XXI

240 15 10
                                    

Chapter XXI | Jin the Virgin


Jin

"Kumusta lakad niyo ng pinsan mo, Jin hyung?" tanong sa'kin ni Namjoon pag-uwi ko sa bahay.

Hindi ako nagsalita, bagkus ay tumabi ako doon sa sofa kahit pang-isahan lang 'yon, at yumakap sa kanya.

"I miss you," bulong ko tapos ay lalong diniin ang ulo ko sa dibdib niya.

"Aww, ba't ka naman naglalambing, hmm baby?" bulong niya habang hinihimas ang buhok ko.

"Wala lang, namiss lang kita. Ewan ko rin, ehehe," hindi ko pinahalata sa kanya ang lungkot sa boses ko. Naiiyak ako, sa totoo lang, pero ayaw kong magkwestyon siya.

Akala niya kasi ay pinsan ko 'yong kasama ko kanina, hindi niya alam na nagkaharap na kami ni tita.

"Uhh baby," tawag niya sa'kin at nag-hmm lang ako habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Nakikita mo ba 'ko sa future mo?" nagulat ako sa tanong niya kaya napakalas ako sa yakap namin at tinitigan ang mukha niya. Doon niya naman hinawakan at nilaro ang kamay ko.

"Anong ibig mong sabihin, Namjoon?"

"Ano- nakikita mo ba tayong nagmamahalan pa rin someday?"

Ba't mo ba tinatanong 'to? Anong iniisip mo, Namjoon?

"O-oo naman, syempre. B-bakit, aalis ka ba?" nauutal kong sagot sa kanya.

"Hmm? H-hindi ako aalis sayo, baby," naramdaman kong hinigpitan niya 'yong paghawak sa kamay ko.

Sinungaling.

Gusto ko umiyak sa harap niya pero hindi ko ginawa. Sa halip ay nginitian ko siya nang matamis.

"Mabuti kung gano'n. Oh siya, naghapunan ka na ba? Alas nuebe na oh, gutom ka ba?" pagbabago ko ng topic at saka tumayo. Naglakad ako patungong kusina.

"Oo, gutom na 'ko. Hindi pa 'ko naghahapunan, 'di ako marunong magluto~" narinig kong sabi niya habang sumunod sa akin pakusina.

xxx

Nasa kama na kami ngayon at nakahiga. Nakayakap na naman sa bawat isa, as usual. Tahimik lang kaming naghihintay ng antok habang nakikinig ng kanta nang bigla siyang nagsalita.

"Jin hyung, sigurado ka na ba sa'kin?" nagulat ako sa naging tanong niya kaya napatingala ako sa kanya.

"Ba't mo naman natanong 'yan, hmm?"

"Eh sagutin mo na lang."

"Syempre, sigurado 'ko sayo. Mahal kita eh," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Kapag inaya kita sa ibang lugar, sasama ka ba?" sinandal ko 'yong ulo ko sa dibdib niya at humingang malalim.

Ito na ba 'yong sinasabi ni tita na gagawin ni Namjoon para 'di matuloy ang kasal?

"Hmm? Ba't naman tayo pupunta sa ibang lugar?" depensa ko.

Sorry, baby. Kahit gaano ko kagusto sumama sayo- hindi pwede.

"Syempre para wala nang makakakilala sa'tin doon. Wala nang manghuhusga sa'tin, gano'n. W-wala nang- makapipigil sa pagmamahal ko- sayo- gano'n..." sa mga huling salitang sinabi niya, pahina nang pahina 'yong boses niya at dama kong humigpit 'yong yakap niya sa'kin.

Ba't kailangang maging gan'to kasakit 'to?

"Baby," pagtawag ko sa kanya.

"Hmm? B-bakit?"

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon