Chapter 20 - The Wrong Travel

2.1K 106 359
                                    

- CARRIE -

Sa sobrang inis ko sa boss ko ay nagmadali kong kinuha ang bag ko. Like my fury feeling my heels harshly click clacking against the solid floor. Nakatingin lang naman sa akin ng may pagka mangha ang iba kong ka officemates, dahil hindi sound proof ang opisina ng bruhildang si isabelle na kung gaano kinaganda ng pangalan at itsura ay siya namang ikinasama ng ugali ay malamang narinig na ng buong mundo ang palitan namin ng sigaw.

Hindi ko na lang sila pinansin maging ang mga kaibigan ko na sumalubong pa sa akin. Binangga ko lang sila at tumuloy ng elevator. Eh sa galit talaga ako bakit ba???

Pagkalabas ko ng teritoryo ni bruhildang maganda ay isa lang ang naisip ko ang mag time travel at pumunta sa mabait na izzy, pero bago ko tinungo ang subway ay tinawagan ko muna si kuya manuel para may klaruhin sana. Nag ri-ring lang ang cellphone nito, naka 5times na ata akong tawag pero wala pa rin. Nakadagdag pa tuloy siya sa pagkainis na nararamdaman ko.

Kung kanina ay kasing taas pa lang ng eiffel tower ang inis ko ngayon ay kasing haba na ng great wall of china, kaasar!

Halos pabalya kong tinungo ang station at pumasok na sa tren. Umupo ako at nagsimula na itong umandar, mga ilang minuto na rin siguro ang nakakalipas when I discovered na ako lang mag isa sa tren. Naglakad lakad ako para tumingin kung may kasama ako, baka kasi nasa dulo lang nakaupo, nakarating na ako sa pinakadulo at wala akong nakita.

Umupo akong muli at hinayaan na lang wala naman siguro mangyayari sa aking masama. Nang makita ko nang malapit na kami sa boudary kung saan ko nararamdaman ang kakaibang pwersa ay pumikit na ako, ang masiste niyan ay hindi ako nakapag concentrate dahil biglang lumabas ang masungit na mukha ni isabelle. Napa agrunong ako sa inis at napapalatak. Until I feel the train ceased already.

Humawak ako sa handle para sa pagtayo, medyo nahilo kasi ako. When I finally standing up ay pinakiramdaman ko muna ang aking sarili and when I know that I am doing fine ay nagsimula na akong maglakad palabas to meet izzy.

Pagbukas ng pintuan ay excited akong umapak sa taong' hindi pa masungit ang boss ko. But something seems so different, makalumang makaluma ang paligid ko and what scares me the most paglingon ko sa likuran ay biglang nawala yung tren. Wala akong naging choice kundi ang umakyat na palabas ng station.

Ulo ko pa lang ang nakalitaw at papaakyat pa lang nga ako ng biglang may sumabog sa di kalayuan. Mabilis akong napalingon at nagulantang ng makita ko na nagtatakbuhan ang mga tao, yung itsura na parang may humahabol sa kanila, then I saw tons of soldiers. Sa itsura nila at ng kanilang mga damit na suot ay mukha silang mga hapones, kumurap lang ako ay may bigla na namang sumabog sa may kalapit ko.

Nanginig ako ng mapagtanto ko na ang sumabog ay isang bomba. Inuulit ko po BOMBA!!!!

Teka bakit may bombahang nagaganap at may mga sundalo???

Wala pa akong maisip na rational explanation sa nangyayari at napatakbo na rin ako kasabay ng ibang mga tao na hindi ko mga kilala. Sigaw na ako ng sigaw dahil may bumabaril sa amin, mabuti na lang din sanay na sanay ako sa  may takong at mabilis pa rin akong nakatakbo.

Patuloy ang pagsigaw ko ng may sumabog na namang bomba sa di kalayuan, sa lakas ng impact ay tumilapon at natumba ako kasama ng iba pa, naputol na rin bigla yung takong ko dahil sa mga batong nakakalat sa paligid. Pero pasalamat pa rin ako dahil galos lang natamo ko dahil yung iba ay napuruhan at namatay infront of my eyes. Pakiramdam ko namanhid ang buo kong katawan, naguguluhan ako. Umiikot na rin ang paningin ko sa buong paligid habang nakadapa sa lupa.

May nakita akong paslit na batang babae na nanginginig sa takot, nakatago ito sa gilid ng isang nasabugang bahay.

Gumapang ako papunta sa kanya, ginaya ko yung sa mga napapanuod ko kaya para ng ewan ang itsura ko. Without hesitation ay niyakap ko yung nanginginig na bata gamit ang mas nanginginig kong katawan.

Tiningnan lang niya ako at halata sa kanyang mukha ang pagtataka, ibang iba kasi suot ko kumpara sa lahat ng tao dito. Mabuti na lang din pala at nag jeans ako ngayon at hindi nag pencil cut na palda na yung pang opisina talaga, dahil kung nagkataon ay baka nahuli na ako ng mga hapones.

My god bakit ba ako napunta dito?

Maya maya ay may babaeng lumapit sa amin at tinawag yung bata na yakap ko.

'' matilda anak ayos ka lang ba ha? '' yung babae, pero saglit matilda??

Napa second look ako, hindi kaya siya ang lola ko? Kung nasa ibang sitwasyon lang siguro kami ay nausisa ko na yung babaeng lumapit, pero mas mahalaga na huwag kami ditong mabomba at mabaril kaya yun muna dapat ang focus.

'' ahm a...a...a..le ano po bang na....nangyayari?? '' nangangatal kong tanong.

Bago sumagot yung babae ay pinasadahan ako nito ng tingin, malamang gawa sa kasuotan ko kagaya ng naturan ko kanina.

'' Ineng ano ka ba naman Giyera ito kontra hapones, world war 11 '' para atang medyo nainis sya sa akin, o baka pakiramdam niya ang tanga ko at di ko alam na digmaan ngayon.

Napanganga na lang din ako sa sinabi ng ale na malamang sa malamang ay great grandmother ko. So nasa pagitan ako ng taong 1939 - 1945 ?? yung pananakop at pagsagupaan ng mga bansa kontra kay Hitler???

Kamuntikan na sana akong mawalan ng ulirat kung hindi ko lang narinig muli ang isang malakas ng pagsabog at mga putok ng baril.

Dahil yakap na ni great grandmother ko si lola matilda ay sinapo ko ng dalawa kong braso ang aking ulo para maprotektahan ito from anything na lumilipad na maaaring kumitil ng aking buhay.

Pero papano nga ba ako napadpad dito?? Hindi kaya dahil bago ako mag time travel ay galit ang nararamdaman ko? base kasi sa nabasa ko at sa sinabi ni kuya manuel, ang bawat traveller ay may kanya kanyang puwersa na kailangan kontrolin pero ang oa naman ng napuntahan ko at talagang world war???

Hindi naman po ito ang gusto ko. Ayokong mamatay sa mga kamay nila.

Bakit ba hindi ako nagfocus!!!!!! tanga mo carrie, ngayon papano ka makakabalik nawala bigla yung subway.

Biglang tumulo ang luha ko dala ng magkakahalong emosyon. Kasalanan to lahat ng isabelle na yan akala niya gagantihan ko siya, hintayin niya lang akong makabalik.

Hintayin niya lang ako....

pero....

papano???????

Ayaw ko po ng digmaan???!!!😭😭

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon