XIV

277 19 0
                                    

Chapter XIV | Jin the Virgin


Jin

Ano na, Kim Seokjin?! Puta, ‘di gumagana utak ko!

"Hala, oo nga, Jin hyung! May kissmark ka!" sabi ni Hoseok.

"Parehas kayo ni Namjoon hyung!" napatingin ang nanlalaki kong mata kay Taehyung nang sabihin niya ‘yan.

Putangina, Taehyung! H'wag mo sila bigyan ng idea!

Natahimik ang paligid na animo'y may dumaan na anghel— oh, how I wish na may anghel talaga na dumaan at kunin na ang kaluluwa ko! Ayoko na dito!

Napalingon ako kay Namjoon at nakatingin lang siya sa kawalan habang nakakunot ang noo.

God, sana wala siyang maalala. Baka mawala siya sa’kin ‘pag nalaman niya. Please, huwag. Siya lang ang kailangan ko, please.

"Wala ka bang balak sagutin ang tanong ko? Well, tingin ko naman alam ko na ang sagot,” nanatiling naka-smirk si Yoongi nang tignan ko siya. Maya-maya ay tumawa siya nang tahimik at umiling-iling. Tahimik pa rin ang iba at maging ako ay ‘di makapagsalita.

Tingin ko gugunaw ‘yong mundo ko.

"Atleast may ebidensya kang nag-enjoy kayo ni Taeia kahit ‘di mo siya naangkin," sabi ulit ni Yoongi pero alam ko na sa panahon na ‘yon, nabisto na niya ko.

"Oo nga! Mahilig ka rin sa foreplay, hyung, eh 'no?" sabi ni Jimin na nakapag-pahinga sa’kin nang maluwag. Buti na lang at hindi kasing talino ng mga ugok na 'to si Yoongi.

"A-ah eh. Oo, siya nga naglagay nito. A-akala ko matatago ko, h-hindi pala hehe,” kinakabahan pa rin ako at nanatiling nakikipagsukatan ng tingin kay Yoongi.

"Sabihin mo, hyung, masarap ba siya humalik?" sa tanong na ‘yon ni Yoongi, in-emphasize niya ang salitang 'siya' na animo'y may ibang tinutukoy.

Napalunok muna ko bago sumagot ng, "O-oo."

Napalingon ako sa gilid nang biglang tumayo ang katabi kong si Namjoon.

"A-aalis na ako. K-kailangan ko na u-umuwi,” dali-dali siyang tumayo at tinahak ang daan papuntang pinto para makaalis na.

Alam na ba niya?

"Tingin ko kailangan na rin natin umuwi sa kanya-kanyang bahay. Dalawin ka na lang namin minsan, Jin hyung, ‘pag naisipan namin,” sabi ni Yoongi at tumayo na.

Normal na nagpaalam ang apat habang si Yoongi ay bumulong sa’kin na babalik siya mamayang gabi para makipag-usap.

Bakit ba kasi nakalimutan kong matalino si Yoongi?!

xxx

"Lahat ng effort namin para ma-devirginize ka, parang binasura mo lang nang gano’n kadali nang dahil dyan sa pinasok mo. ‘Di mo ba naisip ‘yon?" 10pm na ng gabi at nandito nga si Yoongi sa bahay ko, nag-iinuman kami sa sala.

Nasabi ko na sa kanya na may nangyari nga samin ni Namjoon kagabi. Ang totoo nyan, ‘di na niya ‘ko tinanong, isang flat na statement ang sinabi niya na "Nagsex kayo ni Namjoon kagabi." nang nagsimula kami mag-inuman kanina.

"Pasensya na, Yoongi. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa katawan ko! Maging ako naguguluhan,” tumungga ako sa canned beer ko at yumuko.

Naii-stress ako sa mga nangyayari. Walang paramdam sa’kin si Namjoon at hindi ko alam kung nakaaalala na ba siya o hindi, nyeta.

"Sabi mo hindi alam ni Namjoon, ‘di ba? Kailan mo balak ipaalam?" uminom rin siya sa canned beer niya.

Light lang ang pag-inom namin dahil hindi matutulog dito si Yoongi, baka daw rape-in ko pa siya. As if namang type ko siya, pwe.

"Ewan ko, baka nga naalala na niya ngayon na may nangyari sa’min eh. Ikaw pala, paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya at kumain ng pulutan naming samgyeopsal.

"Noong nakita kong may kissmark si Namjoon, sabi niya ‘di raw niya maalala ang nangyari sa kanya. At noong tinanong kita sa kissmark mo, nanlaki ang mata mo, nang nag-comment si Taehyung, napalingon ka sa kanya na animo'y gulat na gulat at kabado kang tumingin kay Namjoon. Ang dali mong basahin sa kilos mo, hyung. Lalo akong nagkahinala na kay Namjoon nga galing ‘yon noong hindi ka makasagot sa’kin. Kung kay Taeia kasi galing ‘yon, pwede mong sabihin agad na si Taeia may gawa no’n, maiintindihan naman namin pero hindi— nag-alinlangan ka. At dahil doon, nabisto kita. Saka nakwento sa’kin ni Taeia na pagpasok niyo ng kwarto, binlowjob ka na niya agad after niyo maghalikan."

Muntik na maging madaldal si Taeia ah? Halos lahat na ng nangyari sa’min no’ng gabing 'yon, nakwento na niya eh.

"Tanggap niyo pa rin naman ako, ‘di ba?" nakayuko kong tanong sa kanya.

"Makikipag-inuman ba 'ko kung hindi? Okay lang yan, hyung. Gender doesn't matter,” ngumiti sa’kin si Yoongi nang matamis at kulang na lang maiyak ako.

Nakaramdam ako ng comfort sa ngiting ‘yon. Atleast may nakaaalam na bukod kay Pinkhead.

"Salamat, Yoongi,” niyakap ko siya kahit nang una ayaw niya pa.

"Pero teka lang, hyung. Seryosong usapan— mahal mo ba si Namjoon? As in romantically?"

Hindi agad ako nakasagot kay Yoongi.

Hindi ko alam kung pagmamahal na 'to eh.

Isipin ko pa lang na in love ako sa isang lalaki, nandidiri pa rin ako kahit papaano. Kahit pa may nangyari na sa’min ni Namjoon ng ilang beses.

"Hindi ko alam, Yoongi,” nakatingin lang ako sa kawalan habang umiiling pa.

"Alam mo yan, hyung, sabihin mo sa’kin kung anong nasa isip mo. Anong gusto mong sabihin? Mahal mo ba si Namjoon?"

Tumingin ako sa mata ni Yoongi, at gaya ng sabi niya, sinabi ko ang katagang buong araw nang tumatakbo sa utak ko.

"Ayaw ko siyang mawala sa’kin."

"What I've heard is enough,” tugon sa’kin ni Yoongi at nag-aya ng isang toast.

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon