XV

304 19 1
                                    

Chapter XV | Jin the Virgin

Jin

Limang araw. Limang araw na ang nakararaan simula nang mabisto ako ni Yoongi, at sa limang araw na nagdaan, hindi nagparamdam sa’kin si Namjoon.

Namimiss ko na siya, puta.

Bakla na ba talaga ako?

"Ugh, mababaliw na ‘ko!" sigaw ko at hinagis ang throw pillow. Nakahiga ako ngayon sa sofa at animo’y tinanggalan na ng rason para mabuhay at maligo.

Nakatingin lang ako sa kisame nang marinig ko ang mga yabag ng paa, bumaba na siguro galing sa kwarto ko si Pinkhead.

"What's up, Dickhead?" tanong niya gamit ang bedroom voice, kagigising lang kasi.

"The ceiling," sabi ko sabay tawa na para bang hinihika.

"Ha-ha-ha, funny,” nilingon ko na siya at umayos na ng upo sa sofa.

"So, ‘di ka na pwede biruin sa umaga?" tanong ko sa kanya.

"Yes, it's my red day right now and I'll punch you if you throw lame dad jokes again."

"Oy, baka tinagusan mo ang bedsheet ko ah?!" sigaw ko sa kanya at syempre sinigawan ako ng gaga pabalik.

"I didn't, okay?! Stop accusing me!"

Natulog kagabi dito si Pinkhead dahil sa nakipag-inuman siya sa’kin. Sabi nya girl's talk daw, asa namang bakla na ‘ko.

Naniniwala ako na attracted pa rin ako sa babae. Sayang ang gwapo kong lahi kung hindi ko 'to mapapasa 'no?!

Maya-maya pa ay lumapit si Pinkhead, tumabi sa’kin dito sa sofa at yumakap sa braso ko.

"My dear gayfriend, will you cook breakfast for me?" nag-puppy eyes pa ang babaita.

Parang kanina lang sinusungitan ako nito ah? Magulo talaga ang mga babae.

"May breakfast na doon pink na prinsesa— and I'm not gay! I'm handsome."

"Yeah whatever! Thanks for the meal!" hinalikan niya pa ako sa pisngi bago tumakbo sa kusina.

Sa limang araw na nakalipas, ang Pinkhead na 'yon ang naging sandalan ko. Binibigyan niya ako ng advice at kino-comfort, sinasabing magiging okay din kami ni Namjoon.

I am thankful that she became part of my life.

"Hey, Dickhead! Eat with me!" sigaw niya sa’kin kaya pumunta ako sa kanya.

"I ate already."

"Then eat again! I don't wanna eat alone!" she said with a pout.

"Kala mo kinaganda mo ‘yan?!" tanong ko sa kanya at dahil doon ay binato niya ‘ko ng balat ng apple na hiniwa niya kanina.

"Yah, ano ba?!" inaawat at sinasalag ko na siya pero sige pa rin ang bato niya sa’kin.

"You deserve it, Dickhead! Hahaha!"

"Hey, stob it!" patuloy lang siya sa pagbato sa’kin at binabato ko na rin pabalik sa kanya ang mga ‘yon nang marinig kong bumukas ang pinto ng bahay.

Nahinto kami sa nangyari at tatayo pa lang sana ako para alamin kung sino 'yon nang makita ko ang lalaking hindi ko inaasahan na makita.

"M-mukhang busy ka, Jin hyung. Babalik n-na lang ako sa susunod para makapag-usap t-tayo,” at bago ko pa siya mapigilan— umalis na siya.

Okay, ang bilis ng mga pangyayari.

Pumunta sa’kin si Namjoon para makipag-usap? Ba't parang— parang kinikilig ako?

xxx

Namjoon

Naiinis ako.

Naiinis ako kay Jin hyung.

Akala ko naman kung ano ‘yong ginagawa niya nang nag-doorbell ako at hindi niya pinansin— ‘yon pala nakikipagbatuhan lang siya ng balat ng mansanas sa bago niyang kaibigan!

Pero mas naiinis ako sa sarili ko para mainis sa ganitong kasimpleng bagay eh kung tutuusin nga ako ang may atraso kasi ako ang hindi nagparamdam.

"Ugh, mababaliw na ‘ko!" ginulo ko ang aking buhok out of frustration.

"Iinom mo na lang ‘yan, Namjoon,” sabi sa’kin ni Yoongi hyung at inabutan ako ng isa pang bas ng gin, kinuha ko naman ‘yon at tinungga.

