Chapter XVI | Jin the Virgin
Jin
Gabi na at sa buong araw na nagdaan, nanatili lang ako sa bahay. Iniisip ko kasi ‘yong nangyari kahapon— ‘yong biglaang pagpunta ni Namjoon dito sa bahay. Bakit siya biglang pumunta dito? Bakit siya makikipag-usap? Magkakabati na ba kami? Kailan siya babalik?
Nang pumunta siya kahapon, talagang kinilig ako bigla kasi nauna na naman siyang mag-approach eh, kaso nang narealize ko na makikipag-usap na siya sa’kin— syet lang— kinabahan ako bigla.
Kaya nga ito ako ngayon, nagpapakalango sa alak. Hindi kasi ako makapag-isip kung ano ang tamang sabihin kay Namjoon kung sakaling tapatin niya ako.
Paano kung sabihin niya sa’kin na ayaw niya na ‘ko maging kaibigan?
King ina.
Tinutungga ko ang pangatlong bote ko ng alak nang marinig kong may kumatok.
"Jin hyung? Papasok na ‘ko ah?"
Shit. Si Namjoon.
Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto at ang yapak niya patungong kusina kung saan ako nag-iinom.
"B-ba't ka nandito?"
"Umiinom ka?" hindi niya sinagot ang tanong, bagkus ay umupo siya sa bangkong kaharap ko.
"Oo, may bumabagabag sa isip ko eh. Ikaw, ba't ka andito?" naa-awkward-an ako, sa totoo lang. Ba't siya umaakto na akala mo’y walang nangyari sa’min?
"May bumabagabag din sa isip ko eh,” sabi niya sabay bukas doon sa natitirang bote ng alak.
"Ah, gano’n ba?" sagot ko sa kanya sabay tungga ulit ng alak, kumuha rin ako ng chicken skin na pulutan ko.
xxx
Namjoon
Mga nasa tatlong minuto rin ang pananahimik namin, tamang inom lang kami ng alak at papak ng chicken skin. Walang nagsasalita. Siguro parehas din kasi namin hindi alam ang sasabihin.
Nakita ko naman sa ibang parte ng lamesa ang dalawang walang laman na bote ng alak. So, pangatlo na niya ‘yong iniinom niya ngayon?
Habang umiinom si Jin hyung, pinagmasdan ko ang mukha niya at nakita ko kung gaano na siya kapula.
Ang totoo nyan, malakas naman talaga ang alcohol tolerance ni Jin hyung; anim o hanggang pitong bote ang nakakaya niya, pero tumitiklop talaga lagi siya sa brand ng alak na iniinom niya ngayon. Tapos wala pa siyang tinimpla dito kaya ngayon, paniguradong lasing na 'to.
Kapag nalalasing siya, namumula ‘yong buo niyang mukha pero hindi siya maingay hanggat hindi mo siya kakausapin. Wala siyang gagawin hanggat wala kang sinasabi sa kanya. At kung magsasalita man siya, wala ng filter ‘yong mga sinasabi niya at nagiging honest na lang talaga siya sa kung anong gusto niya isiwalat.
Siguro tama lang ang timing na 'to para mag-usap kami.
"Jin hyung?"
"Bakit?"
"Iyong tungkol sa kung anumang n-nangyari sa atin— ano— pwede ba nating pag-usapan?" putek, nakakakaba naman 'to.
"Anong gusto mong pag-usapan natin tungkol doon? “Wah puta, pare, ang sarap ng etits mo!”— gano’n ba?" haayyy, masyado niya namang pinapa-awkward ang ganap sa amin!
"Hyung, h-hindi naman sa gano’n eh,” halos pabulong na sagot ko sa kanya."Eh ano nga? Kung may feelings ako sayo? Kung gano’n din lang— wag na tayo mag-usap kasi hindi ko rin alam ang sagot,” ba't ba siya ganyan sumagot sa’kin?! Parang anytime aawayin niya ko! Nasaan na ‘yong sweet kong best friend?! Peste naman!
"Hyung, kausapin mo naman ako nang matino. Gusto ko lang na pag-usapan natin ‘yong bagay na ‘yon, ‘wag mo naman ako barahin at pangunahan."
"Eh ano nga kasi pag-uusapan natin?!" halos pasigaw na sabi niya sa akin.
"Kung ano ba ‘ko sayo?! Kung bakit mo hinayaang may mangyari sa’tin?! Kung ano pa ba tayo pagkatapos ko malaman ang lahat?! Kung ano ‘yong side mo?!"
There— I said it. Nakapipikon kasi siya eh. Kaya minsan ayokong kasama 'to ‘pag lasing siya eh.
"Ano ka sa’kin? Aba, malay ko! Noong una, best friend lang kita pero ngayon ewan ko na! Huwag mo ‘kong tanungin kasi ikaw mismo ang may gawa nito sa’kin! Iniba mo ‘yong tingin ko sayo!” sabi niya sabay duro sa akin, naghahabol ng hininga na animo’y may humahabol sa kanya.
“Bakit ko hinayaang may mangyari sa’tin? Aba, malay ko rin! Nadala ako eh! Bakit mo naman kasi ako hinahalikan ‘pag nalalasing ka?!” medyo naging normal na ang pagsasalita niya, hindi na sumisigaw, at hindi na rin nakaduro ang daliri niya sa akin.
“Ano pa ba tayo? Ayan ang isa sa pinaka wala akong alam! At ba't mo tinatanong?! Wala namang tayo! Ano ‘yong s-side k-ko? Tangna!" nanlaki ang mata ko nang makita ang mga takas na luha na bumabagsak sa pisngi ni Jin hyung.
Umiiyak siya. Shit, anong gagawin ko?
"J-Jin hyung."
"Ano ‘yong side ko?! Puta— nasasaktan ako, pare! Isipin mo— paano kapag nalaman ng iba? Paano ‘pag nalaman ng pamilya ko? —nila Taehyung? Ako ang lalabas na bakla! Ako ang lalabas na nananamantala kahit ang totoo wala na rin akong alam sa nangyayari!” patuloy ang pagbagsak ng luha niya habang palakas nang palakas ang pagsasalita niya.
“Isipin mo, Namjoon! Ano ‘yong side ko?! Naguguluhan din ako! Tangna, lalaki ako eh! Pero nagawa mong ikwestyon ko ‘yong sarili ko kung ano ba talaga ako! Feeling ko mababaliw na ‘ko kasi, tangna, isipin mo, pare, mag-best friend tayo pero may nangyari sa’tin! Sa lahat ng lalaki sa mundo, sa best friend ko pa ako nakipagtalik! Isipin mo, pare!"
Halos mabasag na ang glass na lamesa ni Jin hyung kada palo niya dito. Sobrang lakas nang pagtulo ng luha niya mula sa kanyang mga mata at naglalabasan ang mga ugat sa leeg niya sa sobrang pagsigaw. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
Mukhang hindi yata tama na ngayon ko siya kinausap.
"Tangna,” hinilamos niya ang palad sa kanyang mukha at ginulo ang buhok. Puta, anong ginawa ko sa Jin hyung ko?
"Sobrang mababaliw na ‘ko, Namjoon. Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. Minsan gusto ko magalit sayo kasi pino-provoke mo ‘ko eh. Kung hindi ka nag-aamok, walang mangyayari sa’tin, pero minsan galit din ako sa sarili ko kasi totoo naman eh— nasa katinuan ako, dapat hindi na lang ako nagpadala.
Madalas, gusto ko na lang lumayo sayo at takasan lahat nang 'to kasi ayokong malaman mo ang lahat, natatakot kasi ako na baka mag-iba ang tingin mo sa’kin tapos iwan mo ko pero— puta, ‘yon na nga eh— paano kita tatakasan kung ayaw ko ngang mawala ka sa’kin?" nakatakip sa mukha niya ang dalawa niyang palad at doon iniiyak ang lahat.
Paano ko nagawang paiyakin nang gan’to ‘yong Jin hyung ko?
"Ayaw kong mawala ka sa’kin, Namjoon, please. Tangna, iwan na ako nang lahat, ‘wag lang ikaw. Please, tanggapin mo ‘ko. Please, Namjoon."
Hindi ko na nakayanan kaya tumayo na ‘ko, lumapit ako sa kanya at hinatak ang kanyang kamay patayo, at doon ko siya niyakap.
Lumakas ang kanyang pag-iyak at yumakap sa akin pabalik.
"Hyung, pasensya na kung nasaktan at naguluhan ka nang sobra dahil sa’kin. Huwag ka na mag-alala kasi ayoko rin na mawala ka sa’kin. Hindi ko kayang mangyari ‘yon, hyung,” bulong ko sa kanya.
"Talaga?" tinulak niya ako nang kaunti para makatingin siya sa mga mata ko. Tumango naman ako at pinunasan ang kanyang mga luha sa pisngi gamit ang aking palad. Ngumiti ako sa kanya habang ginagawa ko ‘yon pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa—
"Kahit gawin ko 'to?" —pinag-isa niya ang aming mga labi.
xxx
BINABASA MO ANG
Jin the Virgin [COMPLETED]
Fanfiction[UNDER EDITING] Already edited: CHAPTER I-XXIII WARNING: 18+, LGBTQ+, used words are not that decent. Genre: Fan Fiction, Romantic Comedy, Erotica Casts: BTS as theirselves ••• Kim Seokjin is the perfect example of a total package boyfriend-he's ha...