XXVII

226 12 10
                                    

Jin

"Salamat talaga Koorine at naiintindihan mo ang sitwasyon." Kulang nalang ay lumuhod ako sa harap ni Koorine at linisin ang sapatos nya para mapakita na sobrang nagpapasalamat ako sa kanya.

"It's okay Jin. Jusko, nung highschool palang tayo kitang-kita ko na ang something sa inyo! Kinikilig kaya ako sa inyo dati!" Sabi nito sabay tumawa.

Kaklase namin si Koorine noong highschool, simula first year hanggang fourth year at naging malapit din kaming magtotropa sa kanya noon dahil sa kadaldalan nito at sa galing na pakikisama.

Kinagabihan noong malaman namin na uuwi ang parents ko, nagkataon na nag-email sya sakin at nangamusta. Dahil nga sa kadaldalan nya, nadala nya ng sobra ang pag-uusap namin hanggang sa napunta sa lovelife ko. Naamin ko nang wala sa oras ang sitwasyon namin ni Namjoon.

At napakasaya ko nang mag-offer sya ng tulong na magpanggap na babae ko para maipakilala sa magulang ko.

"So anong plano nyo?" Tanong ni Yoongi, sinama ko sya sa pakikipagtagpo kay Koorine dahil alam kong minsang ginusto nito si Koorine nung highschool kami.

"Ewan ko kay Jin. Ako, komportable naman ako sa holding hands mga ineme na yan na ginagawa ng couple. Ikaw ba?"

"Hay nako Koorine. Virgin yan si Jin hyung. Walang nakasamang babae yan. Ikaw nalang ang magdala sa inyo please?" Nagface-palm pa si Yoongi habang sumasagot kay Koorine, bumuntong hininga din ito at pumikit. Damang-dama ko ang stress na nararamdaman nya dahil sakin.

"Myghad Jin! So kay Namjoon ka lang talaga since Day-1?"

Tumango ako sabay yuko bilang pagsang-ayon.

Eh sa nakontento ako ng sobra kay Namjoon eh.

Nagpatuloy ang pag-uusap naming tatlo habang kumakain. Sa totoo lang, si Yoongi at Koorine lang naman ang nagchikahan, minsan lang ako makisali, pero madalas lumilipad ang isip ko.

Bumabalik ito sa jewelry shop kanina.

Sino ba yung babaeng yun? Sya na ba yung ipapakasal kay Namjoon?

Eh ba't ang close na nila agad?

Maraming bagay pa na negatibo ang pumapasok sa isip ko, nakakapanghina ang bawat rason na naiisip ko kung bakit ganoon nalang kasaya si Namjoon sa babaeng ipapakasal sa kanya.

Napakaganda nung babae. Kita ang kurba ng katawan nya doon sa black dress na suot nya. Simple lang ang make-up noon pero tila lumiliwanag parin ang paligid pag ngumiti sya.

Ganoon yung mga tipo ni Namjoon na babae.

Napabusangot ako ng wala sa oras dahil sa mga naiisip.

Nainlove na ba si Namjoon?
Nakuha ba ng babae yung interest nya?

Paano kung ako nalang pala yung gumagawa ng paraan para hindi ito ang maging dulo para sa aming dalawa?

xxx

"Andaming kalat naman dito sa bahay mo!" Narinig sa buong apartment ko ang tawa ni Koorine pagkatapos nya punahin ang paligid.

"Kaya nga maglilinis tayo eh. Yari ako kila Mommy pag nakita nila na ganto yung lungga ko." Sabi ko sabay abot sa kanya ng apron at walis tambo.

Magiliw nya naman itong tinanggap at nag-umpisa na magwalis habang ako naman ay nagpunta sa bookshelf ko at nag-ayos ng mga nakalagay doon, nagpunas din ako dito dahil napaka-maalikabok.

Mamayang gabi na ang uwi nila Mommy, sa hotel sila magstay pero dadalaw-dalawin nila ko dito panigurado kaya naglilinis nako.

"You look so in love with each other." Narinig kong sabi ni Koorine kaya napalingon ako sa kanya.

Nakita kong nakatitig sya sa mga frames na nasa lamesa malapit sa tv at nagets ko naman kung bakit nya nasabi yon.

Yung mga frames na kaharap nya ay naglalaman ng pictures namin ni Namjoon.

Inayos yun dati ni Namjoon noong dito sya nagtutulog. Para kaming mag-asawa noon.

Napangiti nalang ako ng maliit sa naalala.

Mga huling sandali na pala namin yon, kung alam ko lang.

"Uhh what's wrong? Bat ka naiiling dyan?"

"May naalala lang hehe. Do w-we really look in l-love with each other?" Nahihiya kong tanong habang lumalapit kay Koorine.

"Since Day-1 Jin. Kung paano kayo tumingin sa isa't-isa. If you only knew what you two look like back then. You look so crazily in love." May pagtawa pa na sabi ni Koorine.

Totoo ba? Since day-1?

"Hey, I feel like may kung anong negative kang iniisip. Don't think about anything bad Jin. I know that Namjoon loves you."

"Paano mo naman nasabi? Paano kung hindi naman talaga? Paano kung nakuha na nung ipapakasal sa kanya yung loob nya? Paano kung--"

"Look!" Nahinto ako ng ipagngudnguran ni Koorine sa mukha ko ang cellphone nya. Inagaw ko naman ito at tinitigan ng mabuti.

Convo nila ni Namjoon last 2 weeks.

"Namjoon told me everything beforehand. Magkasama pa kayo nyan nung nagsimula kami mag-usap. Sabi nya sakin, I should help you, ako lang daw yung pinagkakatiwalaan nyang babae para sayo. I gladly accept his order since I support you both since highschool.

"He told me to take care of you, help you about your parents and to remind you that he loves you very much."

Halos maiyak ako habang binabasa ang mga mensahe ni Namjoon kay Koorine about sakin.

Mga maliliit na bagay tungkol sa akin gaya ng mga gusto at ayaw ko. Mga bagay kung saan ako komportable. Mga bagay na makakapagpasaya sa akin.

He's so attentive on things about me.

Kahit sa screen lang, muli kong nadama yung pagmamahal nya.

"Thanks Koorine." She just smiled and told me to hide the frames and all Namjoon's traces in the house. Masisira lahat ng plano pag nakita nila Mommy ang mga gamit namin ni Namjoon.

xxx

"Mom, this is Koorine." Ngumiti si Koorine kay Mommy at nagbow ng kaunti.

"Nice meeting you po." Nasa kusina kami ng apartment ko. Nagluto ako ng dinner at saktong dumating nga sina Mommy dito at nakikain.

Katabi ko si Koorine tapos ay kaharap naman namin sina Mommy at Daddy.

"Where did you get this girl?"

"She's my friend since highschool. Simula last week nag-usap ulit kami and yeah, we hang-out sometimes." Kalmadong sabi ko.

Bobo pa naman ako magsinungaling, hindi ako pwede magpahalata.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Koorine ang kamay ko at in-intertwine ang mga daliri namin.

"Your son is so fun to be with. Way back on our highschool days, gantong ganto rin po sya. Sweet, caring and jolly. Kaya nung nagwave po sya sakin last week, I grab the opportunity and hang out with him."

"Does she knows? About your bestfriend?" Nagkatitigan kami ni Koorine nang marinig ang sumunod na tanong ni Daddy.

Si Namjoon ang tinutukoy nito.

Nginitian lang ako ng maliit ni Koorine at sya na ang sumagot.

"His bestfriend? You mean Namjoon? I knew what's about them. Jin talked to me about it already and I don't think it's necessary to bring something up from the past." Pinisil ko ang kamay ni Koorine at nginitian sya.

Nice play.

"Koorine's right, love. We should not talk about unnecessary things like that. So hija, tell me the score between the two of you."

Nagkatinginan ulit kami ni Koorine at ngumiti. Pagkatapos noon ay nagkwento na kami ng mga bagay tungkol sa aming dalawa.

Laking pasasalamat ko na isang romance novelist si Koorine.

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon