Chapter 14 - Stucked!

2.1K 123 15
                                    

- ISABELLE -

Naging busy ako nitong huling linggo after my birt---- you know (ayaw ko talagang binabanggit yang okasyon na yan)

Ganito naman ako palaging tutok sa trabaho, kahit may time to relax I still don't grab it kasi nakakatamad lang din naman, mas sanay ako ng madaming inaasikaso.

Pagka uwi ko nga sa bahay last time ay agad ko ring ni review ang mga dinala kong papeles para pirmahan ng maalala ko ang aking sekretarya na si carrie.

Naisip ko na I have to repay what she did for me. Ayaw ko rin kasi na magkautang na loob sa kanya o kahit kanino man.

Carrie!

Ang ganda ng name niya and to tell you what, siya lang yung tumagal na sekretarya ko. Yung iba isang sigaw ko lang ay wala na kinabukasan, nag awol na. Siguro before her naka apat na ako. Sanay naman ako na papalit palit ang mga nakakahalubilo ko and I really don't care.

Nag isip ako ng magandang pakulo, wait bakit mapakulo pa ako??? hmmmmm pero bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay nagawa ko na ang note na nagsasabing makipag date  siya sa akin.

whuuut date!????

No no no!!!! just dinner....

D.I.N.N.E.R!!!!!!!!!!

At san ba nagmula ang salitang date???

tsk.

Unang una never naman ako na attract sa babae at mas lalo nang hinding hindi hindi ako makikipag date noh!

Magunaw pa ang mundo hindi talaga!!

------------------

Time na para sa boss and employee dinner namin ni carrie. Yan na yung naisip kong term, kasi hindi rin naman kami friends para sabihing friendly dinner at mas lalong hindi kami lovers.

Napapailing ako sa tuwing maiisip ko na maaari yun mangyari sa aming dalawa.

Just eeewwww!!!

Hinintay ko muna makaalis ang lahat ng empleyado bago ako lumabas ng opisina. Ayaw ko kasing ma tsismis, lalo na sa sarili ko pang kumpanya. Alam na alam ko pa naman na grabe ang pagka interes ng mga empleyado ko sa akin. Parang wala ng mga ginagawa kundi ang may makalap na kahit kakaunting impormasyon tungkol sa akin.

Pagkabukas ko ng pintuan ay agad kong naamoy ang pabango ni Carrie. Halos napangiti pa ako ng magulat ito ng ako'y kanyang makita na lumabas na.

Agad itong napatayo para bumati.

'' goodevening mam ''

Kagat labi ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa and I know she feel intimidated, medyo namula kasi pisngi nito at napadako ang kanyang tingin sa ibaba.

'' let's go '' malamig kong aya at nauna na akong naglakad.

Pagkatalikod ko ay nagpasimple ako ng pagngiti, ewan ko ba basta napapangiti lang ako. Nararamdaman ko naman na sumusunod siya sa likuran ko at naririnig ko ang mahina nitong mga yabag.

Pagbukas ng elevator ay nagpatiuna na ako at sumunod siya. Nasa 40th floor kami, so malayo layo pa ang lalakbayin namin bago makababa.

Nakatayo kami sa magkabilaang gilid. Hindi kami nagpapansinan at never din nagkatinginan. Nakailang floor na rin naman ang elevator, sumulyap ako saglit para makita kung anong palapag na kami 30th pa lang.

Banayad naman sana ang lahat, tahimik at awkward. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa siya niyayang lumabas ayan tuloy nagsisimula na akong hindi mapakali.

At kapag minamalas ka nga naman ay biglang tumigil at nawalan ng ilaw ang elevator.

'' aaaaaaaaahhhh!!!!! '' sigaw ng kasama ko at sumunod ay naramdaman ko na lang na may yumakap na sa akin.

- CARRIE -

Medyo nagulat ako ng makita ko ng lumabas si Mam sa kanyang opisina and as usual tinapunan na naman niya ako ng matatalim niyang mga tingin. Kung nakakatusok lang siguro ito ay marami rami na akong sugat na natamo at kailangan ko na itong takpan ng band aid para hindi dumugo.

Tapos hindi pa ito nakuntento at pinasadahan niya pa ako ng intimidated niyang look from head down kaya napatingin ako sa sahig.

Kainis naman si mam talaga, para na tuloy akong naiihi sa kaba.

'' let's go '' aya na nito na wala man lang ka emo-emosyon, may pagka robot talaga siguro ito eh. hay naku naman talaga!!

Nagpatiuna na ito hanggang sa pagsakay ng elevator, nasa magkabilaang gilid kami at walang kibuan.

Pigil na pigil na nga ako sa aking paghinga ay bigla pang tumigil ang elevator at nawalan ng ilaw.

Napasigaw ako ng ubod lakas at napatakbo at yumakap sa boss ko. Sa takot ko ay hindi na ako nakapag isip basta ang gusto ko lang ay may mayakap. Narinig ko na napasinghap si mam isabelle, napahigpit kasi pagkakayakap ko sakanya.

Naramdaman ko pa na nagtama ang aming mga dibdib at naisubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg.

Deadma na ako kung magsungit si mam after this pero natatakot kasi talaga ako. Ang dilim dilim pa...

Ano ba naman yan!

'' Carrie, are you okay?? '' mukhang may concern naman sa boses nito.

'' t...takot po kasi a...ako mam sa d..ilim! '' nauutal at nangangatal kong pagsagot.

'' don't worry I'm here '' she answered.

Ang husky talaga ng boses nito, napapakalma niya tuloy ako until I feel her arm encircle around my waist. May kiliti talaga ako sa tagiliran pero tiniis ko ito, nakaramdam kasi ako ng init sa paghaplos ng braso nito sa akin.

I feel so at home.

Hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko hanggang sa hindi ko na rin natiis at inikot ko na ang dalawa kong braso sa leeg nito at mas ibinaon pa ang aking mukha.

I could feel my heart thumping so hard. First time ko na maging ganito and I don't want this to end, pwede bang dito na lang ako? Ang bango bango ni Izzy, ipinikit ko ang aking mga mata at nag flash back na naman sa akin ang unang pagngiti nito.

Ang cute at napakaganda ng batang isabelle, mukha itong anghel talaga. I wish na ganito pa rin siya ngayon.

Gusto kong makita ng malapitan ang mukha ni mam Isabelle kaya kahit madilim ay gusto ko itong maaninag.

Itinaas ko ang aking mukha na eksakto lang para makatapat ang kanya. I trailed her jaw with my fingers, nagulat pa nga si mam dahil I feel her body stiffined.

Pinasingkit ko pa ang aking mga mata para makita ko siya ng buo, hanggang sa bumalik na naman sa aking isipan ang umiiyak na dalagitang Isabelle. Naawa ako kaya aking pinunasan ang mga luha nito at pakiramdam ko siya yung kaharap ko.

'' Ms Gomez?? ''

Narinig ko na tinawag niya ang apelyido ko. Pero hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili. Parang hindi na ako ang nasa loob ng katawan ko.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya until I almost touch her lips, napalunok ako. I tried to suppress the urge to kiss her. Pero may kung anong nagudyok sa akin and I leaned forward and connect my lips to hers.

At bigla ng bumukas ang ilaw at nagsimula ng umandar ang elevator.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon