XX

226 17 5
                                    

Chapter XX | Jin the Virgin



Jin

"Namjoon-ah, tara na dito at kumain!" sigaw ko mula sa kusina.

Nandito na kami ngayon sa apartment ko at katatapos ko lang magluto ng tanghalian naming dalawa.

Bumaba si Namjoon mula sa kwarto at naupo.

"Naka-topless ka na naman. Alam mo naman kung gaano kasagrado ang luto ko, ‘di ba? Pumanhik ka do’n at kumuha ng tshirt!" daldal ko sa kanya sabay bato ng punasan namin ng kamay.

"Aray naman, hyung! Hindi mo ‘ko kailangan batuhin! Saka katatapos ko lang maligo, tinatamad ako magbihis."

"So gusto mo bihisan pa kita? Doon ka sa sala at ‘wag ka kakain hanggat ‘di ka pa nagbibihis!" lumapit ako sa pwesto niya at tinulak siya para makaalis sa pagkakaupo kaso hinawakan niya ang pulso ko.

"Ikaw ang kakainin ko kapag ‘di ka tumigil," sobrang seryosong saad niya.

"Hahaha! Jin hyung, hajima! Hahaha!" lalo ko siyang itinulak kaya tumawa siya nang malakas at pinapahinto ako.

Eh bakit ba? Sa gusto kong ako na lang kainin niya eh, pwe.

"Gusto mo rin eh, ‘no?"

"Sino namang aayaw kung isang Kim Namjoon na ang kakain sayo?" may pagtaas ang kilay na sagot ko sa kanya.

"Mamaya na nga ang landiang ito at kumain na tayo ng totoong pagkain,” sabi niya at nagpaalam na kukuha lang ng tshirt.

Naupo na ‘ko sa aking upuan at napaisip habang hinihintay na bumaba si Namjoon.

Nitong mga nakaraang araw para lang kaming mag-asawa na nasa unang linggo nila buhat nang makasal.

Nakatutuwa namang isipin.

Kaso hanggang kailan na lang kami ganito?

Hanggang bukas? Psh.

Bakit kasi kailangan pang ikasal siya sa iba? Nyeta naman oh.

"Hoy, malunod ka dyan!" nagulat ako nang biglang pitikin ni Namjoon ang noo ko. Nandito na pala siya.

"Anong iniisip mo? Masyadong malalim ‘yon ah?" sabi niya nang nagsisimula na kaming kumain.

Hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin nasasabi sa kanya na narinig ko ang mga sinagot niya sa kanyang ina kagabi.

"Kamusta na kayo ni tita?" tanong ko patungkol sa mama niya.

"Tungkol ba dyan ang iniisip mo kanina?"

"Sagutin mo na lang."

"Okay naman na kami."

"Paanong okay? T-tuloy ba ‘yong kasal?" nyeta, tatanong-tanong pa ‘ko eh alam ko naman na ‘yong sagot.

"Okay na kami as in okay na. Bati na kami, nakapag-usap na kami gano’n,” hinintay ko pa siyang magsalita muli pero mukhang wala siyang balak sagutin ‘yong isang tanong ko.

"Dalawa ‘yong tanong ko, Namjoon, nasaan ‘yong sagot mo doon sa huli?"

"Huwag na natin pag-usapan, hyung. Hindi worth it. Kumain na lang tayo, okay?" buong ngiti na sagot niya sa’kin kaya ‘di na lang din ako nangulit.

Mukhang hanggang bukas na nga lang kami.

xxx

Kasalukuyang naliligo si Namjoon sa banyo nang marinig ko ang ringtone ng cellphone niya.

"Namjoon-ah, may tawag ka!"

"Sagutin mo na lang, hyung!"

Dahil nabigyan niya na ako ng permiso, kinuha ko na nga ang cellphone niya at kinabahan ako sa pangalan na nakita ko.

Nag-aalinlangan man, sinagot ko pa rin ang tawag.

"Hello po, tita. Si Jin po ito."

[Nasaan si Namjoon? Gusto ko sana siyang makausap,] panigurado tungkol sa kasal na naman ang sasabihin niya kay Namjoon.

"Nasa banyo pa po si Namjoon eh. Naliligo po."

[Nasa apartment mo ba kayo?]

"Opo,” bakit naman niya natanong?

[Pwede ba tayo magkausap ngayon, Jin? Tingin ko may kailangan akong sabihin sayo.]

Tangina. Bakit kailangan niya ‘ko makausap? Anong sasabihin niya?

Alam na ba niya?

"Tungkol saan po, tita?"

[Mamaya malalaman mo rin. Sa malapit na coffee shop na lang tayo magkita, mga bandang 4pm. Okay lang ba?]

"Sige po, tita. Wala naman po akong pinagkaka-abalahan eh,” may magagawa pa ba ‘ko? Hays.

[Wala nga ba talaga?]

"P-po?"

[Hahaha, wala. Sige na, Jin anak, mamaya na lang.]

"S-sige po, tita."

At doon na natapos ang tawag.

Anong ibig niya sabihin sa wala nga ba talaga?

May alam ba siya?

"Jin hyung, malunod ka na naman dyan!" napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Namjoon.