"Ano ba kasing iniisip mo ah? Bigla-bigla ka susugod dito sa condo ko at nag-aaya mag-inuman tapos ngayong game na game na ‘ko uminom, mananahimik ka lang dyan. Kung hindi ka rin may saltik eh 'no?" mahaba niyang litanya.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Mababaliw na ‘ko, hyung,” sumimsim ako sa tagay kong gin.

Maski sarili ko hindi ko na maintindihan.

"Ano ba gumugulo sayo?" tanong niya ulit sa’kin.

"Naaalala ko na, hyung."

Simula sa simpleng paghamon ko sa kanya na paligayahin ako hanggang sa nangyari noong nakaraang linggo. Iyong tatlong beses na paggawa namin noon, naaalala ko na.

"Noong una, nandiri ako sa sarili ko. Syempre, lalaki pa rin naman ako. Hindi ko lubos maisip na kaya kong gawin ‘yon, sa bestfriend ko pa. Ako pa ‘yong laging gumagawa ng first move. Hindi ko kinakaya ‘yong mga nagf-flashback sa isip ko,” sabi ko tapos ay uminom ako sa baso.

"Kaso dalawang gabi lang ako nandiri, kasi ‘yong mga sumunod na araw, namiss ko na siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matiis na hindi siya makausap at makita kahit isang araw lang. Tinry ko magpunta ng bar at makipag-make out pero pangalan niya ‘yong inuungol ng bibig ko. Tapos kanina noong nakita ko siyang nakikipagharutan kay Jasmin, nagalit ako. Hindi ko alam ‘yong nararamdaman ko. Nakabubwisit na sobra ko siyang namimiss na ultimo binaba ko na ‘yong pride ko para mauna nang mag-approach sa kanya at maging okay ulit kami pero ano? Lumalandi siya! Kay Jasmin na naman! Dati naalala ko na iniwan niya ‘ko mag-isa sa bahay dahil kay Jasmin! Ano bang mayro’n si Jasmin na gustong-gusto niya? Iyong pink na buhok?! What the fuck?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili na isalita lahat ng nasa isip ko. Siguro dahil na rin sa ispirito ng alak.

"Hindi mo alam nararamdaman mo? Selos tawag dyan, baliw,” plain na sagot ni Yoongi hyung sa’kin sabay inom.

Selos?

"B-ba't naman ako m-magseselos?"

"Hay nako, kailan pa ‘ko naging takbuhan ng mga confused at indenial na lalaki sa nararamdaman nila?" bulong niya na animo'y kinakausap ang baso.

"Sabihin mo sa’kin, ano nararamdaman mo ngayon para kay Jin hyung? ‘Yong totoo, ayoko ng pang-showbiz na sagot,” tinitigan ko pa si Yoongi hyung na akala mo ay makukuha ko ang tamang sagot sa mga mata niya.

"Hindi ko alam, hyung,” sabi ko na may pag-iling pa.

"Magbestfriend nga kayo, iisa takbo ng utak niyo eh. Alam mo ‘yan, Namjoon, sabihin mo sa’kin kung ano nasa isip mo. Anong gusto mong sabihin? Anong nararamdaman mo para kay Jin hyung?"

Muli kong tinitigan si Yoongi hyung.

Sabihin ang laman ng isip ko? Ang gusto kong sabihin?

Ang totoo niyan, matagal na akong naguguluhan kung ano ba talaga si Jin hyung para sa’kin. Actually, siya nga ‘yong special na tao na sinabi ko sa kanya nang huling matino naming pag-uusap eh.

Bago ko pa maalala ‘yong mga nangyari sa pagitan namin ni Jin hyung, nalilito na ‘ko sa nararamdaman ko para sa kanya.

Pagmamahal na ba 'to?

Dahil sa tanong ni Yoongi hyung, sinabi ko na nga ang mga katagang tatlong araw nang tumatakbo sa utak ko.

"Ayaw ko siyang mawala sa’kin."

"Bwahahahaha!"

Ba’t siya tumawa nang malakas? Lasing na ba 'to? May sayad, amputek.

"Anong nakatatawa? Yoongi hyung, seryoso ako. Kahit corny pakinggan, totoo yon,” maiinis na ba ‘ko sa kanya? Tinawanan niya ‘yong nararamdaman ko! Kumuha ako ng maraming lakas ng loob para lang masabi ‘yon tapos tatawa lang siya?!

"Gago kasi kayo eh. Pinahihirapan niyo ang mga sarili niyo, hay nako."

"Anong sinasabi mo?" seryoso, ang gulo niya.

"Wala ako sa posisyon para i-spoil ka sa love story mo, but about your feelings, bro— what I've heard is enough,” tugon sa’kin ni Yoongi hyung at nag-aya ng isang toast.

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon