- ISABELLE -
Papauwi na sana ako sa bahay ng maalala ko bigla yung papers na kailangan kong iuwi para pag aralan bago aprobahan. Malamang kasi bukas ay hindi ko na ito mabibigyan pa ng kaukulang atensyon dahil may mga nakatambak pa ako na dapat ireview at mas unahin na bigyan ng halaga. So I make a U turn para bumalik sa kumpanya.
Hindi na ako nakabalik pa kanina after the conference. Dumaan pa kasi ako sa isa sa pinatatayo kong eskwelahan para sa mga kapos palad na mga bata. Naniniwala pa rin kasi ako na nasa kanila pa rin ang kinabukasan ng ating bansa at bukod dito ay para naman magkaroon din sila ng maayos na buhay sa hinaharap at hindi yung nasa gilid lang ng kalsada, napapariwara at kung ano ano ang mga ginagawa. Ayaw ko pa naman ng ganun, nakakairita!
I parked my car and walked fast paced sa gusali. Nasa tapat na ako ng elevator at naghihintay na lang ng pagdating nito. May pababa pa kasi, naisip ko tuloy kung sino pa ang masipag na empleyado ko ang umuwi ng ganitong oras.
And here it goes, the metal door swung open. Ang hindi ko inexpect ay ang makita ko ang babaeng naging laman ng isip ko sa maghapon.
Halatang nagulat si carrie sa presensya ko, medyo napaurong kasi ito ng kaunti bago niya naibalik ang kanyang composure.
Naalala ko tuloy kaninang umaga, maaga talaga akong nagtungo sa opisina para kunin yung tseke na naiwanan ko kagabi na kailangan kong ibigay dun sa engineer na may hawak ng pinapatayo kong eskwelahan na nabanggit ko kanina.
Nang lumabas ako ay halos mahulog na nito ang tasa ng kape na iinumin niya sana. Muntik na akong matawa kung hindi ko lang napigilan, may clumsiness talaga kasi itong taglay. Kinakabahan itong tumayo para bumati sa akin. Nautal pa nga siya ang kaso di ko na ito masyadong pinansin dahil pakiramdam ko ay palagi siyang kabado kapag ako ang kaharap.
I told her to place the papers I am asking on top of the table. Nagulat ako dahil halos pasigaw siyang sumagot sa akin. At dahil dun ay humingi na naman ito ng tawad na napapansin ko na parang araw araw na lang niyang sinasambit.
I ordered her to meet my gaze, i want to read her kung naiisip niya rin ba yung nangyari sa amin kagabi. Hindi kasi ako nakatulog ng dahil sa halik na yun. Parang ang unfair naman kung ako lang ang hindi nakapagpahinga ng maayos diba.
ump.
Nakadalawang utos pa ako bago ito tumingin and I smirked ng hindi ko sinasadya. I saw dark circles below her eyes, so it means hindi din ito nakatulog.
Well that's good to know, umalis na ako na hindi na nagpaalam pa dito. Nakatulala na naman kasi which is so ordinary na sa kanya. Everyday na lang ata ay napapansin ko siyang nakatingin sa kawalan especially now adays. Hindi ko lang sigurado kung may gumugulo ba sakanya or may problema ba ito.
Napapansin ko rin kasi na parang hindi ito napapakali kapag kami lang ang magkasama at yun ang gusto kong malaman.
'' g...ood evening mam '' bati niya.
Napangiti na naman ako sa loob ko sa pagkautal na naman niyang muli. Imbes na sumagot ako ng pagbati ay eto ang siyang aking sinabi.
'' come with me ''
'' po? ''
Hindi ko siya inintindi, pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 40th. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya isinama basta parang gusto ko lang. I feel at ease kasi everytime she's near to me or simply alam ko na nasa labas lang siya ng opisina ko. But to expand it more? hindi ko rin alam kung ano pa ba ang ibang rason.
Nakarating na kami sa itaas at nagpatiuna na akong lumabas at dumiretso sa office. Binuksan ko ang ilaw at kinuha na yung mga kailangan kong dalhin sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/165718426-288-k634602.jpg)
BINABASA MO ANG
ILY since Yesterday, Tomorrow and Today (GxG)
Ficção Científica'' I never thought na mangyayari sa akin ito. It's 2018 already pero bakit may ganito? Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni lola. Yun ang akala ko. '' * Mataas ang ginawa kong pader para maprotektahan ang aking sarili. Napagtagumpayan ko ito ng mah...