Chapter V | Jin the Virgin
Jin
"Jin hyung, saan ka sa tingin mo pupunta, sa mall? Ba’t ka naman naka-oversized hoodie?!" napairap na lang ‘yong mata ko sa arte ni Jimin.
Nandito silang lahat ngayon sa bahay ko, pwera lang kay Jungkook kasi nasa honeymoon ngayon ang loko. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula no’ng kasal niya. Alas-dos sila pumunta dito sa bahay, ngayon ay alas-otso na at pupunta kami sa bar mamayang alas-nuebe.
At ito nga si Jimin, binubulyawan ang kuya niya. Tsk, walang galang.
"Yah! Anong tingin mo sa sarili mo ha? Mas matanda sa’kin? Anong nagawa ko para makatanggap nang ganitong kabastusan?!" pagdadaldal ko.
"Eh kasi naman, hyung, bar ‘yong pupuntahan natin, hindi park,” sabi naman ni Taehyung.
"Ano ba naman kasing naisip mo at nag-hoodie ka?" - Yoongi.
"Ito ‘yong nakuha ko sa damitan eh," hindi makatingin sa kanila na sabi ko.
Eh sa tinatamad na ‘ko mamili ng damit! Kung ako nga papipiliin, ayaw ko pumunta ng bar eh.
Wala lang akong choice kasi concerned lang naman daw sila kasi hanggang ngayon wala pa akong lovelife, baka raw tumanda akong binata.
Ito ‘yong tulong na sabi nila no’ng kasal ni Jungkook, hahanapan daw nila ako ng babae. Kung kinakailangan daw tawagan na nila lahat ng babaeng nakilala nila para lang mahanapan ako ng lovelife, gagawin nila.
Pero syempre may hidden agenda daw kami, ang pinaka-focus daw ng lahat nang 'to ay ang mahanapan talaga ako ng experience. Mga ulok talaga.
"Alam mo, dapat tawagin natin sa sala ang fashionista nating kaibigan para sayo eh,” biglang sabi ni Hoseok, "Malapit na mag-alas nuebe, kailangan na natin makaalis."
Fashionista? Si Namjoon?
"Kapupunta ko lang sa sala eh, may kausap sa telepono parang may kaaway," wika naman ni Yoongi.
May kaaway? Sino naman kaaway no’n? Paano ko naman malalaman eh hindi pa rin kami nag-uusap?
"Oy ba't ‘di na kayo umalis dito sa kwarto? Wala tayong balak umalis? Walwal na walwal na ‘ko oh!" biglang pumasok si Namjoon sa kwarto kaya natahimik si Yoongi— pero hindi si Hoseok, peste.
"Namjoon~ tulungan mo nga 'tong bespren mo! Tanga manamit eh! Sige ha? Iwan muna namin kayo dyan. Tara na mga bata, Yoongs hyung,” at parang bula, bigla silang nawala. Naiwan na lang kami ni Namjoon sa kwarto.
"Ehem,” napatingin ako sa kanya ng gawin niya ‘yan.
"So, ‘yan na ang fashion style mo ngayon? Oversized hoodie jacket sa bar?" tanong niya sa’kin. Inalis ko naman ang tingin sa kanya at umupo sa gilid ng kama ko.
"Wala na ‘kong fashion critic eh,” mahinang sagot ko sa kanya.
Si Namjoon kasi talaga ang laging namimili ng damit na susuotin ko. Kapag pupunta kami sa mall, makiki-party sa ibang kaibigan, out of towns, at maging ‘yong pagsisimba namin t’wing maisipan. Minsan nga ‘yong pambahay ko ring damit na naabutan niyang suot ko, pinapapalitan niya sa’kin kasi mukha raw akong basahan.
Wala kasi akong hilig sa fashion, kung anong nasa ibabaw ng damitan ko, ‘yon na ‘yon.
"Binreak ko na siya," nagulat ako nang magsalita ulit si Namjoon habang namimili ng damit ko. Napatitig tuloy ako sa likod niya.

BINABASA MO ANG
Jin the Virgin [COMPLETED]
Fiksi Penggemar[UNDER EDITING] Already edited: CHAPTER I-XXIII WARNING: 18+, LGBTQ+, used words are not that decent. Genre: Fan Fiction, Romantic Comedy, Erotica Casts: BTS as theirselves ••• Kim Seokjin is the perfect example of a total package boyfriend-he's ha...