Chapter 2 - The confusion

2.8K 131 10
                                    

* Jan.8 2017 - a year and 1 mnth before/ Past *

- CARRIE -

I was stunned, nakatitig lang ako sa phone ko at hindi makapaniwala sa nakikita ng aking mga mata. Kanina kasing umaga ay sigurado ako na Feb. 8 2018 ang date maging sa cellphone ko, pero ngayon bakit ganito???

'' apo? tama naman ang petsa sa telepono mo at yung sabi ko. Ano bang nangyayari sayo? ''

Nang hindi ako nakasagot ay itinapat ni lola ang mukha niya sa akin at ako'y tinitigan.

'' gutom lang yan apo, kumain ka na ''

Ang boses ni lola ay tila nag echo sa isip ko.

gutom lang yan apo, kumain ka na

gutom lang yan apo, kumain ka na

gutom lang yan apo, kumain ka na

gutom lang yan apo, kumain ka na

At bigla akong napatayo pagkalapag ko ng kubyertos. Napalakas ata ang pagbagsak ko at napasigaw si lola.

'' AAAY KABAYO!!! ano ka ba namang bata ka papatayin mo ako sa gulat!! '' bulyaw sa akin ni lola.

Napaurong kasi ito ng mga ilang hakbang at napahawak sa dibdib niya.

'' sorry po la '' mahinahon kong pagsimula.

Inikot ko ang aking mga mata sa loob ng bahay at patakbong tinungo ang aking kwarto. Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong sa desk na malapit sa bed ko, na automatic kasi ang paglipat ng petsa nito kaya alam ko na magiging tama dito.

Shit 2017 tlga?

Napahawak ako sa ulo ko at feeling ko ay nahihilo ako. Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata si lola na takang taka sa ginagawa ko. Nakahawak pa rin ito sa dibdib niya at ang salamin nito ay halos nasa may gitna na kanyang ilong.

Tinungo ko rin ang mga drawers ko para makita yung mga pinag design kong mga damit dati. May mga date kasi yun at may isa akong ginawa kagabi kaya alam ko na nasa may ibabaw lang ito nakalagay.

Hinila ko ang drawer at binulatlat ang iginuhit ko ng feb. 7 2018 pero wala??? ang latest ay Jan. 7 2017.

Napaupo ako sa kama, nakaramdam ako ng panghihina. Hindi to totoo...

Naramdaman ko na lumapit sa  akin si lola at humawak sa balikat ko.

'' Apo ano bang nangyayari sayo? '' mahina nitong tanong.

Nilingon ko siya.

'' la 2018 nga po ngayon, bakit po ba 2017 lahat ng nakikita ko? nalilito ako '' halos mangiyak ngiyak kong saad.

Napabuntong hininga si lola at tinapik tapik ang aking balikat.

'' tama na ang kaka panood mo ng may mga kapangyarihan ha mukha kang adik apo. Ikaw pa nga ang nagsabit nung kalendaryo kagabi sa may telebisyon eh '' Itinuro niya ang labas.

'' pero lola maniwala ka po sa akin 2018 na po talaga!! '' ungot ko sabay kamot sa ulo, nagkanda laglag na rin yung mga pinag drawing kong damit sa sahig ng kwarto at nanghina na talaga ako ng tuluyan.

'' Ineng tama na yan!!!! '' medyo napalakas na ang boses ni lola. Naiinis na ata sa akin.

Nag uungot pa rin ako na lumabas ng kwarto.

'' hep! san ka pupunta??? ''  nakapamewang si lola.

'' sa labas po '' sagot kong labas sa ilong.

'' siguraduhin mo na ititigil mo ang 2018 mo ha at para kang engot sinasabi ko sayo '' asik pa rin ni lola sabay ayos ng salamin nito sa mata na muntik ng mahulog sa sahig, buti nasambot niya pa rin.

ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon