- CARRIE -
Mabilis at kalkulado ang bawat paggalaw ko simula sa pagpasok ng main entrance ng kumpanya hanggang sa makarating na ako sa elevator papaakyat sa aking pwesto. Kailangan ko kasi na mag ninja moves para makaiwas kay ano....kay......kay.....m.. mam.
Ugh!
Dinukot ko ang salamin sa kulay abo kong hand bag para makita ang nangingitim kong eye bags.
Mukha na tuloy akong panda sa itsura ko ngayon tsk !
Hindi kasi ako nakatulog kagabi. Naiimagine ko pa rin kung papano ako nagmukhang tanga ng hinalikan ko ang ba.ba.eng may ari ng kumpanya na aking pinagtatrabahuan.
I repeat BA.BA.E!!!!!!!
Napasandal ako sa dingding ng elevator ng magsimula na itong umandar pataas.
Breathe in breathe out
Breathe in breathe out
Paulit ulit kong pagpapasunod sa aking sarili.
Bakit ko ba yun ginawa???
Pinukpok ko ng mahina ang aking ulo sa kagagahan na naisip ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa kukute ko that time at bigla ko siyang hinalikan.
Napapangiwi na ako at nanlalamig na parang lalagnatin habang papalapit na ng papalapit ang floor kung saan ako at si mam Isabelle ay magsasama.
38th
39th
Bago mag 40th ay nanawagan na ako sa lahat ng santo at nag sign of the cross na hindi ko na mabilang.
Lord I need your guidance.
pleaaaaase!!!!
And ding 40th.
Bumukas na ang pintuan at para na akong nauupos na kandila sa aking nararamdaman. Ang dibdib ko ay walang kasing lakas na naman ang pagkabog at animo'y may bayad na napakamahal ang hangin dahil hindi ako halos humihinga.
Ang medyo may kalakihan kong mata ay mas pinalaki ko pa para lang maispatan ko kaagad ang taong nais kong pagtaguan.
Tumingin muna ako pakanan at pakaliwa, at ng akin ng masigurado na safe pa ako ay dali dali akong lumabas. Sa simula ay parang mabilis lang akong naglalakad hanggang sa para na akong sinilaban at patakbo ko ng tinungo ang lugar ko.
Mabuti na lamang at wala pa ang ibang empleyado sa floor kaya walang nakakita sa ginawa kong mga galawan. Palagi naman kasi talaga akong maaga, alam niyo na early bird catches the worm at iwas traffic na rin.
Tumingin ako sa orasan, 7:30 pa lang. Nagsimula na ako sa dati kong nakagawian, eto ay ang magtimpla ng kape na dapat ay para sa boss ko mamaya but this time ay para sa akin muna.
Nakangiting hihigop na sana ako ng bigla na lang lumabas sa kanyang opisina si Mam Isabelle. Sa gulat ko ay muntik ng mahulog ang mismong tasa sa sahig kung hindi ko ito kaagad naagapan.
Ang aga naman ni mam kakaloka!
Kahit nangangatog na ang tuhod ko sa sobrang kaba ay pinilit ko pa ring tumayo para siya'y batiin.
'' g..g...good m...orning mam '' ayan nautal pa ako.
Pinasadahan lang ako nito ng matalim niyang tingin bago nagsimulang maglakad pakanan patungo sa elevator.
Uupo na sana ako ng bigla niyang tinawag ang apelyido ko sa masungit na tono.
'' Ms. Gomez? ''
BINABASA MO ANG
ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG)
Ciencia Ficción'' I never thought na mangyayari sa akin ito. It's 2018 already pero bakit may ganito? Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni lola. Yun ang akala ko. '' * Mataas ang ginawa kong pader para maprotektahan ang aking sarili. Napagtagumpayan ko ito ng mah...