Nakatapis ng twalya ang ibaba niya. Kalalabas niya nga lang pala sa banyo.

"Si tita ‘yong tumawag, Namjoon,” nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi ko.

"Anong sinabi sayo ni Mama?"

"Wala naman. Nang sinabi ko na nasa banyo ka, kinamusta niya na lang ako,” pagsisinungaling ko. Alam kong di niya ‘ko papayagan kapag nalaman niyang makikipagkita ako sa mama niya.

"Gano’n? Sigurado ka, Jin hyung?"

"Oo nga! Maniwala ka, promise!"

"Okay, sabi mo eh,” pumunta na siya sa cabinet para maghanap ng damit at sa ‘di malamang dahilan ay sinundan ko siya at niyakap mula sa likod.

"Jin hyung, bakit?"

"Kasama kita ngayon pero parang namimiss pa rin kita,” sabi ko at lalong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Damang dama ko ang likod niya dahil nga hindi pa siya nakapag-bibihis.

Tinanggal ni Namjoon ang pagkakayakap ko at humarap siya sa’kin. Hinawakan niya ang mukha ko at sinabi ang mga katagang nagpaluha sa’kin.

"Mahal na mahal kita, Jin hyung."

Pinunasan niya ang mga takas na luha sa mata ko at dahan-dahang naglapit ang mga labi namin.

"Mahal na mahal din kita, Namjoon,” sabi ko at saka tinawid ang distansya sa aming mga labi.

xxx

Naghihintay ako ngayon dito sa coffee shop. Tinext ako ni tita na dito ko na lang daw siya hintayin. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa pagkikita namin na ‘to. Feeling ko talaga hindi magiging maganda ang usapan naming dalawa.

"Jin anak, matagal ka bang naghintay? Pasensya na, hijo, napaka-traffic kasi eh,” napatayo ako nang magsalita si tita. Agad ko naman siyang pinaghila ng upuan sa tapat ko.

"Nako, okay lang po. Sanay maghintay ang mga gwapo, hahahaha!” biro ko, pampakalma na rin sa sarili. Naupo na ‘ko sa upuan sa tapat niya nang maayos pagkatapos niyang makaupo sa kanyang upuan.

"Kahit kailan, mabiro ka talagang bata ka. Ay teka, kumain ka na ba? Oh, ito ang pera at umorder ka ng makakain natin,” nag-abot siya sa’kin ng 2,000 na tinanggap ko naman.

"Iyan ang gusto ko sayo, tita! Hahahaha, ano po bang gusto niyo kainin?" biro ko ulit. Hindi pwedeng ipakita kong kinakabahan ako, baka makahalata siya at magtanong.

"Ikaw na ang pumili para sa’kin, hijo,” nginitian ko siya at sinabing babalik ako agad, tapos ay pumila na ‘ko sa loob.

xxx

Pagtapos namin kumain ay doon na nag-umpisa magsalita si tita.

"Jin, nasabi na ba ni Namjoon sayo?" tinigil ko ang paghigop sa kape at saka siya tinignan.

"Iyong sa kasal niya po ba?"

"Oo, nakaayos na lahat ‘yon, Jin. Kahit na nag-oo na siya sa’kin, tingin ko may gagawin pa rin siya para hindi matuloy ‘yong kasal,” huminto siya para humingang malalim, kinuha ko ‘yong pagkakataon na ‘yon para uminom sa kape ko.

Nauubusan ako ng laway, kinakabahan ako.

"Kaibigan ka niya, Jin. Alam mo kung anong makabubuti sa anak ko, sa inyong dalawa. Parang awa mo na, ikaw na ang magtigil sa kung anong meron sa inyo—" nagulat ako nang biglang humikbi si tita. Dali-dali kong kinapa ang panyo ko sa bulsa at saka inabot sa kanya na tinanggap niya naman.

Shit, alam niya?!

"Nakita kayo ng isa sa mga kaibigan ko sa Batangas. Nag-send siya sa’kin ng picture na magkayakap kayo habang nasa gilid ng swimming pool. Kitang-kita niya raw kung gaano kayo ka-sweet sa isa't-isa doon sa pool na ‘yon. My friend even asked me if my son is gay and I don’t know what to answer," patuloy niya, umiiyak pa rin siya.

Tangina naman, tadhana. Grabe ka talaga umatake.

"Jin, I want my son to have a happy life. Kung itutuloy niyo ‘yong pagsasama niyo, everything will be complicated. Parehas lang kayo mahihirapan. Please, stop your relationship already."

Nilapag ko ‘yong baso ko sa lamesa at saka umupo nang maayos.

"Tita, first of all, I'm sorry. Kung na-judge man po kayo ng kaibigan niyo dahil sa pagsasama namin ni Namjoon, I'm really sorry po. I'm also saying sorry in behalf of Namjoon, sa lahat ng pasakit na dinala ng pagmamahalan namin sa inyo. But, tita, I want you to know that I love your son, and he loves me too. Isn't that enough to have a happy life?"

Pilit kong pinipigilan ang pagcrack ng boses ko at pagtulo ng luha ngunit sa sinagot sa’kin ni tita, hindi ko na napigil ang pag-iyak.

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon