Chapter 22 - Business-like

2.1K 113 13
                                    

- CARRIE -

Palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung papano nahanap ng musmos na lola matilda ang subway na sinakyan ko going back to this year. And what unnerved me the most was her grin. You imagine a 5 or 6 years old girl smiling at you from ear to ear habang nag wi-wave ng hand niya. Okay lang naman sana eh normal naman yun pero isama mo ang sitwasyon na nagbobombahan at nagbabarilan, parang wala na lang sa kanya yun. Pati nga yung panginginig niya when I first saw her ay biglang nawala. Medyo natakot talaga ako kay lola that's why when I get home last night dumiretso ako sa kwarto ko at hindi na sumilip sa kanya katulad ng aking nakagawian.

'' hay ''

Bigla namang may napakalamig na kamay na humawak sa balikat ko, ramdam na ramdam ko ito sa suot kong sando.

'' Apo?? ''

'' AYYY BULATE!!!! '' nagkanda lundag lundag ako mula sa pagkakaupo.

'' Ano ba at sumisigaw ka dyan?! '' sigaw din sa akin ni lola. May pagtataka sa kanyang mukha.

Tinanggal ko ang kamay sa aking dibdib.

'' la naman kasi bakit po ang lamig ng kamay mo? Nagulat po tuloy ako ''

'' Eh humawak kasi ako ng yelo, nakakahiya pati roon sa magandang binibini na bisita natin sinamahan pa akong bumili sa tindahan ''

'' bakit hindi mo po kasi ako tinawag at teka po may bisita tayo?? ''

'' anong hindi?? kanina pa kita tinatawag halos mamaos na nga ako kaya ayun tuloy siya pa ang sumama, nakakahiya sa kanya. Atsaka labasin mo na ireng bisita at kanina pa yun ''

Pinalo pa ako nito sa braso bago lumabas, inis na naman ata sa akin si lola kaya tumatanda eh ha ha.

sino naman kaya ang bisita? baka ang bwiset na si ingrid na naman or si nemia kaya??

Pagkalabas ni lola ay sumunod na rin ako na pupungas pungas pa, pero para akong nabuhusan ng ice bucket ng makita ko kung sino ang tinutukoy na bisita.

'' hi '' bati nito kasabay ng pagtayo.

'' mam?? '' taka at gulat ko na pagsagot. Kumunot ang kanyang noo.

'' Isabelle '' pagtama niya.

'' Mam isabelle '' ulit ko

She rolled her eyes

'' ISABELLE''

Tipid at tago akong napangiti ang cute niya kasi mag inarte, wahahaha!

'' okay isabelle anong masamang hangin ang nagdala sayo dito? ''

Pagkasabi ko ay parang gusto ko ng matunaw sa hiya hindi dahil sa pinakawalan kong mga salita kundi dahil pinapasadahan na naman niya ako ng tingin mula taas pababa in a slow manner. Bigla tuloy akong naconscious bukod kasi sa sando ay nakashorts lang ako. She smirks.

gosh!

Pakiramdam ko tuloy ay natuyo na ang lahat ng tubig sa katawan ko, isama niyo pa ang aking dugo.

I gulped.

'' ahm ahm baka pwede namang huwag ka ganyan makatingin ''

'' iha meryenda ka muna '' sabad ni lola, kalalabas pa lang galing sa kusina.

Inilapag nito ang pitsel ng juice na kanyang dala dala bago tumingin sa akin.

'' maging maayos kang host ha '' sabi niya na animo'y nagbabanta.

Napanguso tuloy ako akala kasi ni lola sinusungitan ko lahat ng pumupunta dito sa bahay para hindi tumagal at umalis na, ayaw ko kasi talaga na tumatanggap ng bisita kahit kaibigan ko pa yan.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon