Chapter IV | Jin the Virgin
Jin
Tatlong araw na ‘kong hindi pinapansin ni Namjoon— sa social media, sa texts at tawag, at hindi na niya ‘ko pinupuntahan dito sa bahay.
Pinanindigan niya yata ‘yong sinabi ko, peste.
Miss ko na siya. *pout*
Napabalikwas ako nang bangon sa sofa ng dahil sa naisip ko.
"T-teka nga! Ba't ba simula nang mag-inuman kami, napapansin ko yung pag-iiba ko ah?!" sabi ko sa harap ng salamin na malapit dito sa sofa.
"Hoy Jin! Ba't ka nagkakaganyan, ah?!" dinuro ko pa ‘yong sarili ko sa salamin.
"Lagi mo siyang iniisip! No’ng huling punta niya dito na-concious ka pa sa itsura mo kasi makikita ka niya! Nag-iinarte ka na para kang selosang babae na nireregla! Tapos ngayon sasabihin mo, namimiss mo siya?! Pota Jin, gwapo ka, hindi ka bayot! Gwapo ka, Jin!" tinitigan ko pa nang masama ang repleksyon ko sa salamin pero ‘di nagtagal lumambot din ‘yong tingin ko doon, hinawakan ang aking baba at hinimas ‘yon.
"Tama, gwapo ka, Jin. Ba't kaya sa gwapo kong 'to wala akong girlfriend? May maniniwala kaya sa’kin pag sinabi kong ang gwapong ito ay walang girlfriend since birth?!" tinignan ko pa ang ibang angulo ng mukha ko at saka umiling.
"Kung babae lang ako, jojowain na talaga kita, Jin. Worldwide handsome!" kinindatan ko pa ang sarili ko at tumawa.
Pota, nakakabaliw pala ang mag-isa lang sa buhay.
xxx
"Jin hyung~ namiss kita!" sabi ni Jungkook. Nasa reception na ‘ko ng bagong kasal na ito. Tapos na ‘yong kasalan na dito rin sa Pico Sands Hotel ginanap. Parang after wedding ceremony, diretso reception agad.
Ginawa namin ang handshake namin ni Jungkook noong highschool nang mag-hi rin ako sa kanya.
Nag-apir ang dalawang kamay namin tapos ‘yong likod ng mga palad namin, fistbump, tapos ‘yong mga ulo naman namin ‘yong pinagtama namin, palo sa batok ng isa, palo pabalik, sipa sa pwet ng isa, sipa pabalik.
"WAH! Namiss ko ‘yon, Jin hyung!" masayang sabi niya sa’kin, tumawa naman ako at sinabing ako rin.
"Ay congrats pala, Jungkook ah?! Ako ‘yong pinakamatanda sa tropa pero naunahan mo pa ‘ko mag-asawa," natatawa kong sabi.
"Salamat, hyung. Ano ba naman kasing ginagawa mo sa buhay? Balita ko hanggang ngayon wala ka pang girlfriend ah? Patay tayo dyan," pagtawa niya sa’kin.
BINABASA MO ANG
Jin the Virgin [COMPLETED]
Fanfiction[UNDER EDITING] Already edited: CHAPTER I-XXIII WARNING: 18+, LGBTQ+, used words are not that decent. Genre: Fan Fiction, Romantic Comedy, Erotica Casts: BTS as theirselves ••• Kim Seokjin is the perfect example of a total package boyfriend-he's ha...