Chapter 18 - terror boss

2K 121 13
                                    

- CARRIE -

I was absent for three days dahil sa biglaang pagkakasakit ni lola matilda. Bilang nag iisang kasama niya sa bahay hindi ko naman ito pwedeng pabayaan. I called to the office para ipaalam ang pag absent ko and they granted it naman. And now after my absent nakabalik na akong muli. Like old days tambak na naman ang lahat ng gawain ko. I was so busy scanning all the papers when pearl started a chit chat with me.

'' ui girl kumusta si lola? ''

Sumulyap lang ako sa kanya na nakapwesto sa harapan ng desk ko.

'' sa awa ng diyos okay na siya ngayon, ewan ko ba kay lola at bigla na lang nilagnat. Kinabahan tuloy ako at alam mo na paranoid here akala ko konektado sa sakit niyang diabetes, may sugat pa naman si lola gawa ng nahiwa siya ng kutsilyo last time '' sa haba ng sinabi ko ay sa wakas nakahinga na ako.

'' ganun? ay naku ang hirap talaga kapag may diabetes tumatamis lahat baka next time langgamin na si lola ''

Inirapan ko si pearl nagawa na naman kasing magbiro, walang hiya talaga.

'' ui nakita ko yun ah, inirapan mo ako! ''

'' eh papano ba naman nakuha mo pang magbiro '' anggil ko.

'' eto naman I'm just trying to cheer you up ang toxic mong tingnan eh, nakikita ko na nga na ang daming papeles nakapatong sa magkabilaan mong balikat, gusto mo tulungan kita? ''

'' ay ewan ko sayo! '' umirap ako ulit. Tumawa lang naman siyang mahina.

'' but I'm glad na okay na si lola ''

'' salamat ako rin naman eh, nakakatakot rin kasi yung matanda. Hay naku siya na lang pati ang kasa - kasama ko sa buhay ''

'' true! kaya naman maghanap ka na ng boyfriend '' walang preno nitong sambit sa akin.

'' sira! wala pa yan sa isip ko noh atsaka work muna bago landi.. '' kinindatan ko siya.

'' landi agad?? kaloka ka talaga bakit ba pag dating sa boys or relationships landi palagi ang term mo??? kaurat kaya '' nag inarte pa talaga ito sa harap ko.

'' alam mo bwisit ka talaga ang aga aga puro ka tsismis bumalik ka na nga sa pwesto mo '' pagtataboy ko sa kanya.

'' O siya sige alis na ako, but before that I want you to give a head start. ''

Napataas ang isa kong kilay.

'' what?? ''

'' beware sa mahal na dragona nung wala ka ay naku palaging galit si boss. Kaya goodluck '' pananakot niya sabay ngisi sa akin bago umalis.

Naisip ko na lang ano pa namang bago dun palagi namang ganun si mam isabelle and speaking of biglang nag ring ang telepono - si mam.

Pumasok ako sa kanyang opisina just to see her standing beautifully just a few more steps from the door, nagulat tuloy ako.

'' mukhang magugulatin ka Ms.Gomez, ganun ba ako kapangit or nakakatakot para ganyan ang maging reaksyon mo? ''

Napa awang ang bibig ko sa sinabi niya. Parang umiba ang ihip ng hangin at bigla itong naging madaldal.

'' N..no mam, nagulat lang po talaga ako na nandyan ka nakatayo parati naman po nandun ka nakaupo '' tinuro ko swivel chair niya.

'' so do you mean wala akong karapatang tumayo dito??? ''

ay ang sarkastiko naman ni boss, ano bang problema nito?

'' Hindi ko naman po sinabing ganun '' napayuko ako.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon