Chapter 10 - Cake and Flowers

2.1K 127 8
                                    

Present Time

- CARRIE -

'' carrie pinapatawag ka ni mam Isabelle ''

'' carrie!!!! ''

May humawak sa balikat ko..

'' huh? bakit?? '' sambit ko kay pearl na isa rin sa aking katrabaho.

'' anong bakit?? kanina pa kita kinakausap, sabi ko tawag ka ni mam Isabelle ''

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at agad napatayo sa kinauupuan ko ng mabanggit ng kausap ko ang pangalan na kagabi pa umiikot at gumugulo sa aking isipan.

Hindi na ako sumagot pa kay pearl at agad na kumatok at pumasok sa opisina ni mam Isabelle.

Pagkapasok ko ay napansin ko siya na nakatayo, nakaharap sa may bintana at nakatingin sa kawalan.

'' mam nandito na po ako '' mahina kong sambit.

Lumingon ito sa akin na nakataas kaagad ang isang kilay. Alam ko magsusungit na naman ito at dati sa ganitong pagkakataon ay halos galit na galit na ako sa loob ko but this time ay wala akong maramdaman kahit na inis man lang.

Napatitig ako sa kanyang mga mata at ngayon ko lang nakita na bakas dito ang lungkot na natatabunan ng masungit niyang ekspresyon sa mukha.

Napapikit ako ng maalala ko ang unang ngiti sa akin ng batang isabelle at ang pag hagulhol niya ng pumanaw ang kanyang ina.

Hindi ko mapigilan na maawa sa boss ko lalo na at hindi ito halos nagsasalita maliban na lang kung tungkol ito sa trabaho o kung papagalitan niya ako at ang iba pang empleyado.

'' ms. Gomez are you okay? '' tanong niya sa akin.

Nagulat ako ng pagmulat ko ng aking mga mata ay nakatayo na ito sa aking harapan hawak hawak ang isa kong balikat.

'' are you okay? '' ulit niya.

Tumango lang ako dahil pakiramdam ko ay umurong ang aking dila kaya hindi ko magawang makapagsalita.

Napatighim muna ako ng mahina bago sumagot sa boss ko. Tinanggal naman nito ang pagkakahawak niya sa akin.

'' ahm pinapatawag niyo daw po ako mam? ''

'' ah yes kanina may iuutos sana ako but it's all settled now kaya pwede ka nang bumalik sa pwesto mo '' sagot niya sa hindi kasungitang tono ng pananalita.

Yumuko ako ng bahagya sa kanyang harapan bago nagpaalam. Iikutin ko na sana ang hawakan ng pintuan ng ito'y bigla muling nagsalita.

'' you sure you really okay? ''

Hindi ko alam kung sa pandinig ko lang may kakaiba but her voice sounds so concern. Umikot ako at nagtama ang aming mga paningin na nakapagpatindig sa lahat ng aking buhok sa katawan.

Alam ko ito yung unang beses na kami ay nagkatinginan sa mata, pero bakit may ganito akong nararamdaman? Sa ibang tao naman at sa mga kaibigan ko ay wala akong maramdaman na ganito pero bakit kay mam Isabelle??

hay ano bang nangyayari sa akin???

'' Ms gomez? I'm asking you? ''

Nang hindi pa rin ako makasagot ay lumapit ito sa akin. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at inilapat ang likod ng kanyang palad sa aking noo para pakiramdaman kung mainit ba ako.

Ang aming malapit na distansya ang nagpakaba sa akin. Nagsimula ng kumabog ang dibdib ko at halos pagpawisan na ako sa singit at kili kili.

Naiintimidate lang kaya ako? kaya nararamdaman ko ang ganito??? 

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon