with me.

Ang pagkabog ng dibdib ko ay trumiple ng mabasa ko ang nakasulat. Ikinusot kusot ko pa ang aking mga mata at baka pinaglalaruan lang ako ng aking isipan.

Pero hindi! totoo talaga at sa hindi na naman inaasahang pangyayari ay halos mapatalon ako sa tuwa with the thought na lalabas ako with Izzy for a date?

what the heck carrie, a date???

Agad kong sinampal ang aking pisngi para ako'y matauhan, kailan pa kasi ako na excite na lumabas kasama ang isang babae??

ngayon!  - sabi ng utak ko.

Tama ngayon ngaaaaaaa!!!!!!

and wtf  kinakabahan talaga ako!!!!!!!!!!

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon